"Are you sure, Mi Loves Leci ko?" Nanlalaki ang mga matang tanong sa akin ni Mi Loves TJ ko. Tumango akong nakangiti sa kanya. "No. Ayaw ko ng tango lang. I want to hear it from you. Sabihin mo ulit." Medyo malakas ang pagkakasabi ni Mi Loves TJ ko kaya tinakpan ko agad ang bibig niya. Tumingin sa amin ang lahat ng tao sa paligid namin. "Naku, naglalambingan na naman ang mag-Mi Loves. Kumain na kayong dalawa. Mamaya na yan bago kayo matulog." Sabi sa amin ni Kuya Rodel na nag umpisa ng magbukas ng bote ng alak. "Oo nga. Kami e nakakain na samantalang kayo e kinain na naman ng mga langgam sa sobrang sweet nyo." Dagdag panunukso ni Kuya Caloy. "Tara kumain na nga naman tayo, Mi Loves ko." Aya ko kay Mi Loves TJ ko. "Umiiwas ka, Mi Loves Leci ko." Bulong sa akin ni Mi Loves TJ

