Chapter 10

996 Words
Alex “Tama na 'yan! patayin niyo yan!” sigaw bigla ni Lorenzo, dahilan para mapatingin ang lahat sa kanya. Napatigil ang lahat, at sunod-sunod na napalingon kay Daisy. Halatang-halata sa reaksyon ng mga naroon na hindi siya ang tunay na utak sa likod ng mga disenyong ipinagmamalaki ng Serendipity sa loob ng maraming taon. “Tama na sabi!” ulit ni Lorenzo, ngayon ay punong-puno ng inis ang boses. Habang umiinit ang tensyon sa loob ng bulwagan, biglang bumukas ang pintuan. Sa bawat pagpalakpak ng kanyang mga kamay, unti-unting nabaling ang atensyon ng lahat sa babaeng bagong dating, si Serene. Nakasuot ng isang napakagandang combination ng white at silver na long gown na lalo lang nagpalitaw sa kanyang perpektong hubog. Sides niya ang nakikita ko habang mabagal siyang lumalakad na parang may sariling tugtog ang bawat hakbang niya. At nang siya’y lumingon dahilan upnag mapatalikod siya sa akin ay napansin ko kung gaano kaelegante at kaayos ang suot niya. Ngunit nang humarap na ito ay halos mabulunan ako sa sarili kong hininga. Ang gown ay may mahahabang manggas na maluwag, pero ang harapan nito, f**k! Manipis na manipis, at tanging ilang parte lang ng kanyang katawan ang natatakpan. Sigurado akong hindi lang ako ang napapako ang tingin. Ang bawat lalaking naroon ay mistulang naparalisa, kinukuwenta na sa isipan ang bawat pulgada ng kanyang balat na nasilayan nila habang gusto kong tumakbo palapit sa kanya upang takpan ang katawan niya ng suot kong coat. “At bakit ganyan ang suot niya?” galit na tanong ko sa aking ng isipan. Paano niya nagawang isuot ang ganoong klaseng damit, gayong halos patayin niya ang isang tauhan niya noon dahil lang sa pagbili nito ng dress na isinuot niya sa kasal namin? “Anong ginagawa mo rito?” tanong ni Daisy, bakas sa boses ang inis. Si Lorenzo nama’y tila lalong nagtanim ng galit habang nakatingin sa kanya. Naging masyadong maingay ang komosyon. Napilitan akong iangat ang tingin ko mula sa aking mapang-akit na asawa, at ituon ito sa bangayang unti-unti nang sumasabog. “Siyempre, kailangan ay narito rin ako. Karapatan kong igalang ang pinaghirapan ng aking ina,” sagot ni Serene, mariing binigyang-diin ang salitang ina. “Matagal nang patay ang nanay mo. Anong pinaghirapan ang sinasabi mo?” sabat ni Daisy, hindi makapaniwala. “At bakit mo ako tinatanong? Sino ka ba sa kumpanyang ‘to?” sagot ni Serene na may taas kilay. Napatda si Daisy, saka lumingon kay Lorenzo, umaasang siya’y kakampihan nito. “Wala kang karapatang nandito. Sino’ng nagpapasok sa ‘yo?” galit na tanong ng ama ni Serene, sabay lingon-lingon sa paligid na parang naghahanap ng tauhan. At nang makakita siya ng waiter, agad niyang utos, “Palabasin ang babaeng ‘yan!” Ngunit hindi natinag si Serene. Tuwid ang tindig at mariing nagwika, “Ako ang anak ng babaeng nasa video. Bakit naman ako mawawalan ng karapatan na magpunta rito? Andiyan din naman ang babaeng halos wala pang apatnapung araw matapos mamatay ang ina ko ay inuwi mo na agad sa bahay. Kasama pa ang anak nito. O dapat ko bang sabihing… anak NINYO?” dagdag pa niya, matalim ang bawat salita. May narinig akong mahihinang bulungan sa likod. “May kabit pala si Lorenzo?” bulong ng isang bisita, agad na nagpasimula ng bulung-bulungan. “Grabe. Ang ganda ng asawa niya, tapos siya pala talaga ang gumawa ng lahat, hindi gaya ng pinapaniwala niya sa atin dati,” sabat ng isa pa. “Sabi ko na nga ba. Nakilala ko si Marissa noon. Magaling ‘yun sa jewelry design. Minsan na rin kaming nagkausap habang bumibili siya ng gemstones,” dagdag ng isang elegante at pamilyar na ginang, na agad namang sinang-ayunan ng mga babaeng kasama niya. Biglang nag-anunsyo ang host, “Palakpakan natin si Ms. Mavie Sy!” Napalingon ang lahat sa entablado. Sa suot niyang baby blue gown, kitang-kita ang kwintas na isinabit sa kanyang leeg. “Hello po sa inyong lahat. Ipinagmamalaki kong ipakita ang bagong disenyo mula sa aking mapagmahal at very talented na ina, si Daisy.” Pinatong pa niya ang kamay niya sa dibdib, sa mismong lugar kung saan nakapwesto ang kwintas. Nagkatawanan ang mga tao at hindi ko napigilang tumawa na rin. “At ang kapal ng mukha mong isuot pa ang kwintas na ‘yan?” tanong ni Serene, diretsong-diretsong nakatitig kay Mavie. “Anong ginagawa mo rito?” balik-tanong ni Mavie, halatang clueless sa sitwasyon. Nang mapansin niyang siya ang pinagtatawanan, unti-unting bumuka ang kanyang bibig sa pagkagulat. Dali-daling lumapit sina Daisy at Lorenzo sa kanya, at sabay-sabay siyang inalis sa entablado. Naiwan ang mga bisita na nag-aabang kung babalik pa ang pamilya… pero hindi na sila muling nagpakita pa. Sa halip, si Serene ang muling umakyat sa entablado, pinagpatuloy ang programa, at siya na ang nag-host ng buong gabi. Mula sa tagumpay ng Serendipity Jewelry, sa kwento ng kanyang ina, hanggang sa kasaysayan ng kumpanya, si Serene ang naging sentro ng lahat. Kalmado siyang humarap sa mga tao, may taglay na alindog at respeto. Hindi siya natinag sa atensyon ng mga gustong lumapit. Sabi nga ni Von, “Isa, dalawa, tatlong hakbang ay lagi siyang nauuna sa ama niya.” Gusto ko sanang hintayin ang pagtatapos ng event, pero parang wala na ring saysay. Si Serene na ang may hawak ng gabing ito at lahat ng galaw niya ay planado kaya lahat ay lumabas na pabor sa kanya. Tahimik akong lumabas ng venue. Mas gusto kong mauna sa bahay bago siya dumating, para hindi siya maghinala. Hindi ako sigurado kung alam niyang naroon din ako, pero inutusan ko si Von na mag-iwan ng mga tauhan upang bantayan siya. Nahumaling pa rin ako sa ganda ng suot niya. Gusto ko siyang lapitan, hawakan, yakapin pero hindi pwede. Kailangan kong umalis. Isang huling sulyap ang ipinagkaloob ko sa kanya bago ako nawala sa gitna ng mga tao. Sigurado akong ang nangyari ngayong gabi ay ang siyang magiging headline bukas ng umaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD