chapter 4
(Celestine POV)
Abala kami ni Camille sa pagpapasa ng mga requirements para makagraduate kami.Buti na lamang at half day nalang kami hanggang sumapit ang aming graduation. Kaliwat kanang reviews, reports at requirements ang ginagawa namin.
"Hay! so tiring isn't it?" Sambit ni Camille. Kasalukuyan kaming nakatambay sa labas ng gate habang hinihintay ang aming mga sundo dahil halfday lang kami.
"Yup! gusto ko ng humiga agad!" Sagot ko rito Bigla nalang sumagi sa isip ko na may gagawin pa pala ako.Di ko pa nasisimulan Parang naiiyak na ako.
"Anong nangyare sayo Parang maiiyak ka Jan?" Puna ni Camille na nakanoot ang noo nito.
"Ah..wala to naiiyak lang ako dahil marami pa tayong gagawin bago gumraduate.Nakakaiiyak talaga". Pag dadahilan ko rito Para di na mag usisa.Hindi ko pa kasi nasasabi sa kanya ang plano ng mga magulang ko eh..Ayuko na mang ipaalam rito baka imbis isang buwan lang eh tumagal pa,pag nalaman nito for sure aandar na naman ang kaharutan ng babaeng ito.Kung tutuusin gusto ko na agad matapos ang isang buwan baka 'di ko matagalan ang lalaking yun.
" Tulala ka girl" pagkuha nito ng atensyun ko sabay pitik ng daliri nya sa ere.
"Wala to..iniisip ko lang kung Ano na naman kaya ang task natin bukas". Sambit ko nalang rito.
" Alam mo nget lutang ka eh malamang walang kamatayan reports gosh!" pagtataray nito sa akin.
Buti na lamang at dumating ng sabay ang aming mga driver kaya sabay din kaming nagpaalam sa isa't isa.Pag upo ko sa backseat ay umidlip agad ako.Dahil nasa isip ko parin kung Paano ko pakikisamahan ang Hunter na yun 'di na ako dinalaw ng antok.Hay bw*s*t talaga yung lalaking yun subukan lang nya akong sungitan at makikita nya.Pasalamat pa sya kahit pagod ako ay pinaglalaanan ko sya ng oras tapos susungitan lang nya ako no way! Pinilig ko ang aking ulo.
"Ma'am ayos lang po ba kayo?" Tanong ni mang Jun
"Yes manong don't mind me". sagot ko rito. Nagpatuloy naman ito sa pagdadrive hanggang sa makarating kami ng bahay.
" Mom,Dad I'm ho---".natigil ako sa pagsasalita ng makita ko ang lalaking kinaiinisan ko na nakaupo sa sofa.Ang sarap e- hambalos itong bag ko sa ulo nya at ng matauhan.Napalingon ito sa aking na suplado parin ang mukha.
He's wearing black polo shirt, cargo pants and black cap.Ang gwapo nitong tinignan dahil nangingibabaw ang angking karisma nito.
"Stop drooling on me,alam ko gwapo ako !". Singhal nito sa akin napagbalik sa aking katinuhan.Utomatikong umangat ang kilay ko sa kayabang ng lalaking to.tsk gwapo na sana mayabang naman.Humanda ka lang sa akin mamaya tignan natin kung gwapo ka pa.
" Sorry to burst your bubble,but I'm not." Pagsisinungaling ko rito Ewan ko nalang kung maniniwala sya.
"Really!.See the evidence on your face" Sarkasmong turan nito bago ito tumayo at lumapit sa akin.
Nangingitngit ako sa galit pag akyat ko ng room ko bw*s*t talaga kahit kaylan ang lalaking yun.Agad akong naghanap ng maisusuot sa closet ko.Nagsuot ako ng croptop at tattered jeans tsaka flats Para sa sapin ko sa paa.'Hindi narin ako nag abalang mag ayos pa dahil unggoy din naman ang sasamahan ko so Para saan pa.Pagbaba ko ng hagdan ay naabutan ko si mommy at daddy kasama ang unggoy na nag uusap sa sala habang hinihintay ako.Tumikhim ako Para makuha ang atensyon nilang tatlo.
"aheem..I think we should go Para maaga tayong matapos". Pag aya ko rito.Kaagad naman itong tumayo at nagpaalam sa mga magulang ko.Ako na may humalik sa kanila bago lumabas ng bnito.
.
Laglag ang panga ko sa sasakyan nitong yayamanin Black Audi lang naman.
"Get in!" Mautoridad na sambit nito.
So wala syang balak pagbuksan ako napaka ungentleman naman nito kung ganun.Fine I can handle my self.Pumasok na ako sa may backseat ayuko syang katabi.
"Bakit dyan ka umupo?" tanong nito habang tinitignan ako sa may salamin.
"Can you please mind the road not me baka mabangga pa tayo ayuko pang mamatay" .Pagtataray ko rito.
"Don't worry I'm not reckless driver okay". Sagot nito.
'Di ko nalang sya pinansin Para Hindi na humaba ang usapan naming walang ka kwenta kwenta.Isang buntong hininga ang narinig ko mula sa kanya.Ako naman itong nakatanaw lang sa labas ng bintana.
"Wake up sleepy head!". Sambit nya habang tinatapik nito ang balikat ko.Nakatulog na pala ako sa mahigit kalahating oras ng byahe.Pero teka Paano nya nalaman ang location ng hacienda namin?.Baka nagtanong sya kila dad dahil alam nyang di ko sya kikibuhin.Buti naman kung ganun.
" For the second time Celestine, alam Kong gwapo ako so don't stare me like that". Turan nito habang ginigaya ako palabas ng kotse.Parang sarap sa tenga yung pagbanggit nya sa pangalan ko.Inayos ko ang suot ko bago ako lumabas ng tuluyan sa kotse.
Tanaw ko na ang malawak na taniman ng pinyahan,sa ibang parte nito ay may manggahan,sagingan,ubasan at mga samut saring gulay.Sa pinakadulo nito ay mga alaga naming hayop kaya matatagalan pa Ang pagsasama namin ng unggoy na ito.MA's malawak parin ang lupain ng Del Mundo compare sa amin kung susumahin baka NASA Kalahati lang ang sa amin.Ewan ko ba kung bakit sa akin pa talaga pinasamahan tong unggoy na to.
Nagpatuloy kami sa paglalakad upang makapunta kami sa may kubo kung Saan nagpapahinga ang mga trabahador.
"Naku celes Buti naman at napadalaw ka rito,lalo kang gumanda hija." Turan ni Manang Choleng habang hawak hawak Ang mga kamay ko.
"Naku manang naging busy po ako sa pag aaral ,dibale po mapapadalas na po ang pagpunta ko rito dahil itotour ko po itong unggoy na ito este anak po ni Don Lucas, si Hunter po pala". Pagpapakilala ko rito.Napatingin ako sa kanya at blangko lang ang ekspresyon ng mukha nito.
" Naku kay guwapo ng batang ito,kamukhang kamukha ko nung kabataan ko" pagbibiro ni mang Kaloy
Isang hampas ang tinamo ni Mang Kaloy mula sa misis nitong si Manang Choleng.Dekada narin ang ginugol ng dalawa rito sa hacienda kung kaya nakapagtapos narin ang kanilang tatlong anak.Ilang beses narin silang pinagpapahinga sa trabaho ng kanilang mga anak kaso napamahal na daw sila rito.Ako kasi ang tinuturing nilang bunsong anak kaya siguro 'di nila ako maiwanan.Bata palang kasi Ako sila na ang kasa kasama ko rito.Nakakainggit lang dahil mahal na mahal nila ang isa't isa sana ako rin ganito ang takbo ng love life.