Inabutan kong nakaupo sa common area sina Ate Liza, Kuya Leo at Kuya Ray paguwi ko sa barracks nang hapon na yon. "O, Leci. Nag-out ka na pala. Nakausap ka ba ni Allan kanina? Ung taga dyan sa Shirley's. Hindi kita natanong kaninang nag-out ako kung nagkausap ba kayo." Tanong sa akin ni Ate Liza. Ngumuso pa si Ate Liza sa direksyon ng Shirley's. Sasagot sana ako ng biglang magsalita si TJ na kalalabas lang galing sa kwarto niya. "Bakit kakausapin ni Allan si Leci, Ate Liza?" tanong ni TJ na nakakunot ang noo at tila may halong inis ang tono ng boses. "Kanina kasi tumawag si Allan sa store. Ako ang nakasagot. Tinatanong kung nasaan si Leci. Sabi ko nasa opisina. Hiningi pa nga niya ung number sa opisina. Binigay ko naman pero syempre tinanong ko muna kung bakit niya hinahanap si

