"She can be really intimidating sometimes," Eachen whispered, wala na siyang nagawa kundi pagmasdan na lang ang papalayong babae.
Gusto lang naman niya itong tulungan pero nasinghalan lang ang kabutihan niya.
Damn! He is Eachen Han, the Prince of Le Royale Gang, isa sa kinatatakutan ng maraming gang members, walang sinisino, lahat ng babangga, giba!
He's a skilled shooter, with his favorite gun, hunny tart. Hindi na din mabilang ang mga taong dumaan sa kamay niya, yes, but in the legal process, hindi na katulad noon ang Le Royale Gang.
Nasa right path na sila, though may mga ilan pa ding gang ang nasa maling direksyon, they were doing illegal businesses kaya naman puspusan ang paglilinis nilang magkakapatid para mapuksa at maputol na ang masasamang gawain ng mga ito.
And as one of the gang lords, he was treated with a mix of fear and respect, no one would ever think of yelling at him, no one dared to cross him, walang maglalakas loob na tanggihan o sansalain ang mga gusto niyang gawin. But that woman, who does she think she is, talking to me like that?
Nakuyom niya ang mga palad.
Well, may kasalanan ka din naman, it's your karma!
Kung hindi lang siya kinukutkot ng konsyensya niya, hindi niya pagtitiisang kausapin ito.
I don't want anything to do with you! I don't like you either!
Kung bakit natagpuan niya ang sariling kinontra ang huling sinabi ay hindi niya alam.
"s**t, I don't want to think about it right now," aniya na bumalik na sa sasakyan.
May emergency meeting silang magkakapatid kaya nagmamadali din siya.
"You're late!" Salubong na sabi ni Clifford, nakaupo ito sa mahabang sofa kasama sina Blane at Wade.
"Sorry about that, I was wrapping up some important papers," sagot niya, inabutan siya nito ng isang baso ng red wine.
"So, what is the meeting all about?" Tanong niya nang makaupo na sa single sofa.
"About the love potion," sabi ni Blane, napahigpit ang hawak niya sa kopita.
That damn drug!
Kung hindi dahil sa drug na iyon ay hindi siya babagbagin ng konsensya.
One month had passed, wala pa din silang malinaw na imbestigasyon tungkol sa bagong drugs na kumakalat ngayon sa black market.
The police authority and Le Royale are investigating the matter.
"Is there any news about it?" Tanong niya.
"We have leads on potential suspects, but we need to confirm their involvement," ani Wade.
"How about you? Have you made any progress in your investigation into the woman who drugged you that night?" Tanong ni Blane.
Siya ang living proof kung gaano kalakas ang drug na iyon.
Nagbuntong hininga siya.
"It's still on going, masyadong mahigpit ang hotel na iyon sa pagbibigay ng mga impormasyon, obvious na may pinagtatakpan," aniya na nakuyom ang palad.
If only we could hack into their CCTV cameras from that night.
Hack? Hell yeah!
May kilala siyang magaling na hacker. Bakit hindi niya subukan iyon.
Naagaw ang atensyon niya sa inilapag na papel ni Wade sa mesa.
Upon close inspection of the paper, he was certain it was an invitation card.
"What's the occasion for the invitation card?" Takang tanong niya.
"An engagement party," sagot ni Wade.
"Engagement party? With who?" Curious na tanong.
Wala sa sariling inabot iyon at binasa ang laman ng invitation.
Ganon na lamang ang paghigpit ng pagkakahawak niya sa invitation.
Napansin naman iyon ng mga kapatid niya.
"Is there a problem, Eachen?" Tanong ni Clifford.
Binaba niya ang invitation card pagdaka ay sumimsim sa kopitang hawak.
Pagkatapos niyang masaksihan noon ang pagkikita ni Selina at ni Morris Fuentes sa kumpanya niya at kung paano ang kagustuhan ng dalaga na makausap ang binata ay nabuhay ang kuryusidad niya kaya naman pinaimbestigahan niya kung anong relasyon ang mayron sa dalawang iyon.
Nalaman niyang magkasintahan ang mga ito, at sa hindi malamang dahilan ay naghiwalay ang dalawa.
Sa obserbasyon niya may pagtingin pa din ang dalaga sa lalaki, yeah, he saw the longing in her eyes.
Ano kayang mararamdaman niya kapag nalaman niya ang tungkol sa engagement ng ex niya?
Will she be angry? Will she feel hurt? Will she be devastated?
He clenched his jaw, feeling a surge of anger.
What was wrong with him?
Why did a small part of him seem to care about what that woman felt?
Damn, this isn't good.
"Eachen! Are you okay?" Agaw ni Blane sa atensyon niya, tinapik din nito ang balikat niya.
Doon naman tila bumalik sa huwisyo ang kanyang sarili.
"Yeah, I'm okay," maikling sagot niya.
Hindi nakaligtas sa kanya ang tinginan ng mga kapatid.
"So, what about that engagement party? May kinalaman ba iyan sa love potion?" Paglihis niya ng usapan.
Alam niya na mag uusisa pa ang mga ito sa kinikilos niya.
Nagpasalamat naman siya ng hindi na natuon sa kanya ang atensyon ng mga ito.
"Well, Fuentes Shipping Corp and Oreza Hotel Group are listed under the Atlas Group. And we all know that the Atlas Group is owned by Don Antonio Salvatore, one of our biggest competitors in business." Wade said.
As a dominant force, Antonio Salvatore has always been driven by a desire for power. He was one of the original member of the Le Royale Gang. Isa ito sa kumalas at bumuo ng sariling gang, isa din ito sa nagalit sa ginawa nilang pagbabago sa gang na binuo ng kanilang ama.
"We suspected that the person who supplied the love potion would attend that engagement party," Wade continued.
Mataman lang silang nakikinig kay Wade.
"Eachen, I need you to attend the engagement party this weekend," sabi ni Wade na sumulyap sa kanya.
"What?!" He flinched, his eyes widening in surprise.
"Bakit parang ayaw mo?" Kunot noong tanong ni Clifford.
"Oo nga, kanina ka pa namin napapansin na kakaiba ang kinikilos mo," komento naman ni Blane.
Damn! Ayan na nga! Kinukwestiyon na ng mga ito ang mga kilos niya.
Kung bakit kasi pakiwari niya ay apektado siya sa isang bagay na hindi naman dapat niya pinoproblema.
Marahas siyang nagbuntong hininga, wala na siyang magagawa pa, pumayag na din siya kaysa naman isa-isahin pa niyang sagutin ang tanong ng mga ito.
"Fine! I will go."