Chapter Twelve / Last Chapter

1181 Words
One month later. Dahil na rin sa kabiguan sa pag-ibig pumayag na si Sherri na magpakasal sa lalaking ipinagkasundo sa kanya. Tinanggap niya ng bukal sa loob na hindi talaga sila ni Kean para sa isat-isa. Kahit masakit ay pinilit niyang mag-move on but still Kean will always have a special part in her heart. Ito ang lalaking minahal niya ng lubos sa buong buhay niya. But the man was not her destiny and she accept it with all her heart. Mahal niya pa rin ito. Masayang-masaya ang kanyang mga magulang sa kanyang desisyon. Tanggap na niya ang kanyang kapalaran. Ang pakasalan ang lalaking itinakda sa kanya na ni minsan ay hindi pa niya nakikita. This man is full of mystery at nacu-curios siya. Pero kahit ano pang itsura nito. There's only one man for her at si Kean lang iyon. But who knows malay niya matutuhan niya ring mahalin ang lalaking pakakasalan sa darating na panahon. Bukas na ang kanyang kasal at pinagmamasdan niya ang traje de bodang na susuotin niya na nakalatag sa kama. Napakaganda. Simple lang iyon pero elegante. Tuloy na tuloy na talaga ang kanyang kasal. Ni wala siyang ginawa para sa kasal niya dahil ang mga magulang niya ang nag-asikaso niyon. Ipanaubaya niya ito dito. Kumuha pa ang mga ito ng wedding coordinator para mas mapadali at maging organize ang kanyang kasal. **** Katatapos lang ng kanyang bridal shower na dinaluhan ng kanyang mga kaibigang babae. Pinilit niyang makipag-saya sa mga ito. Ayaw naman niyang isipin ng mga ito na kill joy siya. Inihanda ng mga ito ang party na iyon para sa kanya. Todo effort ang ginawa ng mga ito para maging espesyal iyon. Nag-hire pa sila ng lalaki na nagsasayaw na lumabas sa isang malaking regalo. Pinilit niyang maging masaya sa mga huling sandali ng kanyang pagiging dalaga. Napagod siya ng husto. Inihiga niya ang kanyang sarili sa kama. Muli niyang binalikan ang mga alaala nila ni Kean. Kahit ngayon lang sa huling sandali. Sa mga natitirang oras niya bilang single at pagiging malaya. Gusto niyang maging masaya. Sana masaya ka na rin ngayon. Kahit nasaan ka pa, Kean. You will always be in my heart forever. Nakatulog siyang may mga ngiti sa mga labi. **** Araw ng kasal ni Sherri. Isang church wedding ang magaganap. Suot na niya ang damit pangkasal. It fits her. Napakaganda niya habang suot iyon. She looks stunning. Bumaba siya ng hagdan habang inalalayan ng baklang nag-make up dito. Isang ngiti ang kanyang pinkawalan para sa mga magulang na parehong nakabihis na rin. Mas excited pa ang mga ito sa kanya. "Hindi ka magsisisi sa desisyon mo, hija," anang mommy nito. "Salamat, anak. Best wishes sa inyo ng magiging asawa mo," bati naman ng daddy niya. "Thank you dad, mom." At niyakap ang mga ito. Kakahinto lang ng bridal car sa harap ng simbahan. Marami nang tao ang nandoon at siya na lang yata ang hinihintay. Sa wakas ay makikilala na niya ang lalaking magmamay-ari sa kanya habang buhay. Mula sa loob ng bridal car ay nakikita niya ang mga tao sa labas. Nandoon ang kanyang mga kabarkada na kasali sa wedding entourage. Ang mga tito at tita niya. Mga kumare at kumpadre ng kanyang mommy at daddy na kinuhang mga ninong at ninang. Napansin niya rin sa may gilid ng simbahan ang mga taga Mission Inc. Natuwa siya na dumalo ang mga ito. Biglang naghanap ang kanyang mata. Hinahanap niya si Kean. Biglang nabaling ang kanyang atensyon sa ina ng tawagin siya nito para bumaba. Dahan-dahan siyang bumaba ng sasakyan. Inalalayan siya ng ina sa kanyang damit. Muli niyang ibinalik ang paningin sa mga taga-Mission Inc. Napangiti siya ng matanaw si Andy. Pero wala si Kean. Expected niyang di ito dadalo pero umaasa siyang makita ito kahit sandali. Na bigla na lang sumulpot ito at itakas siya palayo pero mukhang malabo nang mangyare iyon. Dapat ay ginawa na niya iyon habang maaga pa pero hindi. Umaaasa pa rin siya. Ikakasal na rin ito. Tanggap na niya iyon at masaya na siya para dito. **** Nag-lalakad na siya sa aisle papuntang altar. Punong-puno ng mga bulaklak na stargazer ang kanyang dinadaanan. Mayroon din sa bawat gilid. Favorite flower niya kasi iyon. Samantalang puting mga rosas naman ang kanyang bouquet. Maluha-luha siya habang naglalakad. Sa kanya lahat ng atensyon. Tinitignan niya ang mga kinaroroonan ng mga best man pamilyar lahat ng mga mukha na nandoon. At kilala niyang lahat. Wala namang na-iba doon. Nagtaka siya. Ano 'to? Nasaan ang groom? Patuloy pa rin siya sa marahang paglakad. Sana hindi ka na dumating. Pabor iyon sa kanya pagnangyare ang iniisip niya. Malapit na siya sa altar ng biglang lumitaw ang lalaking pinaka-gwapong nakita niya. Suot nito ang isang tuxedo at poging-pogi sa bagong gupit. Nakangiti ito ng napakatamis. Si Kean! Napahinto siya. Tama ba ang kanyang nakikita? Hindi ba siya nag-i-imagine? Kung panaginip man ito ay ayaw na niyang magising. Pero hindi this is really happening. Ang pagkamangha niya ay napalitan ng saya. Napangiti siya. Hindi siya makapaniwala. Ang saya-saya niya sobra. "Tititigan mo lang ba ako?" tanong ni Kean. "Kean!" At binilisan niya ang lakad. Sinalubong siya ni Kean at sabay silang naglakad papunta sa altar. "Na-surprise ka ba?" tanong ng binata. "How can you do this to me?" Naging emosyonal ang dalaga na hindi pa rin makapaniwala na ang lalaking papaksalan niya ay ito pala. "I really hate you for this!" "I'm sorry, babe. It was all my plan and please forgive me for this. But anyway it's our wedding. Stop crying now please. Ayokong malungkot ka sa kasal natin." At ito na mismo ang nagpahid ng mga luha nito. "Pina-iyak mo ko eh." "Sorry na. Gagawin ko lahat ng gusto mo." "Explain to me all of this." "Okay, babe later after our wedding." "You will gonna pay for this," banta ni Sherri. At bago pa uli ito nakapagsalita ay isang halik na ang iginawad nito sa dalaga kahit hindi pa dapat. Naghiyawan at nagpalakpakan ang mga tao. Masayang masaya para sa kanilang dalawa. Kapwa sila napangiti. "I love you," sabi ni Kean. "I hate you but I love you, too," sagot ni Sherri. Natapos ang kasal na masayang-masaya at punong-puno ng galak ang mga puso. Lalong-lalo na si Kean at Sherri na ngayo'y Mr. and Mrs. Fajardo na. Maraming kailangang ipaliwanag si Kean sa asawa niya na ngayon ay nagdedemand na. Kailangang maghanda na siya ng kanyang isasagot dahil siguradong lagot talaga siya. - W A K A S - Authors note: Maraming salamat sa mga nagbasa. Sana nag-enjoy kayo sa kwento nina Kean at Sherri. Medyo kakaiba ang twist ng ending. Sinadya ko po talaga iyon para maiba lang. Pasensya na pag medyo may di maintindihan. Ito ang unang attempt ko dito sa w*****d. - Korei Roque
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD