Belle Matriaga Nagsisisi ako! Sising-sisi ako na pumunta pa ako dito! Halos hindi na ako humihinga dahil sa pagkakatakip ng kamay ko sa bibig ko. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko dahil sa yapak ng isang taong papunta dito. Sino ba kasi iyon?! Patuloy ako sa pag iyak at tahimik na nagwawala dahil sa katangahan ko. Dapat pala nakinig ako kay Nana Clarisse dahil tama siya. May kasalanan man siya kung bakit ganito ang galit ni Annie sa mga tao pero dapat nakinig pa rin ako sa mga sinabi niya dahil tama talaga siya. Hindi na dapat pinapakialaman ang mga katulad ni Annie. Hindi na dapat sila pinapansin dahil mga kampon sila ng kadiliman! Mga demonyo! Nginig na nginig ang katawan ko dahil sa pinagsamang lamig at kaba sa dibdib ko. Basang basa na ang buong katawan ko at para na rin akong maii

