Sinundan nang tingin ni Eachen ang papalayong babae. He still couldn't process what he had witnessed earlier.
"I wonder what their relationship is like?" Aniya sa sarili.
It's obvious there's something between the two of them, especially with the woman walking away looking so sad.
'Tch! What the hell do I care?!
Akma na siyang tatalikod ng may marealize.
Muli niyang sinundan ng tingin ang papalikong babae.
Wala sa sariling nahimas niya ang batok.
"Damn, have I made a mistake?" he muttered to himself.
Isang tapik sa balikat ang naramdaman niya na umagaw sa atensyon niya.
"Mr. Han, everything is ready." Anang boses sa likuran niya.
"Okay, let's go," maikling sagot niya na nagpatiunang maglakad.
Tahimik habang nakatulala lang si Eachen sa mga kaharap. They were talking, but his thoughts drifted away, preoccupied with something that was still bothering him deeply.
Why do I feel like something's wrong?
That night, sigurado siya at hindi pa naman mahina ang memorya niya para makalimutan ang eksaktong hitsura ng likuran ng babaeng nag inject sa kanya ng drug.
Selina's tall, slender back and long hair were striking contrast to the other woman's physique.
Nah, is there any evidence that Selina and that woman are different people?
Nagkamali nga ba siya at napagkamalan niyang ang babaeng iyon ay si Selina?
Have I done something unforgivable?
But first, he need to verify that they're not the same person.
Napaayos siya nang upo nang may maalala.
Yeah! I know what to do.
Hindi nagtagal ay natapos ang meeting at nagpaalam na din kaagad si Morris Fuentes.
Naiwan naman siya at si Olan.
Narinig niya ang pagpalatak nito.
"Sayang itong inorder kong fried chicken, wala man lang gumalaw," panghihinayang nito.
Bumaling ito sa kanya.
"Boss, hindi ka man lang sumubo ng kahit ano sa plato mo," anito.
Sinulyapan naman niya ang mga pagkain.
Umiling siya.
"Wala akong ganang kumain," sagot niya.
"Mukhang malalim ang iniisip mo kanina pa," komento nito.
"I'm thinking about work," pagsisinungaling niya, tila hindi naman ito kumbinsido.
"Boss, are we teaming up with the Fuentes Shipping Corp?" Muling tanong nito.
"Send me their proposal, I'll take a look later," sagot niya.
"Okay boss!"
Nililigpit nito ang mga pagkain sa harap niya.
"Boss, hindi ka ba talaga kakain? Ipamimigay ko ito sa labas," anito na ang tinutukoy ay ang mga empleyado na sakop nito.
Wala sa sariling tumango lang siya. Inisa isa nitong ilabas ang mga pagkain subalit nang damputin na nito ang isang kahon ng fried chicken na nasa harap niya ay nagsalita siya.
"Eh! Hey, put it down," pigil niya dito.
Nagtataka naman nitong binaba ang kahon. Inabot niya ang box at binuksan, wala pa iyong bawas.
Sininghap niya ang mabangong amoy ng fried chicken, doon lamang kumalam ang tiyan niya at nakaramdam ng gutom.
Wala sa sariling kumuha ng isang chicken drumstick at tinikman iyon.
Maya maya ay hindi niya namalayan na naubos na niya ang hawak.
He was about to grab another one when he heard Olan's soft chuckle.
"Masarap ano, boss?" Anito na binida ang pagkaing iyon.
"So, tell me about her," bigla ay sabi niya.
Nangunot naman ang noo nito.
"About her?" Takang tanong nito.
Doon lang niya narealize ang sinabi, tumikhim siya at umayos ng upo.
"I mean that fried chicken house, where is their location?" Tanong niya.
Kahit nagtataka ay binigay naman nito sa kanya ang eksaktong address.
"Okay, you may go!" Aniya na sinenyasan na lumabas na ito.
Weekend, kapag ganong araw ay maraming taong kumakain sa fried chicken house nila Selina.
Wala naman siyang pasok kaya tumutulong talaga siya sa mga magulang.
Dating nagtatrabaho sa barko ang papa niya bilang cruise chef, ilan taon ito doon kaya nakapag ipon at nagtayo ng food business samantalang ang kanyang ina ay may tindahan lang noon na maliit na sari-sari store at full time mom sa kanya, simple lang ang pamumuhay nila pero nagpapasalamat siya dahil mababait at mapagmahal ang mga magulang niya.
"Selina, pakiabot nga itong order sa table number 2." Sabi ng kanyang ina na nasa loob ng pantry, ito ang nag aasikaso ng mga orders samantalang ang papa naman niya ang taga luto at paminsan minsan ay taga deliver.
"Sige ho." Aniya saka kumilos at inabot ang tray.
Halos mapuno ang food house nila, ang iba nga ay nakapila pa sa labas at naghihintay na may matapos.
May katuwang naman ang mga magulang niya doon bukod sa kanya, dalawang pinsan niyang babae na nagpapart time sa kanila. Taga linis at taga serve din ang mga ito.
Ilan oras pa lang ay nakaramdam ng pagod si Selina sa paroon at parito niya, ewan ba niya pero nitong mga nakaraan ay madali siyang mapagod at manghina.
Inisip na lang niya na baka dahil sa tinatapos na trabaho sa kumpanya. May malaki kasing project ang na-assign sa kanya kaya minsan ay nade-drain na din ang isip at lakas niya.
Naupo siya sa may counter at sumandal sa pader, kahit papaano ay nabawasan ang tao sa loob, palibhasa malapit na silang magsara.
Napatingin siya sa labas ng may tumigil na big bike, a red and black Ducati Panigale V4, sa tantya niya nasa tatlo o apat na milyon ang halaga niyon, kahit ang mga kumakain ay napatingin din sa labas at hinangaan ang mamahaling motor.
The man in the black jacket removed his helmet and stepped off his motorcycle, smoothing out his attire. He put on a hat and pulled up the hood jacket, covering his head. Nakayuko ang lalaki pero hindi maipagkakaila ang lakas ng dating nito. His height was unmistakable, standing at 188 cm tall, with light complexion and broad shoulders, he looked like a model straight out of a fashion magazine.
Ine-enjoy pa niyang pagmasdan ang lalaki nang marinig naman niya ang tinig ng kanyang ama sa loob ng pantry, tumayo siya at kumilos.
Inutusan lang siya nito saglit kaya nang bumalik sa counter ay wala na ang lalaki sa harap ng food house subalit naroon pa din naman ang big bike nito.
Siniko siya ng pinsan niyang si Fely at binigay ang maliit na papel at ballpen.
"Selina, ikaw na ang kumuha ng order nung guwapong lalaki, nahihiya akong kausapin baka englisero," nagkakamot sa ulong saad ng pinsan.
Sinulyapan naman niya ang tinutukoy nitong guwapong lalaki, ah yung lalaking may Ducati.
Hindi niya masipat ang mukha nito dahil natatakpan ng sumbrero at hood ng jacket.
Kibit balikat na nilapitan niya ang lalaki.
"May I take your order, sir?" Agaw niya sa atensyon nito.
Bahagya itong nag angat ng mukha pero hindi pa din niya nasilayan ang buong mukha nito.
"I'll get this one," anito na tinuro ang isang dish sa menu list na nasa ibabaw ng table.
This man, his voice seems familiar.
Sinulat naman niya sa papel ang order nito.
"Is there anything else sir?" Tanong pa niya.
Umiling ito.
"Okay, I'll serve your order after ten minutes sir," aniya.
Hindi naman ito kumibo. Naglakad na siya patungo sa counter at binigay sa pinsan ang order ng lalaki.
Paglipas ng sampung minuto ay nakahanda na ang order ng lalaki kaya naman kaagad niya itong hinatid sa mesa nito.
"Here's your order sir," muling agaw niya sa atensyon nito.
Tahimik na hinain niya ang pagkain nito sa mesa.
Hindi naman niya napansin na mataman pala siya nitong tinitingnan.
Nagulat siya ng bigla nitong hawakan ang kanang kamay niya.