Inalalayan akong tumayo ni Mi Loves TJ. Isa-isa kaming binati ng mga kasamahan namin na nandun. Bawat pagbati ay may kasamang yakap sa amin ni TJ. Pare-parehong namumula ang mga mata namin. Babae man o lalake. Thank you, G. Thank you for giving me Mi Loves TJ ko and the people here today dahil ramdam na ramdam ko ang pagmamahal nila sa akin. Sa amin ni Mi Loves TJ ko. Thank you, G, for another answered prayer. Tahimik kong dasal. "Kainan na." Sigaw ni Kuya Sid. Aba may nakahandang buffet pala sa isang gilid. Hindi ko napansin un kanina. Paano ko nga ba mapapansin e all eyes ako sa Mi Loves TJ ko. "OO kain na tayo. Nakakagutom ang umiyak." Pagsang-ayon ni Kuya Leo. Lahat kami ay tumawa. Sina Ma'am at Bossing naman ay nakitawa na din after i-translate ni Kuya Paul ang usapan. "Kain

