"Ibig bang sabihin e tayo na ha, Mi Loves Leci ko? Sinasagot mo na ako? Mahal mo na din ako ha, Leci?" Nanlalaki ang mga matang nakatitig sa akin na tanong ni TJ. Dahil na din sa hiya at pagkagulat ko sa mga tanong ni TJ, imbes na sumagot ako ay dali dali akong tumayo sa kinauupuan namin ni TJ. Tumakbo ako palabas ng barracks. Narinig ko pa ang pagtawag ni Ate Liza sa akin pero hindi ako lumingon man lang o huminto sa pagtakbo. Ano ba, Leci? Bat ka tumakbo? Oo o hindi lang naman ang isasagot mo, sabi ng isang parte ng utak ko. Saka di ba ito na ung hinihintay mo na pagkakataong tatanungin ka ni TJ. Un nga lang, mas gusto ko kasi na kami lang ni TJ sana ang magkaharap pag sinagot ko siya. Sa dalampasigan ako dinala ng mga paa ko. Sumalampak ako sa paborito naming lugar ni TJ tuwing pum

