"Oh, look at what I see?" Nang uuyam na sabi ni Ingrid habang pinagmasdan siya mula ulo hanggang paa.
Napako sa kinatatayuan si Selina, papasok siya ng kumpanya, kagagaling lang niya sa ospital at wala pa sa ayos ang isip niya.
Ingrid Fuentes, the younger sister of her ex-boyfriend. She's spoiled brat and one of the people who objected to her relationship with Morris.
Kasama nito si Tanya, ang matalik niyang kaibigan.
"Selina! Oh my god, I miss you best," sabi ni Tanya na lumapit at yumakap sa kanya. "I'm sorry, kahit anong gawin kong pakiusap kay Morris, ayaw niyang makipagkita at makipag usap sayo," malungkot na sabi nito.
She felt a sudden pain in her heart. Kahit papaano kasi ay namamag asa siya na matutulungan siya ng kaibigan na maayos nila ni Morris ang relasyon. Ang nag iisang pag asa niya ay tila nawala pa.
"Tanya, sigurado ka bang ayaw niyang makipag usap sakin?" Paniniguro niya.
May mga luha nang namumuo sa gilid ng kanyang mga mata.
Tumango ito.
"Ang sabi niya wala na daw kayong dapat pag usapan pa, nakita na daw niya ang lahat kaya hindi mo na daw kailangan mag paliwanag pa," naiiyak na din nitong sabi.
Tuluyan na siyang lumuha.
"Pero kailangan ko siyang makausap. Gusto kong sabihin sa kanya ang totoo," aniya.
Lumapit sa kanila si Ingrid.
"Tsk! So annoying! Ikaw itong nag cheat sa kuya ko, ikaw pa ang may ganang magdrama diyan." Sarkastiskong saad ng babae.
Sinulyapan ito ni Tanya.
"Ingrid, stop saying that. Nasasaktan na nga itong kaibigan ko," singhal ni Tanya pagkuwa'y bumulong sa kanya.
"I'm sorry Selina, kung hindi lang business partner namin ang pamilya ni Ingrid, hindi ko pakikisamahan ang babaeng yan," bulong nito.
Umiling siya sa kaibigan.
Alam niyang pinagtitiisan lang nito ang kamalditahan ni Ingrid.
She knew her best friend was the kindest and most wonderful person she'd ever met.
"Alam ko Tanya, hindi mo na kailangan humingi ng sorry." Aniya.
"Thanks best! Anyway, where have you been?" Pagkuwa'y tanong nito sa kanya.
Sumulyap ito sa hawak niyang brown envelop.
"Ah, sa ospital," maikling sagot niya.
Nakita niya ang bakas ng pag aalala sa mukha nito.
"Anong ginawa mo sa ospital? Are you okay? Wala bang masakit sayo, best?" Nag aalalang tanong nito.
Ngumiti siya at umiling.
"I'm okay, Tanya, salamat sa pag aalala mo," aniya.
"Are you sure? Need someone to talk to? I'm here to listen, best," anito.
Ilalahad ba niya sa kaibigan ang totoong kalagayan niya?
Nang maalala ang sitwasyon ay nakaramdam siya ng pagkalito. Hindi niya alam ang gagawin. Confusion and anxiety swirl within her.
Muli siyang umiling.
Hindi pa niya kayang sabihin ang kanyang sitwasyon dito. Marahil kapag um-okay na ang kanyang isip at damdamin ay saka niya ipagtatapat sa kaibigan ang lahat.
For now, she should take a moment to gather her thoughts.
"Oo, okay lang ako Tanya," aniya at tipid na ngumiti. "I need to go inside, marami pa akong trabahong gagawin, tatawagan na lang kita, best." Paalam niya sa kaibigan.
Nang akmang tatalikod na siya, bigla siyang nilapitan ni Ingrid at hinablot ang brown envelop mula sa kanyang mga kamay.
Sa ginawa nito ay nanggilalas siya at hindi kaagad nakakilos.
Nang makabawi ay nilapitan niya ito upang bawiin ang sobre, ngunit sa isang mabilis na kilos, nailabas na nito ang papel na naglalaman ng resulta ng pregnancy test.
A look of shock crossed Ingrid's face, swiftly replaced by a fiery anger that seemed to burn in her eyes.
"You're pregnant?!" She blurted out.
May ilang mga empleyado na naroon sa labas, ang iba'y nasa gitna ng kanilang break, kaya't nang marinig ang malakas na tinig ni Ingrid, natigilan ang mga ito at sabay-sabay na tumingin sa kanilang direksyon na may halong pag-usisa.
"Oh my, really? You're pregnant, Selina?!" Tanya's voice rose in surprise as she swiftly took the paper from Ingrid's fingers, her eyes scanning the contents.
Natakpan nito ang bibig at tumingin sa kanya nang may pagtataka.
"How come?" Hindi makapaniwalang tanong ng kanyang kaibigan.
"Yeah, how come? How come you got pregnant? As far as I know, my brother didn't touch you!" She spat, her anger boiling over. "My mom was right! You're nothing but a - slut!" Her words trailed off in disgust.
She took a deep breath, trying to stay calm and composed under the gaze of many curious onlookers.
Binawi nito ang papel sa kamay ni Tanya.
"Akin na yan! Ipapakita ko to kay kuya Morris," ani Ingrid.
Ang mga sinabi nito ang nagpawala sa composure ni Selina.
"No!" Ang kanyang mga kamay ay nanginginig sa galit habang sinusubukang agawin ang papel. Ngunit ang babae ay mabilis na nakaiwas, at sa isang matalim na tingin, bahagya siya nitong tinulak palayo.
"What do you think of my family? Stupid? You're pregnant with another man's child and now you're trying to worm your way back into my brother's heart? Don't make me laugh! We're not a shelter for your illegitimate kid!" She spat venomously.
Tuluyan na siyang napaiyak, ang mga luha niya ay dumadaloy sa kanyang mga pisngi habang ang masasakit na salita nito ay patuloy na tumatagos sa kanyang puso.
Hindi niya kayang pigilan ang emosyon niya.
Hindi naman niya kagustuhan ang nangyaring iyon. Biktima lang din siya.
"Stop it, Ingrid! Ang sakit mong magsalita," komento ng kaibigan na lumapit at inalalayan siya. "Are you okay, best?" Baling nito sa kanya.
Tinanguan lang niya ang kaibigan pagkuwa'y bumaling ulit sa kasama nito.
"Give it back, Ingrid," mariing sabi niya nang makabawi at pinunasan ang mga luha.
She grinned at her, "Subukan mo," tila pang aasar nito.
Nakuyom niya ang mga palad pagkuwa'y nagbuntong hinginga.
Nilapitan niya ang babae.
"Akin na," aniya na nilahad ang isang kamay.
Hangga't kaya niyang pakiusapan ito sa mahinahon na paraan ay susubukan niya.
"Try and get it." Nang aasar pa ulit na sabi nito.
"Huwag mong subukan ang pasensya ko, Ingrid. I'm still respect you as Morris's sister," napipikon ng saad.
Ilan attempt pa bago tuluyang naputol ang pisi ni Selina.
Marahas na kinuha niya ang braso nito at mahigpit itong hinawakan.
"I said give it back!" seryosong sabi niya, kinuha sa kamay nito ang papel.
"Get your hands off me! You dirty b***h!" Asik nito na hinila ang kamay, eksakto naman na binitawan niya ang braso nito kaya hindi sinasadyang matumba at sumalampak ito sa semento.
"Selina!!!! You?!!!" Tili nito. "You will regret this!!!"