Bakit nga ba kasi ako pumayag sa pagsasakatuparan ng plano ni Wena? Kung tutuusin, wala namang pinakitang masama sina Leci at Pareng TJ sa akin. Mula ng maging magkumpare kami ni Pareng TJ nung kinuha kaming ninong sa binyag nung anak ng isang kakilala namin dito sa isla ay kaibigan na ang naging turing ni TJ sa akin. Maayos makisama si Pareng TJ sa lahat ng kakilala niya. Hindi naman niya kasalanan na sa iisang babae kami nagkagusto. Lalo na si Leci. Wala siyang atraso sa akin dahil ako ang nagdalawang isip sa pagligaw sa kanya kaya si Pareng TJ ang naging boyfriend niya. Sinabihan ko pa man din si Pareng TJ dati na wag papaiyakin si Leci pero ano tong ginawa ko? Mukhang isa pa ako sa naging dahilan para masaktan at umiyak si Leci. Kinausap kasi ako ni Wena nung isang araw. Nabalitaan

