Tahimik na ipinatong ni Eachen ang box ng fried chicken sa center table pagkuwa'y sumalampak sa malambot na sofa.
Napansin niya ang pagtitinginan ng mga kapatid niya.
Naroon sila sa main house, ang Han Mansion. Doon sila lumaki, doon din sila nakaranas ng matinding hirap at pagtitiis sa piling ng kanilang ama-amahan, si Krisler Han. Ang founder at kinatatakutan ng Le Royale Gang.
The Le Royale Gang has been around for five decades, a vast organization with numerous members, including the wealthy and influential people from various industries.
The Le Royale Gang's objective is to consolidate it's power, dominating every territory, city, and province, and exploiting them for financial gain.
Kaya hindi lingid sa kanila ang napakaraming ilegal na business ng kanilang ama.
Noon ay nag iisa lang ang gang sa bansa pero simula nang mamatay si Kris Han at isinalin nito sa kanila ang pamumuno ng gang ay maraming kumalas at gumawa ng sariling samahan.
From the moment they took over the gang, lahat ng mga ilegal na business ay binuwag nila. They've made amends for all the harm and injustices their father inflicted.
Mahirap sa umpisa dahil hanggang sa mga sandaling iyon ay madami ang galit at nagbabanta sa buhay nila lalo na iyong mga unang naging myembro.
"So, how's the love potion going?" Wade asked, the first son and the powerful leader of the gang, he was known as the King.
"We're still looking into the source of the drug," Clifford, the third son and the Duke, reported.
"How about the other illegal businesses of the Viper Gang?" Wade asked again.
"Some of our men spotted them in the black market, transacting with a foreign gang," Blane, the second son and known as the Knight, replied.
"Foreign gang?" sabay na tanong nina Wade at Ford, tumango si Blane.
"Yes, I'm still investigating that and the slave auction," ani Blane.
Nag igting ang mga bagang nina Wade at Ford.
"How dare they traffic humans into slavery!" Galit na turan ni Wade.
Tahimik lang na nakikinig si Eachen, naiintindihan naman niya ang pinag uusapan ng mga ito subalit wala lang siya sa mood magsalita.
Kaya naman nang mapansin ng mga kapatid ang katahimikan niya ay nagsalita na ang mga ito.
"Hey, what's with you?" Takang tanong ni Blane.
Napasulyap siya dito.
"I'm just tired." Mabilis niyang sagot.
Nagkatinginan ulit ang mga ito.
"Is there any news about the woman who drugged you?" Tanong ni Ford.
Umiling siya.
"I'm still doing my own investigation," sagot niya.
They looked each other again.
"Regarding the CCTV footage from that night, isn't it suspicious that the cameras were only down on that particular floor?" Komento ni Blane.
Sumang ayon naman ang mga kapatid.
"Eachen, investigate the hotel owner and get the bottom of this incident. I believe the woman you're involved with might be heavily connected to the Viper Gang." ani Wade.
Tumango siya.
Nakita niyang inabot ni Ford ang inuwi niyang box ng fried chicken, binuksan nito iyon at sinilip ang laman.
"Looks delicious," anito na kumuha ng isa at pinapak iyon.
Inabutan nito sina Wade at Blane na hindi tumanggi.
"Mukhang hindi kayo kumain ng dinner ah?" Komento niya.
"Hinihintay ka namin, akala namin yayayain mo kaming kumain sa labas," ani Blane, nahimas naman niya ang batok, plano nilang kumain sa isang restaurant na siya din ang nagyaya, sasaglit lang sana siya sa Food House na iyon pero hindi naman niya akalain na magtatagal siya.
Nang maalala niya ang mga nangyari kanina ay nakuyom niya ang mga palad, kung hindi siya nagpunta at kumpirmahin ang isang bagay ay hindi niya maliligtas si Selina.
And he was angry at that thought.
Narinig niya ang pagtunog ng cellphone, kaagad niya iyong sinagot.
"Prince, nagawa na namin ang pinagawa mo," anang nasa kabilang linya.
"Good! Now, get the hell out of there, let the authorities know about that three bastards," aniya pagkuwan ay ini-off ang cellphone.
"I will do my best to protect that woman," kausap niya sa sarili sa ganoon paraan ay makabawi man lang sa mga pagkakamali niya.
Selina, nabalitaan mo ba?" Sabi ni Fely sa kabilang linya, nasa opisina siya ng araw na iyon nang tumawag ang pinsan.
"Tungkol saan?" tanong niya.
"Hinuli ng mga pulis iyong tatlong lalaking nanggulo kagabi sa food house." Pagbabalita nito.
Nang maalala ang tatlong lalaki ay nagpawis ang mga palad niya. Kung hindi dumating ang taong iyon baka kung ano na ang nagawa sa kanya ng mga ito.
"Oh? Bakit daw hinuli?"
"Balita ko may nakabangga daw na makapangyarihang tao eh," sagot nito.
"Sino daw?" Bumangon ang kuryusidad niya.
"Hindi ko alam pero ang nasagap ko, Prince daw ng isang kilalang gang," anito.
Gusto pa sana niyang makibalita nang agawin ng kanyang boss ang atensyon niya.
"Selina, get the building plan, we were visiting the site today," sabi ng boss niyang si sir Nemecio, the project manager of Atlas Builders.
Mabait ang boss niya, palaging kalmado lang at palangiti. Ito ang nagrekomenda sa kanya sa kumpanya, ito din ang nakakita ng potensyal niya.
"Okay sir," aniya na mabilis na kumilos.
Isang commercial construction project ang naka-assign sa kanya at bilang assistant project manager ay kailangan niyang siguraduhin na maayos at walang maging problema sa construction site.
Palabas na siya ng office nang makaramdam ng pagkahilo.
Nabitawan niya ang mga bitbit at napahawak sa ulo.
Nakasunod siya sa boss niya kaya nagulat ito nang magdulot ng ingay ang mga gamit na nabitawan niya.
"Selina? Are you okay?" Nag aalalang tanong ng matanda.
Hindi kaagad siya nakasagot.
Ilang araw na siyang puyat dahil sa project na iyon, pabalik-balik din siya sa office at sa site kaya pakiwari niya ay bumigay ang katawan niya.
"You look pale, nagpapahinga ka pa ba?" Tanong nito, "Alam ko kung gaano ka kasipag sa trabaho pero hindi naman mabuti kung aabusuhin mo ang katawan mo, you need rest too," panenermon na sabi nito ngunit naroon pa din ang pag aalala.
"I'm okay sir, don't worry." Nakangiting sabi niya na akmang dadamputin ang mga gamit nang makaramdam ng pagbaligtad ng sikmura.
Pakiwari niya ay nasusuka siya.
Pumalatak ito at pinigilan siya.
"Tsk tsk, It would be best if you went to the clinic to get some rest and get checked out. Magsasama na lang ako ng iba, your health is more important," anito na tinapik ang balikat niya.
Wala naman siyang nakagawa kundi tumango na lang.
Sinunod ni Selina ang sinabi ng kanyang boss, nagtungo siya sa clinic para magpahinga.
Sigurado siyang over fatigue lang ang naramdamang pagkahilo.
"Oh Selina, napadaan ka?" Nakangiting bungad ng babaeng Company Doctor.
Dumiretso siya sa upuang katapat nito.
"I'll rest a bit here, Faye," sagot niya, kilala niya ito dahil pinsan ito ng matalik na kaibigang si Tanya.
"Why? Masama ba ang pakiramdam mo?" Tanong nito.
Tumango siya.
"Nahilo lang ako kanina," aniya.
"Nakaramdam ka ng hilo? Why? Hindi ka ba kumain ng breakfast?" Tanong nito.
"Kumain naman ng konti, hindi naman ako kumakain ng marami sa umagahan, kape lang okay na sa'kin" salaysay niya.
Pinagmasdan naman siya ng doktora.
"Namumutla ka," komento nito.
"Ah, puyat kasi ako nitong mga nakaraang araw dahil sa new project, hindi kaya anemic ako?" Aniya.
Lumapit naman ito at ineksamin ang mga mata niya pati na din ang mga kuko sa mga daliri niya.
Umiling ito, "It's not anemia," anito.
"Bukod sa pagkahilo ano pang naramdaman mo?" Tanong muli nito.
"Feeling ko nasusuka ako kanina pero hindi naman natuloy," sagot niya.
Natahimik naman ito pagkuwa'y matiim siyang tinitigan.
"When did you have your last period, Selina?" seryosong tanong nito.
Natigilan naman siya.
Her period is late, it was supposed to start last week.
Bigla siyang kinabahan.
Am I pregnant?
Napatayo siya at mabilis na nagpaalam dito, narinig naman niya ang pagtawag ni Faye pero hindi na niya ito nilingon pa.
Para makasigurado ay nagtungo na siya sa pinakamalapit na ospital.