"s**t!" Narinig ni Selina na bulong ni Eachen nang bahagya itong lumayo sa kanya, hawak na nito ang baril, bahagya din itong bumuway at napahawak sa hood ng sasakyan.
Natutop niya ang bibig at gimbal pa ding nakatingin sa binata.
She saw blood streaming down through his left thigh.
Nabaril niya ito?
Blood?! She has a fear of blood.
"I didn't mean to, hindi ko sinasadya..." bulalas niya.
Tumingin sa kanya si Eachen, There's a look of worry on his face.
Sunod-sunod siyang umiling.
"No, I don't want to end up in jail," umiiyak na sabi.
The experience has left her shaken, with ongoing emotional and physical distress, nagsama-sama lahat ng sakit, lungkot, pait, takot at pangamba kaya hindi na nakayanan ni Selina ang lahat, her mind blocked out.
Bumigay na ng tuluyan ang katawan niya at bago pa siya bumagsak sa sahig ay mabilis siyang nasalo ng binata.
"Selina!!" Gulat na sabi ni Eachen nang makita niyang nawalan ng malay ang dalaga, bago pa ito bumagsak sa sahig ay mabilis niya itong nasalo sa kanyang mga bisig.
Nag aalalang sinulyapan niya ang dalaga, kahit nakapikit ito ay naglalandas pa din ang mga luha sa mga mata nito, bakas sa mukha nito ang matinding dinadala, she was in pain at hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit nasasaktan din siyang makita itong nagkakaganoon.
"Prince!!!!" Naagaw ang atensyon niya sa mga tauhan na isa-isang magsilapitan ang mga ito.
"Nakarinig kami ng putok ng baril, ayos lang ba kayo?" Sabi ng isa.
"May tama ka, Prince!" Nag aalalang sabi ng isa nang makita ang duguan niyang hita.
"Dalhin ka namin sa ospital, baka maubusan ka ng dugo," wika naman ng isa pa.
Umiling siya.
"No! Stop the bleeding first," sabi niya sa mga ito, "Then call our family Doctor, tell him to come to my place," aniya na binuhat ang dalaga.
Napangiwi siya sa sakit nang mapuwersa ang katawan.
"Prince, ako na," prisinta ni Gerry, akmang kukunin sa bisig niya ang dalaga subalit tiningnan niya ito ng masama.
"Don't dare!" Asik niya, mabilis naman itong napaatras.
Isinakay niya ang dalaga sa passenger seat pagkuwan ay bumaling sa mga ito.
"Cover the wound to stop the bleeding," aniya, kumilos naman ang isa sa mga ito, pagkatapos lagyan ng tali ang hita niya ay mabilis na din siyang sumakay sa kanyang sasakyan at pinaandar iyon.
Tumigil ang sasakyan sa isang mataas na gusali, it's a luxury penthouse, isa sa mga pagmamay ari niya iyon.
Pagbaba niya ay sinalubong siya ng mga kapatid.
"What happened?" Nag aalalang tanong ni Wade paglapit sa kanya.
Tinawagan na ni Gerry ang mga kapatid kaya naroon na ang mga ito pagdating niya.
"Sinabi ni Gerry na nabaril ka daw, ano bang nangyari?" Sabi naman ni Ford.
"It's an accident," sagot niya na binuksan ang passenger seat at muling binuhat ang dalaga.
Hindi nakatakas sa paningin niya ang iisang reaksyong ng mga kapatid. They were looking at him with disbelief in their faces.
"Who is she?" Takang tanong ni Blane.
"She is Selina," sagot niya na naglakad na patungo sa loob ng condo. Nakasunod naman ang mga ito.
"Selina who?" Tanong naman ni Ford.
Dumaan sila sa VIP area kung saan exclusive lang para sa kanila.
"Someone special," aniya.
"What?!" They said in unison.
Nakangiwing binalingan niya ang mga ito.
"I'll tell you later, please stop asking questions," iritang wika sa mga ito.
Nagkatingingan lang ang mga ito at hindi na nagsalita pa.
"The wound's been treated. You're fortunate it wasn't more serious, Prince," Doctor Zuñega said, "However, you need to rest. You need to take it easy and use a crutch to avoid putting too much strain on it," he advised.
Binigyan siya nito ng mga gamot na kailangan niyang inumin pagkadaka ay nagpaalam na din ito at lumabas ng silid.
Napabuntong hininga siya, sinulyapan niya si Selina, mahimbing itong natutulog. Payapa na din ang mukha nito at tila walang inindang problema.
But how about tomorrow? Pagkagising kaya nito ay makakalimutan na nito ang mga nangyari ngayong gabi? Hindi na ba ito iiyak katulad ng pag iyak nito kanina.
He clenched his fist.
"I don't want to see her in that state again."
"So tell us what happened, Eachen," narinig niyang tanong ni Wade mula sa kaibayong upuan, nakahiga siya sa mahabang sofa, doon siya ginamot ng Doktor dahil okupado ni Selina ang kama niya.
Bumangon siya at umayos ng upo, inabot niya ang wine glass na may lamang red wine na binigay ni Blane.
They were eyeing him, at kanina pa naghihintay ng salaysay niya sa mga nangyari.
Sumimsim muna siya sa kopitang hawak bago ikinuwento sa mga ito ang buong detalye. Kung paano sila nagkakilala ni Selina hanggang sa aksidenteng mabaril siya.
"I don't know what to say," komento ni Ford matapos siyang magkuwento.
"So, dumating na ang babaeng katapat mo," nakangising sabi ni Blane, hindi niya pinansin ang sinabi nito.
"Anong plano mo?" Tanong naman ni Wade.
Alam ng mga kapatid niya na malaki ang napasukan niyang problema.
Eachen stare at the glass while swirling the wine.
"Right now, I just want to see her well and happy. I don't want to see her shed another tear." Sagot niya.
Inayos ni Eachen ang ilang hiblang tumabing sa mukha ng natutulog na dalaga, sa simpleng paghagod niya sa mukha nito ay hindi niya napigilang titigan ang maamong mukha nito.
Despite her broken aura, she was still the most beautiful woman in his eyes.
Maraming babae na ang dumating sa buhay niya, he is not a player nor someone deeply committed to a serious relationship. Siya iyong tipo ng lalaki na hindi na kailangan pang mag effort para mapansin ng mga babae, ang mga ito na ang kusang lumalapit sa kanya.
Kaya kahit kailan ay hindi niya inaasahan na makakatagpo siya ng babaeng kabaligtaran ng mga nakasalamuha niya.
Selina was different. Yeah, she's beautiful and innocent.
A smile curved his lips.
And darn it! She looked even better this close.
Hindi namalayan ni Eachen na nakalapit na pala ang mukha niya sa mukha ng dalaga.
As if he was being captivated by the most beautiful Goddess. He couldn't resist the urge to steal a soft kiss, mabilis na din siyang lumayo dito dahil kapag nagtagal pa ay baka hindi na niya mapigilan ang sarili.
Napabuntong hininga na lang siya. Hindi din kasi niya maintindihan ang sarili.
Ever since he met her, there were times he didn't recognize himself.
Was this really the effect she had on him?
Inayos niya ang kumot na gamit nito subalit naramdaman niya ang malagkit na balat nito.
Naalala niyang tinapunan nga pala ito ng wine kanina.
Nakuyom niya ang mga palad dahil sumagi na naman sa isip niya ang mga nangyari kanina.
I swear, no one will ever harm you again. You're under my protection now.
Kahit nahihirapan maglakad ay pinilit niyang kumuha ng basang bimpo at malinis niyang damit.
Nag aalala siya na baka hindi ito kumportable.
Maingat na pinunasan niya ang mukha ng dalaga, pababa ng leeg at mga braso nito pagkatapos ay marahan niyang tinanggal ang suot nitong bestida.
Sunod sunod siyang napalunok nang tumambad sa mga mata niya ang magandang hubog ng katawan nito.
Isang beses na niyang nakita at naangkin ito pero iba pa din ang dulot na hatid ng babae sa sistema niya.
He couldn't believe he was turned on just the sight of her.
Nah Eachen! You're a beast! This is not right!
Pinilig niya ang ulo at kahit nanginginig ang mga kamay ay maingat pa din niyang sinuotan ito ng damit.
Pagkasuot ay kinumutan na din niya ang dalaga, not to protect her from cold but to protect her from him.