April 1. Pang anim na monthsary namin ni TJ ngayon bilang mag Mi Loves. Excited akong gumising kanina. Expecting something special to happen kasi nga 6 months na kami. Half a year na kaming mag Mi Loves. Nung mga nakaraang monthsary kasi namin, lagi akong may narereceive na rose from him kaya I can't help but to expect today. Pero ni ha ni ho, wala akong nareceive na text mula kay Mi Loves TJ ko at wala pa ding Mi Loves TJ ko na nagpakita sa akin. Hindi kami nagkita kanina sa barracks. Ni hindi din dumaan dito sa opisina. Sabi lang ni Ate Liza sa akin na biglaan daw ung pag alis ng maaga nila Mi Loves TJ ko kanina. Maaga daw kasing nanggising si Bossing para pumunta sa site. Ganoon ba kahimbing ang tulog ko para di ko man lang narinig na maagang nanggambala ang amo namin? Ganun

