CHAPTER 15

1250 Words
"Get your hands off her!" An angry voice reverberated through the room. The angry man startled not just her, but everyone around them. Nang balingan niya ang galit na tinig na iyon ay nakita ni Selina ang matangkad na lalaki, na sa kabila ng madilim nitong anyo ay hindi pa din maikakaila ang taglay na kaguwapuhan. Lumapit ito sa kanya, hinubad ang suot na coat at isinuot sa kanya. "Are you okay?" nag aalalang tanong nito at hinaplos pa ang namumulang mga pisngi. She saw his jaws tighten. Bumaling ito kay Mr. Fuentes na salubong ang mga kilay. "Does being a good president mean nothing to you when your family members can mistreat women in public, Mr. Fuentes?" Tiim bagang na sabi ni Eachen sa presidente ng Fuentes Shipping Corp. Tila natulala naman ang matanda nang makita ang binata. "Your family's behavior toward this woman is a reflection of your leadership, Mr. Fuentes - how can you justify it?" Eachen's eyes blazed with anger as he confronted the old man. Nataranta naman ang matanda nang makita ang galit na anyo ng binata. "I-I am sorry Mr. Han, pa-pagsasabihan ko ang asawa at anak ko," nauutal pa nitong sabi. Binalingan nito ang asawa at anak na binigyan ng tig isang sampal sa pisngi. Ganon na lamang ang panggigilalas ng mga naroon, kasama na si Selina. "I told you to behave," Mr. Fuentes growled at his wife and child. Sa lakas ng sampal ay napahiyaw sa sakit ang dalawa at umiyak. "Hon?! Bakit mo ako sinampal?" Umiiyak na sabi ni Mrs. Fuentes. "Daddy! Why did you do that? Hindi mo ba ako mahal?" Tila nagtatantrums na sabi ni Ingrid. "Stop it!" Sagot ng matanda pagkuwan ay muling bumaling kay Eachen. "I'm sorry, this won't happen again, Mr. Han," muling paghingi ng pasensya ng matanda. "You should be apologizing to her, not me." Sabi nito na sumulyap sa kanya. Bahagyang nag alinlangan ang matandang lalaki subalit nang makita ang nakakunot noong binata ay lumapit ito sa kanya. "I'm sorry, Selina. I apologize for my family's actions." Sabi ng matanda pagkuwa'y bumaling sa asawa at anak. "Go, apologize to Selina," he instructed. "No way! Bakit ako magso-sorry?" Tanggi ni Ingrid. Sinang ayunan iyon ni Mrs. Fuentes. "Wala kaming dapat ihingi ng sorry sa babaeng iyan, nararapat lang iyan sa kanya! Masyadong mataas ang pangarap na maging parte ng pamilya natin." Singhal ng matandang babae. "Gretchen, Ingrid! Apologize right now or you're losing your allowance," Mr. Fuentes threatened. Ganon na lamang ang reaksyon ng mga ito kaya kahit labag sa loob ay humingi ng tawad ang mga ito. "Sorry." Halos sabay na sabi ng mag ina. Hindi naman siya kumibo, sumulyap siya sa dating nobyo, she noticed a strange look on his face. Hindi naman niya mawari kung anong ipinahihiwatig ng ekspresyon nito. Nagsimula na naman siyang lumuha nang makita niyang tumalikod ito at hinila sa kamay ang kaibigang si Tanya. Hindi na ba talaga niya ako mahal? Sabi ng duguan niyang puso. Hindi ka nga nagawang ipagtanggol sa pang aapi ng pamilya niya. Wala na siyang pakealam sa'yo simula noong gabing nakita ka niyang may ibang lalaking kasama. Akala niya ay niloko mo siya! Sabi naman ng isip niya. Her heart felt like it was being crushed. "Let's go," narinig niyang sabi ng binata na masuyo siyang inalalayan maglakad palabas ng banquet hall na iyon. She's still in a daze. Lumuluha pa din siya ng mga sandaling iyon. Her heart contracting painfully, parang gusto niyang dukutin ang puso niya dahil sa sobrang sakit na nararamdaman. Dahil wala sa huwisyo ay hindi niya namalayan na nakalabas na sila ng hotel at nasa underground parking lot na kung saan nakaparada ang sasakyan ng binata. "I'm taking you home," narinig niyang sabi nito na binuksan ang pinto ng passenger seat ng sasakyan nito. Doon lang siya tila natauhan, seeing him sparked a surge of anger within her. Everything would be different if it weren't for him, she and Morris would still be together. "You! Look what you've done!" Asik niya dito, umiiyak pa din. Napansin niya ang kakaibang ekspresyon na bumakas sa mukha nito. Hindi ito nagsalita kaya nagpatuloy siya. "Kasalanan mo ang lahat ng ito! If you hadn't forced me that night, everything would be different, but now look what's happened, masaya dapat ang anniversary namin ni Morris nun, kami pa dapat ngayon! Kami dapat ang may engagement party ngayon!" Umiiyak na sabi niya na lumapit dito at galit na sinuntok ito sa dibdib, "Sinira mo ang buhay ko! Winasak mo ang mga pangarap ko! Ikaw ang may kasalanan ng lahat ng 'to. Not only did I lose my boyfriend, the love of my life, but I also lost my job because of you. Paano pa ako magsisimula nito? Kasalanan mo..kasalanan mo..." patuloy na pagtangis niya habang pinagsusuntok ito sa dibdib. Wala naman kibo ang lalaki habang tinatanggap ang lahat ng suntok niya. "I hate you! I hate you!" She cried out in pain, maya maya ay napagod siya sa ginagawa, inangat niya ang mukha at tumingin sa mga mata nito. Hindi niya mabasa kung anong pinapahiwatig ng mga mata nito habang nakatingin din sa kanya, as if he was saying sorry. "No! I will never forgive you, all I want right now is - to kill you!" Mariin niyang sabi habang nakatingin dito. Bigla ay may naalala siya, hindi niya alam kung bakit nga ba niya binitbit ang bagay na iyon ngayon, suwerte nga siya dahil hindi iyon nainspeksyon ng guard sa hotel lobby kanina. Mula sa clutch bag ay inilabas niya ang small handy gold plated pistol, hindi nalingid sa kanya ang naging reaksyon nito. "You? You have my gun?" Gulat na bulalas nito. Akma nitong kukunin ang baril sa kamay niya nang mabilis niya iyong iniiwas dito. "No! You've destroyed my life, and now you'll pay the price!" Aniya na tinutok dito ang baril. Ganon na lamang ang panlalaki ng mga mata nito. "Wait, sweetie, that's dangerous!" He said in a panicked tone. "Don't call me sweetie!" Asik niya na nakatutok pa din dito ang baril. "Alright! Alright! I will not call you, sweetie," mabilis na sabi nito. "Matagal ko na dapat to ginawa, but I think now is the right time," aniya. "Do you know what you're getting yourself into? Have you ever killed anyone before?" tanong nito. Umiling siya. "Wala, ngayon pa lang," aniya. "Think twice before you do something you'll regret." Seryoso na nitong sabi, he was looking at her straight in her eyes, "If that's what it takes for you to forgive me, then I'll endure your anger and resentment," anito na pumikit at hindi na kumilos, handa ng tanggapin ang balang tatama sa katawan nito. Ilan sandali pang nakatutok lang sa binata ang baril maya maya ay umiiyak na nagsalita siya. "I just can't do it, I won't kill anyone, " she said, her voice laced with frustration. Nagmulat na ulit ng mga mata ang lalaki ngunit lalong pinanlakihan ito ng mga mata nang makitang nakatutok na ang baril sa kanya. "What are you doing?" Bulalas nito. "I can't kill you but I think I can kill myself, gusto ko na lang mamatay kaysa maramdaman pa tong sakit na nararamdaman ko ngayon," umiiyak na sabi, bago pa siya makapagsalita muli ay mabilis itong nakalapit sa kanya, hinawakan ang kamay niyang may hawak na baril pero nagpupumiglas siya hanggang sa nag agawan sila nito sa baril. Maya maya pa ay pareho silang nagimbal nang makarinig ng malakas na pagputok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD