Araw ng Lunes. Apat na buwan na ang nakalipas mula ng dinner "treat" ni TJ. At sa loob ng nakaraang 4 na buwan na yun ay pinatunayan ni TJ na desidido at seryoso siya sa panliligaw at panunuyo niya sa akin. Tuwing umaga pag di niya ako nakita sa barracks ay dumadaan siya sa opisina para mag good morning bago pumunta sa site. Sa hapon naman pagdating niya ay kinukumusta niya ang naging maghapon ko. Bukod pa sa mga sweet text messages na natatanggap ko mula sa kanya sa maghapon. May manaka-manakang chocolates, prutas at pagkain din akong natatanggap na galing kay TJ. Nakapag-dinner na ulit kami pero hindi siya pumayag na ako magbayad. Sa Shirley's ulit kami kumain. Hindi naging mahirap ang buhay ko dito sa isla dahil na din kay TJ at sa iba pang mga kasamahan namin sa barracks. Pamil

