"There's no scar," narinig niyang bulong ng lalaki.
Ewan niya pero pakiwari niya ay pamilyar ito sa kanya. Binawi niya ang kamay.
"What are you doing, sir?" Kunot noong tanong niya.
"Ah, sorry, I just wanted to add another order," he said casually.
Why does this man look a bit suspicious?
Akma niyang sisilipin ang mukha nito subalit napigil iyon nang marinig niya ang namumuong kumosyon sa kabilang lamesa.
"Bakit hindi puwede? Umorder naman kami ah?!" Galit na sabi ng lalaki sa kabilang mesa.
Tumingin sa kanya si Fely, tinging nagpapasaklolo.
Nilapitan niya ito at nagsalita.
"Anong nangyari?" Agad na tanong niya.
"Ito kasing si kuya, gusto pang umorder ng beer eh sinabi ko naman na hanggang dalawang bote lang ang puwedeng orderin." Mangiyak-ngiyak na sabi ng pinsan.
Nagalit naman ang lalaki.
"Magbabayad naman kami ah?! Bakit ba bawal?" Asik ng lalaki.
Nagbuga muna siya ng hangin bago nagsalita.
"We have a policy, sir. Alcohol consumption is permitted, but limited to two bottles per person." Mahinahong paliwanag niya.
"Anong policy? Policy? Kayo lang ang may ganyan, umorder kami at gusto namin uminom, customer is always right!" Giit nito.
"Sir, we're a small food restaurant, not a bar," may inis na sa tinig niya.
Lalo namang nagalit ang lalaki.
"Pwe! Bigyan mo na lang kami ng beer na order namin, hindi pa ubos itong order namin oh!" Anito na tinuro ang isang bucket ng fried chicken.
Binulungan naman siya ng isa pang pinsan.
"Kanina pa ang mga iyan, Selina. Hanggang ngayon hindi pa ubos ang inorder nilang fried chicken, pag inom lang talaga ang habol nila dito," nakasimangot na sabi ni Nina na inirapan ang mga lalaking naroon.
"Sir, it's better if you leave this place. We're just following the rules," sabi niya.
Nagulat siya nang malakas na hampasin ng lalaki ang mesa.
"Hindi kami aalis dito hangga't ayaw pa namin!" Galit na sabi nito.
Naubos na ang pasensya ni Selina dala na din ng pagod.
"Kung gusto ninyong uminom, hala, doon kayo sa beer house sa kabilang kanto, madaming alak doon!" Pikong sabi niya.
Umigkas ang isang kamay ng lalaki, inaasahan ni Selina na masasampiga siya nito kaya napapikit na lamang siya, pero ilang segundo na ang nakalipas ay walang kamay ang lumagapak sa mukha niya.
Nang imulat niya ang mga mata ay bumungad sa kanya ang pilipit na braso nito.
"Someone's trying to have a quiet meal here, can't you see that?" The tall man said irritably.
"Ma-masakit! Tama na! Tama na!" Namimilipit sa sakit na sabi ng lalaki.
"Leave this place, immediately!" May diin sa tinig nito, para bang may power ang boses nito na nagpakaripas ng takbo ng tatlong lalaki.
Napipilan at nagkatinginan lang silang magpipinsan ng kaswal na bumalik ang lalaki sa mesa at tahimik na kumain muli.
"Ang hot naman niya," impit na bulong sa kanya ni Fely.
Siniko lang niya ito at bago maglakad sa counter ay sinulyapan pa niya ng isa ang lalaki.
Hmm, not bad! Aniya sa sarili, one of her dream guy's aspect pa naman ay yung matapang at kaya siyang ipaglaban.
Kasasara lang ng Fried Chicken Food House nila Selina, walking distance lang naman ang bahay nila sa mismong food house kaya tiwala siyang maglakad mag isa.
Nauna nang umuwi ang mga magulang niya at dalawang pinsan, may inasikaso pa kasi siya kaya nahuli siyang umuwi.
Mag aalas onse na ng gabi at inaantok na din siya. Gustong gusto na niyang makauwi at humiga sa kama.
Subalit natigil ang paglalakad ni Selina nang harangin ng mga hindi kilalang lalaki pero tanda niya ang mga ito, ito lang naman yung tatlong lalaking nanggulo sa food house kanina.
"Miss, mukhang mag isa ka?" Nakangising sabi ng isa sa mga ito.
"Gusto mo bang samahan ka muna namin?" Ani ng isa pa.
Kinabahan siya, alam niyang may hindi magandang gagawin ang mga ito.
"Kaya kong mag isa," matigas na sagot niya.
Nagtawanan ang mga ito.
"Aba! Matapang talaga ang babaeng ito!" Anang isa.
"Yan mga gusto ko sa mga babae, matatapang pero kapag nasa ilalim ko na tumitiklop ang mga tuhod," nakangising sabi ng isa na mukhang manyakis.
Kinilabutan naman siya nang makita niyang nilabas pa nito ang dila.
Oh God! Please help me! Send someone who will save me from these bad people. Nausal niya.
Nang makita niyang papalapit ang mga ito sa kanya ay napaatras siya.
"What are you going to do?" Nanginginig ang tinig na tanong niya.
"Don't worry, mag eenjoy ka din sa gagawin natin," sabi ng manyakis.
Sumenyas ito sa dalawang kasama.
"Kunin nyo!" Utos nito.
Nang kumilos ang mga ito ay doon naman tumakbo nang mabilis si Selina.
"Help! Help me!" Sigaw niya habang nagtatatakbo.
"Habulin nyo! Dali!" Sigaw ng isa sa mga ito.
Selina run as fast as she can, palibhasa wala ng masyadong dumadaang sasakyan ng ganon oras sa kalsadang iyon kaya walang taong makikita doon.
Pakiramdam niya ay bibigay na ang mga tuhod niya. Napapagod na siya sa pagtakbo subalit ayaw naman niyang tumigil dahil baka abutan siya ng mga ito.
"Please, someone, help me!" She sobbed, her voice shaking with fear.
Isang maingay na tunog ang nagpatigil nang pagtakbo ni Selina, The roar of a big bike cut through the air, it stopped right in front of her.
It was the man with the Ducati, tinanggal nito ang helmet at palibhasa nakatalikod ito sa ilaw ng poste kaya hindi niya maaninag ang mukha nito.
Wala itong inaksayang oras, mabilis nitong nilapitan ang tatlong lalaki na nasa likuran na pala niya.
Napaawang ang labi ni Selina nang makita niyang isa-isang napatumba ng lalaki ang mga ito.
With just a few punches, he knocked out the three man. She felt a strange spark in her heart and, though she didn't understand why, she felt a slight appreciation for her hero.
Nilapitan niya ito para pasalamatan subalit nang humarap ito at tumapat sa ilaw ng poste ay doon lang niya napagmasdan ang mukha nito.
Ang kaninang paghanga ay napalitan ng inis.
"Ikaw?!" Nakasimangot na bulalas niya with matching turo pa.
"Nah, no need to thank me, I'm just passing by, you know," kaswal na sabi nito.
Inirapan niya ang lalaki.
"Sinong nagsabi na magpapasalamat ako?" Inis na sabi.
Na amuse naman ito.
"Nah, hindi masamang maging thankful sa savior," sarkastikong sabi nito.
Nakuyom niya ang mga palad, pinalaki siyang maging grateful sa mga taong nakagawa sa kanya ng kabutihan kaya naman kahit labag sa loob niya ay nagpasalamat siya dito.
"Oo na! Salamat!" Labas sa ilong na sabi.
He heard him chuckled, napasulyap naman siya dito.
Darn! Bakit ang guwapo niyang tumawa?
Lihim niyang ipinilig ang ulo.
"Tsk! Hindi porke't niligtas mo ako ngayon kakalimutan ko na ang kasalanan mo," galit na sabi niya, "You will regret what you did to me that night!"
Nakita naman niyang natahimik ito.
He looked guilty.
"Get out of my sight!" Asik niya na nagmartsa palayo dito.