chapter 5

1023 Words
Chapter 5 (Celestine POV) Nandito parin kami sa pinyahan at inililibot ko sya kabuoan nito. Bukas ay sa sagingan ko naman sya itutour for the main time dito nalang muna sa pinyahan.Masuyong tinuturuan ni Manong Kaloy si Hunter kung Paano malalaman kung pwede na itong pitasin.Tinuruan rin nito kung Paano mamitas ata magbalat nito.Dahil richkid sya hirap sya magbalat.Syempre tawang tawa naman ako habang pinagmamasdan sya habang namamalat ng pinya.Isang pinya iyon pero umabot ng isang oras .Nang matapos na ay lamog lamog narin ang pinya.Isang kurot ang nagpatahan sa akin Sa pagtawa.. "Ouch!. Manang Choleng ang sakit po nun huh" Nakangusong sambit ko. "Ikaw bata ka puro ka kalokohan alam mo ng hirap na yung tao,tinatawanan mo pa". Sermon ni Manang Choleng sa akin Agad ko naman itong niyakap Para suyuin,ganito ako ka lambing sa kanila noon kahit kay manong Kaloy kaya mahal na mahal nila ako. " Naku ikaw na bata ka kung di ka lang namin mahal,ay talagang di mo na kami makikita dito ng mang Kaloy mo". Mangiyak ngiyak na turan nito habang yakap parin nito ang braso Kong nakaakap sa kanya. "Pasensya na po kayo Manang Choleng naiinis lang po ako sa lalaking yan masyado pa kasing mayabang eh". Sambit ko habang nakaakap parin sa kanya. " Maski na hija,huwag ka paring nagtatanim ng sama ng loob Sa kapwa mo.Hindi Ba't iyan naman talaga ang pangaral ko sa iyo." Sermon nito sa akin. "Pasensyo na po Manang Choleng Hindi na po mauulit". Sambit ko rito kahit naiinis parin ako s lalaking ngayon ay NASA harap ko na.So ako lang ba ang nakakakita nito bukod sa supladong ekspresyon nito ay marunong naring ngumisi ang unggoy na to.Wow just wow!. Habang namamahinga ang lahat ay naglabas ng meryenda si Manang Choleng ang paborito Kong suman.For sure yung unggoy lang di marunong kumain nito rich kid kasi.Kasalukuyan kaming NASA lamesa at kumakain ng sumain Hindi ko maiwasang tignan ang unggoy na ito na hirap na hirap sa pagtanggal ng balat ng suman. " Here..mukhang bukas ka pa matatapos dyan just take it." Binigay ko sa kanya ang nabalatan Kong suman.Buti naman at Hindi umandar ang kasungitan nito kundi mapipilitan akong ilabas ang sungay Kong naputol ni Manang Choleng kanina lang. "Thanks" pagpapasalamat nito sa akin. Infearness marunong palang magpasalamat itong unggoy na ito. "Naku hija bagay na bagay talaga kayong dalawa,naalala ko noon ang daddy at mommy mo." Kinikilig na turan ni Manang Choleng. "Manang...." Tignan ko ito ng matalim. "Oops pasensya na kinikilig lang". Turan nito habang kilig na kilig. " Mahal huwag mo na silang pangunahan mukhang nagpapakipot pa itong alaga natin eh." Sambit ni Manong Kaloy habang sinusubuan nito si Manang Choleng ng suman. "Mang Kaloy,Manang Choleng...." Nakangusong turan ko.Mukhang enjoy na enjoy tong dalawa sa pagtukso sa amin ng unggoy na ito.At ito namang lalaking to Nakangising aso Gosh!.. Para ako na ata ang aatakahin sa pinaggagawa ng dalawang to kung 'di ko lang talaga sila mahal kanina pa ako nag walk out dito. Naglakad lakad kami habang Hindi na ganoon katindi ang sikat ng araw.Dahan dahan kaming naglakad sa tambak ng lupa ng Hindi inaasahang mangyari..... "s**t!" Singhal nito Hindi ko alam Kong matatawa ako o maawa sa katangahan ng lalaking ito. "Ano titingnan mo lang ba ako Jan?" Singhal nito sa akin habang paika ika ito sa daan. "Gosh Hunter poops lang yan ng kalabaw di ka pa pilay nakakalakad ka pa okay! wag kang oa" .Sagot ko rito Iginaya ko sya sa isang pump ng tubig upang hugas nito ang kanyang suot na sapin Sa paa.Nang matapos na kami ay nagpasya na lamang kaming bumalik nalang sa kubo. "Oh Ba't lukot ang mukha mo hijo,di mo ba nagustuhan ang pamamasyal nyu?" Tanong ni Manang Choleng. "Naku Manang nakaapak lang ng ta* ng kalabaw akala mo ay na paralyze na". Pagpapaliwanag ko kay Manang Choleng habang pinipigilang matawa. " Naku hijo pasensya kana ginagamit kasi namin iyon Para sa pataba,Para lalong gumanda ang mga pananim." Pagpapaliwanag ni Manang Choleng rito. Tumango naman ang unggoy na to.Nang magtakip silim na ay napagdisyunan naming umuwi na.Medyo na tagalan pa kami dahil pinagtatalunan namin ang pagsakay ko sa passenger seat.Dahil pagod narin ako kaya nagpaubaya na lamang ako.Nilalamon ako ng katahimikan sa loob ng kotse nito kung kaya't in on ko ang stereo nang Hindi humihingi ng permiso mula rito.Pumailanlang ang kantang I don't wanna miss a thing.Hanggat unti unti na namang akong nilamon ng antok. Nagising ako sa bahagyang pagtapik nito sa aking balikat. "Wake up sleepy head" Sambit nito. Kaya napabalikwas narin ako at inayos ang aking sarili pangalawa na ata itong nangyari ngayong araw.Hinatid mo na Ako nito sa loob ng bahay.Kaagad naman akong pumanhik sa aking silid. Bahala na sila daddy makipag usap sa unggoy na yun dahil antok na antok na Ako. Nagbabad muna ako sa bathtub na may maligamgam na tubig.It soothing may body.Nakaugalian ko na ang ganito kahit sobra ang antok ko.Kunting tiis nalang matatapos din ang lahat.Kinuskus ko ang aking buong katawab habang ninamnam ang init ng tubig.Biglang sumagi sa isip ko ang unggoy na yun.Sobrang harsh ko na ba sa kanya kaya ganun nalang akong pangaralan ni Manang Choleng.Sya naman kasi ang nauna kung sana mabait ang pinakita nya nung una baka sakaling na bago pa ang unang impresyon ko rito.Hay forget it celes kasalanan nya yun, not you! Pagtatama ko sa sarili ko.Nababaliw na ata ako Ba't ko pa sya iniisip,dapat nga isipin ko yung reports namin bukas.Dibale na nakapagreview na naman na Ako dun. Kaylangan ko munang magrelax .Ilang linggo nalang matatapos narin kami.Kumusta na kaya si Camille malamang pumunta na naman yun sa Bar.Hay babaeng yun talaga Kapag di nya iniwasan pumunta dun for sure magiging ninang ako ng Wala sa oras kaya bukas pangangaralan ko na yung babaeng yun.Matapos ang pagkukuskus ko sa aking buong katawan ay kaagad naman akong nagbanlaw upang makapagpalit na ng pantulog.Nagbasa muna ako ng paborito Kong romance novel bago ako dinalaw ng antok.Tomorrow is another day,magkikita na naman kami ng unggoy na yun.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD