"What do you mean, Sir?" Gulat na tanong ni Selina.
Pagdating ni Sir Nemencio mula sa site visit, agad siya nitong ipinatawag sa opisina.
"I'm sorry Selina, desisyon iyon ng mga nasa higher-ups, kung ako lang hindi ko gagawin ito, I appreciate your exceptional work and consider you one of my top employees. However, I've been informed that you've offended the daughter of Fuentes Shipping Corp., which is a significant concern," paliwanag nito.
"Pero Sir - " hindi na siya pinagsalita pa nito.
"Anyway, that's just how it is in the corporate world," kibit balikat na sabi pa nito.
Nanlulumong lumabas ng opisina si Selina, dumiretso siya sa kanyang cubicle.
Napansin naman niya ang mga katrahabo na tahimik na nakikiramdam sa kanya.
Pakiwari niya ay nakarating na din sa mga ito ang nangyaring insidente kanina.
"Hindi ko akalain na ganon klase siyang babae," bulong ng katrabaho niya na nasa tapat na cubicle.
"Oo nga, nakakahiya," sang ayon ng katabi nito.
Those girls are the mean girls in their group. Lahat na lang pinagchichismisan ng mga ito.
Tahimik na inisa-isa niyang ligpitin ang mga gamit sa mesa.
"I can't believe ex-boyfried niya si Sir Morris Fuentes," patuloy ng mga ito.
"Hay naku, mabuti na lang at natauhan si sir Morris," sabi ng isa.
"Kanino kayang tatay yung anak niya no?" Tanong ng isa sa katabi.
"Kung kanino lang siguro." Kaswal na komento ng isa.
Kung mag usap ang mga ito animo wala siya sa harap ng mga ito.
Pinigilan lang niya ang sarili na magsalita upang makaiwas sa malaking gulo.
"Tama na yang tsismisan ninyo! Get back to work," sabi ng isa sa mga katrabaho niya na hindi na natiis sa harap-harapang pang uuyam sa kanya.
May pag aalala sa mukha ni Lanie na lumapit sa kanya.
Lanie was a colleague who had developed a close working relationship with her, built on mutual respect and professionalism. She was known for her kindness and friendly demeanor.
"Huwag mo na lang pansinin ang mga yan, Selina," komento ng katrabaho.
Tumango lang siya at pinagpatuloy ang ginagawa.
Napansin nito ang pagliligpit niya.
"What are you doing? Don't tell me, tinanggal ka nila sa trabaho?" Maang na sabi nito.
Buntong hiningang napatango lang muli siya.
Napaawang ang labi nito sa pagkabigla. Hindi nito akalain na ang desisyon ng pagkakatanggal sa trabaho niya ay magiging ganon kabilis.
"I think that's unfair, wala ka naman kasalanan, I saw it all, siya ang unang nagprovoke sayo," sabi pa ni Lanie.
Mapait siyang ngumiti dito pagkuwa'y nagsalita.
"Hindi din gusto ni Sir ang desisyong ito pero dahil iyon ang utos ng mga big boss ang tanggalin ako sa trabaho, wala na siyang nagawa." malungkot na sabi niya.
Saksi ito kung paano niya pagtalagahan ang trabaho niya. Kung gaano siya kasipag at kaseryoso. Handa niyang ialay ang oras at isakripisyo ang lahat para lang matapos ang binigay na trabaho sa kanya. Pero dahil sa isang pangyayari na hindi naman siya ang nagsimula ay ganon kadali lang siyang nawalan ng trabaho. Oo, ang unfair sa kanyang parte but she's just a staff worker, after all, and easily replaceable.
Hindi na nakakibo pa si Lanie, tahimik lang itong pinagmasdan ang ginagawa niya, kita niya sa mukha nito ang panghihinayang at awa sa kanya.
Wala naman na din itong magagawa kung ang matataas na sa kumpanya ang nagpasya.
Dala ang kahon na naglalaman ng mga gamit niya ay lumabas si Selina ng kumpanya.
Sinulyapan pa niya ng isang beses ang mataas na gusali at doon ay hindi na niya napigilan ang sarili na maiyak.
Ilan taon na din siyang nagtatrabaho sa Atlas Builders pero sa isang iglap ay naging jobless siya.
Ilan sandali pa siyang nakatingala nang magpasya ng kumilos.
Wala pa din siya sa sarili na naglakad sa gilid ng kalsada, palibhasa may van na sumusundo at naghahatid pauwi kaya wala siyang dalang service.
Kung alam lang niyang mangyayari ang bagay na iyon, sana pala ay dinala niya iyong scooter nila.
Habang naglalakad mag isa ay tila nakalutang pa din ang kanyang isip, puno iyon ng mga tanong at pag-aalala.
Paano niya haharapin ang mga magulang niya? Pano niya sasabihin ang totoo?
Sasabihin ba niya kaagad sa mga ito na nawalan siya ng trabaho dahil nakaaway niya si Ingrid at nabunyag nito ang tungkol sa pagbubuntis niya o magsisinungaling siya at magdadahilan ng iba?
Abala pa ang isip niya pero ang mga paa niya ay patuloy lang sa paglalakad, kaya naman nang lumiko siya para tumawid sa pedestrian ay hindi niya napansin ang isang sasakyan.
Nagulat na lamang siya nang makarinig ng malakas na busina ng sasakyan.
Sa sobrang gulat ay nabitawan niya ang hawak na kahon.
Parang tinatambol ang t***k ng puso niya sa sobrang kabang naramdaman. She was terrified and scared.
"Are you okay?" Boses ng pamilyar na tinig.
Kunot noong binalingan ang nagsalita.
Mula sa magarang sasakyan na nakahimpil sa harap niya ay nakatayo ang isang matangkad at guwapong lalaki.
Hindi siya sigurado kung tama ba ang nakita niyang pag aalala sa mukha nito.
She secretly shook her head, trying to clear the disturbing thought from her mind.
"Ha! Kaya pala sunod-sunod ang kamalasan ko ngayon araw kasi makikita kita!" Inis na sabi niya na pinukulan ito ng matalim na tingin.
"I'm not here to argue with you, I'm here to ask if you're okay?" Anito na hindi pinansin ang pasaring niya.
Maang na tinitigan niya ito.
Nag aalala ba talaga siya sakin? Bakit?
Muli niyang pinilig ang ulo at pinalis iyon sa isipan.
Yumuko siya upang damputin ang kahon at ang ilang gamit na nahulog doon.
"I'm fine, but I'd be even better if you'd disappear from my sight," sarkastikong pahayag niya habang nagdadampot ng gamit.
Tila hindi naman nito pinansin ang sinabi niya.
Naramdaman niya ang presensya ng lalaki malapit sa kanya, nagulat siya nang kunin nito ang kahon sa kamay niya.
"I'll help you, ihahatid na din kita sa inyo," sabi nito.
Naningkit ang mga mata na tumingin dito.
"Sinong nagsabi na tulungan mo ako?" Asik niya na hinablot pabalik ang kahon.
"Kaya ko ang sarili ko na walang tulong mo!" Asik niya.
Ewan ba niya kung bakit dito niya nabunton ang inis at kabiguan ngayong araw.
Narinig niya ang pagbuntong hininga nito.
"Okay, if that's what you want," anito na bahagyang napaatras.
"Yan! Lubayan mo ako! Ayoko nang makita yang pagmumukha mo!" Pagkasabi ay tumalikod na siya at naglakad papalayo dito.