Nagising ako na medyo madilim ang paligid ng kwarto ko. May konting liwanag na tumatagos sa bintana sa may ulunan ko na nanggagaling sa poste ng ilaw sa labas. Anong oras na ba? Tanong ko sa sarili ko. Kinapa ko ang cellphone ko na tanda ko ay nilagay ko sa gilid ng kama ko para tignan kung anong oras na. Alas otso na pala. Napahaba ang pag idlip ko. Naramdaman kong kumulo ang tiyan ko. Naku, nagugutom na ako. Hindi pa naman ako nakapagluto. Sabi ko pa man din kay Mi Loves TJ ko kagabi na ako ang magluluto ng hapunan namin ngayon. Ano kakainin namin ngayon? Nakauwi na kaya si Mi Loves TJ ko? Hays. Nagdecide akong pumunta sa common area pagkatapos kong magsuklay ng buhok at magpalit ng damit pambahay. Narinig kong may mga nagkwekwentuhan sa common area. Hindi muna ako tumuloy sa p

