Chapter Eleven

1131 Words
Metro Manila Napakataas na ng sikat ng araw. Maganda ang panahon pero walang gana at naghihina ang pakiramdam ni Sherri. Ilang araw na siyang ganito. Mula ng biglaan niyang pag-uwi mula Boracay naging malungkutin na siya. Sobrang sakit ang kanyang nadarama. At hindi pa siya nakaka-get over dito. She still love Kean kahit sinaktan siya nito. Hindi pa rin nagbabago ang feelings niya para dito. Nami-miss niya ito. Muling nanariwa ang mga alaala nila sa kanyang isipan. Those times they spent together. Napakasaya nila tuwing magkasama sila. Napapaluha na lang siya. How could Kean do this to her? Bakit hindi siya nito pinaglaban kung mahal talaga siya nito? Bakit ganun na lang kadali para sa kanya ang i-give up siya? Wala na ba talaga siyang halaga sa kanya? Hindi siya papayag na ganun-ganun na lang 'yun. Hindi siya basta-basta na sumusuko na lang. Lalaban siya. Ipaglalaban niya ang pag-ibig dito. Bumangon siya. This is her last chance. She needs to be strong whatever happens. Kung ano man ang magiging kahihinatnan ng gagawin niya ay tatanggapin niya. Atleast she fight for her love at wala siyang pagsisisihan sa bandang huli. Nakabihis na siya at nakaharap sa salamin. Nag-ayos at nagpaganda talaga siya. Alam na niya ang kanyang mga sasabihin. Handa na siyang harapin ito. The pain was still there pero pag-ibig pa rin niya ang mangingibabaw sa kanya para sa binata. At ito na ang tamang oras para harapin ito. Bumaba na siya. "Anak, saan ang punta mo? hija?" tanong ng ina niya ng nasa pinto na siya. Nilingon niya ito. "Mom, may aayusin lang ako. I'll be back soon. Dont worry hindi ako maglalayas." "Hija..." anang ina. "Bye, mom." At lumabas na ng pinto. Naiwan ang ina niya na mag-isa. Nalulungkot at the same. May konting saya kasi muling nagbalik ang anak sa dati. Beautiful and pasaway daughter. **** "Congratulations!" Panay bati at pakikipag-kamay ng mga kasamahan nina Kean at Andy. Nasa opisina sila ng Mission Inc. Isang salo-salo ang nagaganap na inihanda ng mga magulang ni Sabel bilang pasasalamat sa matagumpay na pagkakalutas ng kaso at pagkakaligtas sa dalaga. Very flattered ang dalawa sa sorpresang ito at very honored sa kanilang nagawa. "Congratulations," bati ni Sabel sa dalawa at binigyan ng tig-isang halik. "Thank you," ani Kean na medyo nahihiya pa at namumula pa. Hindi niya inaasahan 'yun. "Thank you din. Sobra-sobra na ang party na ito at may bunos pang kiss. Naks naman." Si Andy na natumba na lang bigla. "Andy!" pag-aalala ng dalaga. Napatingin ang lahat at napahinto sa pagkain. Natuon ang atensyon at paningin sa dalaga at sa binata. "Andy? Ano ba wag kang magbiro ng ganyan?" Binalot na ng pag-aalala si Sabel. Pero hindi pa rin ito gumagalaw at nakapikit pa rin ang mga mata. Natatawa si Kean. Alam na niyang style lang iyon ni Andy para makaisa pa ng halik sa dalaga. Alam na din ng lahat na gusto nito ang dalaga at lahat ay suportado ito. Walang ka-ideya-ideya ang dalaga sa biro nito. Mukhang sineryoso talaga nito. "Baka kailangan ng cpr," suhestiyon ng isa sa kanilang kasamahan. "Oo nga baka kailangan ng hangin," sang-ayon din ng isa. Napatingin ang dalaga sa lahat. Nasa kanya lahat nakatingin ang mga ito. Mukhang no choice. Siya ang dahilan kung bakit ito nahimatay. Parang ang ackward naman kung ang mga kasamahan nito ang gagawa ng cpr sa binata. Tinitigan niya ang binata. Ganun pa rin ito pero mukhang hindi na humihinga. Kinabahan siya at biglang nataranta. Mukhang seryoso talaga ito. Kailangan nito ng hangin. Walang anu-ano ay ibinuka nito ang bibig ng binata at binigyan ng isang mouth to mouth resucitation. Inulit niya pa iyon. Biglang nagmulat ng mga mata si Andy. Laking pasalamat ng dalaga na ligtas na ito. "Andy!" At niyakap niya ito. " You saved my life." At gumanti rin ng yakap. Kumindat si Andy sa mga kasamahan. Nagpalakpakan pa ang mga ito. Tuwang-tuwa sa napanood. Samantalang tawa ng tawa si Kean. Para-paraan talaga. Pwede nang maging artista ni Andy sa galing umarte. Hiyawan ang lahat. **** Nasa labas ng Mission Inc. si Sherri. Mula sa labas ay kitang-kita niyang mukhang nagkakasiyahan ang mga tao sa loob. Kitang-kita niya ang mga iyon na nagpapalakpakan pa. Tamang-tama na man na may lumabas mula sa loob. Nilapitan niya ito. "Excuse me." Nagulat pa ito. "Yes ma'am?" "Nandiyan ba si Kean sa loob?" tanong niya. "Yes po nandiyan po sa loob. May kailangan po ba kayo sa kanya? May ipapa-follow up po ba kayo na kaso?" "Wala naman. Pero kailangan ko siyang makausap medyo personal lang." "Ah ganun po ba? Sige ho ma'am tatawagin ko po. Ano hong pangalan nyo?" "Sherri." "Pasok po kayo." "Wag na po. Dito na lang ako." Pumasok na ito sa loob. **** Kilalang-kilala ni Kean ang babaeng nakatayo sa labas. Kanina pa niya pinagmamasdan ito habang kausap ang kasamahan. She's more beautiful than ever. Nakadama siya ng konsensya dito habang pinagmamasdan. Mahal niya pa rin ito. Wala pa ring nagbago. Ito pa rin ang babaeng gusto niyang pakasalan at makasama habang buhay. Lumabas siya para kausapin matapos tawagin ng kasamahan. Ngiti agad ang sumalubong sa kanya paglabas niya. "Hi," bati ni Sherri. "Hi," seryoso naring bati. "Kamusta ka na?" si Sherri ulit. "I'm fine. Bakit ka nandito?" "I want to talk to you," mahina niyang sabi. "Bakit pa? There's nothing to talk about." "Kean, let me explain!" pagpipilit pa niya. "Sorry, but I don't want to hear it. Tama na." At tinalikuran niya ito. "Kean, wait. Please forgive me. Mahal na mahal kita." Sigaw ng dalaga. Napatigil sa paglalakad si Kean at hinarap ito. "Please, Kean give me another chance." Na nagpipigil na maluha. "I know nagkamali ako. Nagsinungaling ako. Niloko kita but it's not my intentions." "Pero ginawa mo pa rin. Ang sakit dito Sherri." At kinapa ang dibdib. "Sana naisip mo 'yan bago mo ginawa." Hindi nakapagsalita si Sherri. Unti-unti nang naglandas ang kanyang mga luha. "You know what mahal kita pero ayokong makasakit ng iba dahil ikakasal ka na. Wala nang patutunguhan ang relasyon natin pag tinuloy pa natin iyon." "Hindi mo ba kayang ipaglaban ako?" "Hindi sa ganun pero ---" "Duwag ka! Isa kang malaking duwag." "No, Im not. I'm just doing what is right." "Pero duwag ka pa din. Duwag! Du ---" Bigla na lamang siyang kinabig ni Kean at inangkin ang mga labi nito. Isang mapag-parusang halik ang iginawad niya. Ang dalaga na unang kumalas. "Ngayon mo sabihin na hindi mo ako mahal, Kean." Titig na titig sa mukha nito. Naguluhan si Kean. Anong nangyare sa kanya? "I love you, Sherri pero sorry dahil ikakasal na rin ako." Nagulantang siya sa kanyang narinig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD