Pang-apat na araw ko na dito sa ospital ngayon. Si Nanay ang nagbabantay sa akin simula ng maospital ako. Ang pinsan ko namang si Lorraine ay dumadaan din pagkatapos ng work niya at nagdadala ng mga kailangang gamit namin ni Nanay sa umaga bago siya pumasok. Ang mga kaibigan kong sina Kris at Alyssa naman ay araw araw din akong dinadalaw. Nung isang gabi ay sila ang nagbantay sa akin para naman daw makatulog ng maayos si Nanay sa bahay at makabawi ng tulog kahit isang gabi man lang. Laking pasasalamat ko kay G dahil may mga tao sa paligid ko na nagmamahal sa akin na pinanghuhugutan ko ng lakas at suporta. Bukas ay pinayagan na akong lumabas ng doktor ko. Wala nang nakakabit na heartbeat monitor at dextrose sa akin. Though may nurse pa din na once in awhile na nagchecheck pa rin ng bloo

