Kanina pa kinokontak ni Sherri si Kean pero hindi niya iyon sumasagot. Ring lang ng ring iyon.
"Bakit hindi mo sinasagot?" tanong ni Andy. "Ilang araw mo na ring iniiwasan si Sherri. May problema ba, Bro?"
"Wala," sagot niya at nagpatuloy sa ginagawa.
"Wala? Sigurado ka, Bro? Mukhang seryoso 'yang di niyo pagkakaintindihan ah. Bakit mo siya iniiwasan? Pabalik-balik dito at hinahanap ka. Nakakaawa na siya."
"Let her. I want her to learn her lesson," seryosong niyang saad na nakatuon pa rin ang atensyon sa laptop.
"Naguguluhan talaga ako. Pwede paki-klaro mo nga, bro. Hindi ko kasi magets. Anong lesson ang sinasabi mo?"
Hinarap siya nito. Seryoso ang anyo ng mukha nito.
"Ayoko sanang gawin to pero kailangan. Sa maniwala ka't hindi Sherri and I are supposed to get married. Pero tumakas siya."
Nagulat si Andy.
"Ano? Kasal? Ikakasal sana kayo?" malakas at di makapaniwalang sabi.
"Yes, bro. You heard it right."
"Anong nangyare? Ni hindi ko man lang nabalitaan na may dine-date ka. O kaya may jowa ka tapos ngayon ikakasal ka na?"
"Hindi siya pumayag kaya naglayas siya, kaya nandito siya ngayon sa Boracay. Actually its was a fixed marriage kaya umayaw siya.Basta na lang siya umalis. "
"Fixed-marriage? Uso pa ba 'yun? "
"Maybe yes. Isang patunay sana 'tong sa amin pero nagmatigas siya."
"Alam niya ba na ikaw ang pakakasalan niya? Kahit sino naman siguro di papayag na basta na lang magpasakal sa basta na lang pinagkasundo at never pang nakilala. Parang anlabo naman ata nun."
"Hindi. Paano ni hindi niya binigyan ng pagkakataon na makilala ako na magkakilala kami."
Manghang-mangha si Andy sa mga narinig.
"So anong plano mo? Mukhang in love na si Sherri sa'yo?
Tumayo ito at tinungo ang bintana. Tinanaw sa labas ang mga tricycle na paroon at parito.
"Simple lang gusto ko. Gusto ko siyang matuto ng leksyon. I know how painful it is pero mas masakit ang ikaw mismo ay tanggihan na pakasalan. I know her for too long and i've waited too long for us to know each other. But she doesn't even bother. She just ran away. She rejected me. So I'm breaking up with her." At binalingan si Andy.
"Sigurado ka ba? Baka ginagawa mo lang 'to para makapag-higante ka kasi di mo matanggap na inayawan ka niya?"
"Hindi ito paghihigante. It's a lesson I want her to learn. A punishment."
"Pero magiging masaya ka ba kapag ginawa mo 'yun? Pareho lang kayong masasaktan."
"Sanay na ako." At bumalik sa harap ng laptop.
"Pero---" kontra ni Andy.
"No if's bro. Just trust me. I know what I'm doing."
"What can I say?" pagsang-ayon niya at nagkibit ng balikat.
Wala na nang nagawa si Andy. Mukhang desidido talaga ito sa gagawin.
****
Kakababa lang ni Sherri sa tricycle. Nasa harap na siya ng hotel nina Kean. Pupuntahan niya ulit ito. Hindi siya mapakali. Ilang araw na rin silang walang komunikasyon. Hindi nito sinasagot ang mga tawag niya. Hindi rin niya ito nakikita. Pinagtataguan din siya nito. Miss na miss na niya ito.
Pumasok na siya. Dumiritso siya sa front desk. Nakatayo na siya doon ng malingunan ang sadya niya.
Si Kean ay nasa hallway.
Wala pa rin itong ipinagbago. He's more handsome now. Nabuhayan siya ng loob at natuwa ng husto ng makita ang binata. Nakanigiti niya itong sinalubong.
"Kean!" Niyakap niya ito sa sobrang tuwa.
Hindi man lang tumugon si Kean. Nakatayo lang siya na parang tuod. Seryosong-seryoso. Nadama agad iyon ng dalaga. Kumalas siya sa pagkakayakap at hinarap ang kasintahan. Tinitigan niya ito.
"May problema ba?" tanong niya ng mapansing hindi man lang ito ngumingiti.
He's so stiff. Parang iba na ito. Hindi ito ang Kean na kilala niya. Napaka-seryoso nito.
"Hindi ka ba masaya na makita ako? Ni hindi mo man lang sinasagot mga tawag ko. May nagawa ba akong mali? Galit ka ba sa akin? Miss na miss na kita." At muling yumakap.
"Sherri, ano ba?" malakas nitong wika.
Gulat ang rumehistro sa mukha ng dalaga. Kumalas mula sa pagkakayakap dito. Hindi niya inaasahan ang tinuran nito.
"Kean, anong nangyayari sa'yo?"
Nanibago siya sa inasal nito. Parang hindi na ito ang Kean na nakilala niya. Hindi na ito sweet at understanding.
"What's wrong with you? Nag-iba ka na."
Hinarap siya nito.
"Don't you get it? I don't want to see you." Malakas na may halong galit ang pagkakasabi nito.
"Why? Anong problema? Sabihin mo sa akin hindi ko kasi maintindihan eh. Ni hindi mo sinasagot mga tawag ko. Pinagtataguan mo rin ako." Halos mapaos ito at di mapigilaang maluha.
"Sagutin mo ako." Hilam na ng luha ang mga mata.
"Dahil isa kang sinungaling at ayoko sa lahat ay ang pinaglilihiman ako," galit niyang akusa. "Hanggang kailan mo ako balak lokohin?"
"Ano? Di kita maintindihan?"
"Talagang di mo ako maiintindihan dahil dahil manloloko ka."
Gulong-g**o si Sherri. Anong pinagsasabi nito? Hindi niya matanggap ang mga binibintang nito sa kanya. Ang mga salitang binitawan nito. Sinampal niya ito.
"How could you say that to me? You didn't even know me," mangiyak-ngiyak niyang saad.
Pero balewala lang iyon sa binata. Ni hindi man lang natinag sa kinatatayuan. Ni hindi rin nasaktan sa binitawan niyang sampal.
"I know you at totoo naman na sinungaling at manloloko ka."
Isang sampal muli ang kanyang pinakawalan sa pisngi ng binata.
"How dare you to accuse me? I hate you!"
"Kung hindi ko pa nalaman ---"
"Na ano?" Hilam ng luha ang mga mata ng dalaga.
Walang emosyon ang mukha ng binata. Nagmamatigas ito. Ni hindi man lang nakitaan ng pagkahabag sa dalaga.
"Na ikakasal ka na. Na may iniwanan kang responsibilidad."
Nabigla siya sa kanyang narinig.
"Umuwi ka na, Sherri. Bumalik ka na sa mga magulang mo. Harapin mo ang problema mo."
"Kean..."
"Sherri, tama na. This relationship is over."
Yumakap siya sa binata.
"Kean, let me explain," pagmamakaawa nito.
"No, Sherri. Tama na. Just go home. Face your responsibilities. Wala na 'tong patutunguhan. Im breaking up with you. Goodbye!" At ito na mismo ang nagtanggal ng mga kamay ng dalaga mula sa pagkakayakap.Tumalikod na ito.
"Kean!" Sigaw ni Sherri.
Ni hindi man lang lumingon ito. Naiwan siyang luhaan. Wala na siyang nagawa kundi umiyak.