CHAPTER ONE: Ambush
JANIEL
Nakatulala pa rin ako ngayon sa kawalan. Kanina pa umalis si aeron.
I still can't believe it! Hindi pa rin malinaw sa akin ang lahat. Hindi ko naman mapagtanungan si jey kasi hindi niya rin alam. Si mama at si ma'am avana lang ata ang nakakaalam.
But knowing mama, hinding hindi niya sa akin sasabihin iyon. Hmp!
Tiningnan ko ang kabuoan ng aking kwarto. It gives me creeps. Bakit ba kasi parehonb pareho ang kwarto ko ngayon sa kwarto ko dati sa bahay ni papa?
I smiled bitterly. Kahit ang daming ginawa sa amin ni papa na masasama tinatawag ko pa rin siyang papa. Bakit ba hindi ko siya ma-hate!? Nakakainis.
Hindi ko na lang pa inalala yun at nagsimula ng magayos ng aking gamit.
Pumunta ako sa may isang pintuan at binuksan ito. Pagbukas ko ay cr pala.
Pero bakit may isa pang pintuan?
Out of curiosity pumunta ako sa pintuan na yun at binuksan. Literal na umawang ang bibig ko sa nakita.
Bakit ako may walk in closet!!? At hindi lang yun dahil may mga damit na rin na nakalagay.
Naglakad ako at tiningnan ang mga sapatos. Ang gaganda at mukhang mamahalin.
Totoo bang sa akin talaga tong kwartong to? Bakit parang sa ibang tao tong kwarto? Coincidence lang ata na same kami ng favorite na cartoon.
Pero kasi yung name ko nasa pintuan! At nakapaint pa yun.
Hayst! Need ko talagang kausapin si ma'am avana mamaya.
Pagtapos ko tingnan ang kabuoan ng walk in closet sa kwarto ko ay napagdesisyonan ko na bumaba na.
1pm na at hindi pa rin ako kumakain ng pananghalian.
Pumunta ako sa dining area at nakita sila na kumakain.
"Oh, janiel! Ipapatawag sana kita kay aeron. Buti na lang at bumaba ka na" sabi sa akin ni ma'am avana.
Ngumiti ako sa kanya.
"Halika kumain ka na! Alam kong mahaba ang naging byahe niyo kaya kumain ka na" pagayaya niya.
"Hindi na po.. sasabay na lang po ako kay mama, ma'am" sagot ko.
"Kanina pa kumain ang mama mo. Tulog siya ngayon dahil sa byahe, and please don't call me ma'am. Just call me tita, okay?"
Bakit sobrang bait mo ma'am avana?
Can't relate.
"O-Okay po t-tita"
Potek naman janiel! Bakit ka nauutal!?
Tinuro niya ang upuan sa tabi ni aeron. Duon na raw ako umupo.
Bwiset! Bakit sa kanya pa? Hindi ba pwedeng kay jey na lang?
Tumango ako sa kanya at pumunta sa upuan na tabi ni aeron.
Habang kumakain kami may biglang dumating na babae.
"Hi mommy!" Masiglang bati niya at pumunta kay ma'am avana.
Stupid janiel. Tita na nga raw hindi ma'am!
Kinuha ko ang baso ko na may lamang tubig at uminom.
"Kuya aeron! Sino yang katabi mo? Yan na ba yung sinabi mo sa akin na girlfriend mo? Owemjiii!"
Bigla akong nasamid sa sinabi nung babae.
Tangina? Girlfriend?
Never ako mag jo-jowa!
"Janiel are you okay?" Nagaalalang tanong sa akin ni tita.
"Yes po tita," sagot ko ng mahimasmasan.
"She's not my girlfriend, Aze"
"Ay sayang naman kuya! She's verry pretty! And she looks smart," sabi nung aze.
Napangiti ako roon.
"By the way!" She paused at tumingin sa akin. "Hi! My name is Aze, with a z! As in zigzag, not c, okay? I'm Aze Yuri Indencio. Ang pinaka-cute sa aming magkakapatid," masiglang pagpapakilala niya sa akin.
Ang cute niya!
"Hi Aze, ako nga pala si Janiel Axiena Benegian. You can call me janiel, el or xie basta wag lang axiena" pagpapakilala ko.
"Why naman ayaw mo na tawagin ka in your second name? It's pretty kaya! Just like you! You're very pretty po"
For the second time I smiled at her.
"Yes, Axiena is pretty but I really hate that name. So please don't call me by my second name"
"Hmm... okay!"
Pagkatapos ng usapan namin ni aze ay nagpatuloy na kami sa pagkain. Nang matapos na ako ay nagpaalam na muna ako sa kanila para pumunta sa kwarto ko.
Nakahiga ako ngayon sa aking kama at nakatulala sa kisame.
Napalingon ako sa pinto ng may kumatok.
Bumangon ako at binuksan ito. Bumungad sa akin ang nakangiting si aze.
"Oh, Aze. What are you doing here?" I ask.
"Let's go shopping ate! Kasi sinabi sa akin ni mommy that you will study sa aming school kaya let's bili some school stuffs!"
Napaisip naman ako doon. May ipon naman ako para makabili kaya tumango ako.
"Sure! Pero pwedeng magbihis muna ako?"
"Sige lang ate!"
Nilakihan ko ang pinto at pinapasok siya. Ako naman ay pumunta sa walk in closet at namili ng susuotin.
Nagsuot lang ako ng short at t-shirt, pinaresan ko siya ng rubber shoes.
Tumungin ako sa salamin. Para na akong human gucci! Kasi naman halos lahat ng gamit dito ay gucci.
Ng makuntento na sa suot ko ay lumabas na ako.
"Ang ganda mo talaga ate el!" Nakangiting bungad sa akin ni aze.
"Thank you, aze" sabi ko.
Kukunin ko na sana ang wallet ko nang pigilan niya ako.
"Wag ka na magdala ate! My treat!"
"Ow, okay"
Sabay kaming dalawa ni aze na bumaba at naabutan namin si aeron sa sala na may kasamang dalawang lalaki.
Bakit ang daming lalaki?
Tanga janiel. Tatlo lang yan, ang arte mo.
"Kuya aeron! Aalis na kami"
Lumingon sa amin ang tatlong lalaki nang magsalita si aze.
Tumango lang si aeron at nanood ulit.
"Bye Aze!" Sigaw nung isang lalaki.
"Bye kuya khyzen!" Sigaw pabalik sa kanya ni Aze.
Akmang aalis na kami ng bigla akong may naalala.
"Wait lang Aze, magpapaalam muna ako kay mama. Baka kasi hanapin ako," sabi ko.
"Sige! Basta bilisan mo ate el"
Bago pa ako makaalis ay lumingon ako kay aze.
"Aze.. san pala dito yung maids room?" Tanong ko.
"Deretso ka lang ate tapos may makikita kang pintuan duon, yun yung maids room"
Tumango ako sa kanya at naglakad. Nang makita ko na ang pintuan na sinasabi ni aze ay kumatok ako.
Bumukas iyon at bumungad sa akin si mama.
"Janiel, anak bakit ka andito?" Tanong ni mama.
"Magpapaalam sana ako ma. Aalis kami ni Aze, yung anak na babae ni ma'am avana," sagot ko.
"Sige, basta wag kayo papagabi ah"
Tumango ako.
Bago pa niya isara ang pinto ay tinawag ko siya.
"Bakit janiel?"
"Ma.. pagbalik namin mamaya pwede ba kitang makausap?"
"S-Sige" sabi niya at sinarado na ang pinto.
HINDI KO ALAM kung bakit pinagtitinginan kami ng mga tao dito sa mall. Maybe because aze is pretty? Ako naman kasi hindi maganda, hindi rin panget. Yung sakto lang.
Morena ako, bilog ang mata, maganda ang kilay ko, yung ilong ko naman ay hindi masyadong matangos. Hindi ako pala make up kasi hindi naman ako marunong at dahil wala rin akong make up. Lipstick and liptint lang ang meron ako.
"Tara ate!" Napatingin ako kay aze nang hilain niya ako.
"Saan tayo pupunta?" Tanong ko.
"Sa boutique ko!" Sagot niya at ngumiti ng malaki.
Boutique? Ang bata niya pa pero may boutique na siya.
"O-Oh, okay"
Pagkadating namin sa boutique niya ay agad niya akong hinila sa may mga make up.
"Pili ka ate! Wag kang magalala dahil libre ko na sayo yan hihi" aze said.
"Uhm, ano kasi. Aze hindi naman ako marunong mag make up kaya pag binigyan mo ako ay useless lang din kasi hindi ko naman magagamit"
"Ohh," she paused. "Pwede naman kitang turuan ate! Alam mo ba ate you look really beautiful, you're a morena, yung simple lang pero sobrang ganda mo talaga ate. No wonder kung bakit na love at first sight sayo si kuya jey" she giggled in her last sentence.
"Seryoso ka? Si jey na love at first sight sa akin? Imposible"
"Hay nako ate! Bahala ka nga, basta mamili ka nalang ng mga make up diyan at sabihin mo sa akin mga napili mo"
Tumango nalang ako at nagsimula nang mamili.
Tumingin ako sa mga make up. Potek! Ang hirap mamili pag walang alam.
Bahala na nga, ku-kunin ko nalang yung mga gusto ko.
After 20 minutes natapos na rin ako.
Hinanap ng mata ko kung nasaan si aze. Hindi niya kasi sinabi sa akin kung saan siya pupunta.
Pumunta ako sa may mga damit pero wala rin siya doon.
Akmang pupunta na ako sa counter nang bigla akong may narinig ng putok ng baril.
Shit! Si Aze kasi nasaan na!?
Alam kung hindi narinig ng ibang tao dito sa boutique. Mahina lang ang putok ng baril kaya hindi maririnig yun ng iba.
But I was trained for years kaya alam kung putok ng baril talaga iyon.
Biniba ko ang lahat ng make up na bitbit ko, at dali daling pumunta sa counter.
"Alam mo ba kung nasaan si aze?" natataranta kong tanong.
"S-Sabi niya po ma'am bibili lang siya ng makakain niyong dalawa" sagot ng babae.
Hindi na ako nagpasalamat pa at lumabas na. Saan ba siya pwedeng pumunta?
Shit janiel! Alalahanin mo ang inaral mo noong mga nakaraang araw.
Ah! Wendys ang paboritong kainan ni aze.
Agad akong pumunta sa isang guard.
"Kuya nasaan po dito ang wendys?" Tanong ko sa guard.
"Nasa second floor po ma'am, makikita niyo po agad iyon" sagot niya.
"Okay kuya, thank you"
Agad akong pumunta sa hagdan. Dahil sa pagmamadali may nakabungguan ako na lalaki.
"Sorry po" sabi ko at hindi na siya tiningnan pa.
Mas mahalaga ngayon si aze.
Nang makaakyat na ako ay agad ko namang nakita ang wendys. Tumakbo ako papunta doon. Nakahinga ako ng maluwag ng nakita ko si aze na umoorder.
Pumunta ako sa kanya.
"Oh, ate! Bakit ka andito?" Tanong niya.
"Basta"
"Dahil andito ka na. Hindi ko nalang to ipapa-take out" akmang pupunta na siya sa isang table ng hilain ko siya pabalik.
"No. Ipa take out mo yan at umuwi na tayo"
"Ha? Halos kakarating lang natin dito tapos uuwi na agad"
"Aze, hindi ko alam kung tama bang sabihin ko to sayo, pero may narinig akong putok ng baril kanina"
"W-What!? Ate sure ka ba? Baka guni-guni mo lang yun"
"Sana nga guni-guni ko lang yun, aze, pero hindi eh. Tawagan mo na yung driver mo at umuwi na tayo, kaylangan natin mag ingat"
Hinila ko siya at bumaba na kami.
Narinig ko namang tinawagan na ni aze yung driver niya kaya pumunta na kami sa parking lot. Nang makarating na kami ay hinintay muna namin ang driver ni aze.
You need to be alert, janiel! Hindi lang ikaw ang mapapahamak kundi si aze rin, at baka nga mas mapahamak pa si aze kaysa sa akin.
"Bakit ang tagal ng driver mo?" Tanong ko kay aze.
Lumingon naman siya sa akin. "H-Hindi ko rin alam ate.. kanina nung tinawagan ko siya sabi niya ay papunta na pero hanggang ngayon wala pa rin" kinakabahang sabi niya sa akin.
Shit! Lagot na talaga.
"Marunong ka ba mag drive?" Tanong ko sa kanya.
"Hindi.."
Aishhh! Wala na kaming ibang choice kung hindi ako nalang ang mag drive. Marunong ako DATI, dahil tinuruan ako ni papa, pero kasi ang tagal na noon kaya hindi ko alam kung kaya ko pa rin ba hanggang ngayon.
Pero sana kaya ko pa.
Hinila ko si aze papunta sa sasakyan. "Akin na ang susi" nagmamadaling sabi ko.
Masama ang pakiramdam ko. Alam kong malapit na sila sa kinaroroonan namin.
"H-Here" sabi niya at inabot ang susi sa akin. Agad ko namang binuksan ang pintuan at sumakay na, sumakay naman si aze sa tabi ko.
"May baril ka ba diyan?" Tanong ko at sinimulan nang paandarin ang sasakyan.
"What? W-Wait ang alam ko merong baril dito sa sasakyan"
"Bilisan mong hanapin"
Mabilis kong pinaandar ang sasakyan.
"s**t! Ate dahan dahan naman"
"Sorry"
Nagulat ako nang makita na may dalawang sasakyan na sumusunod sa amin.
"Putangina," mahinang bulong ko. "Aze sana na yung baril?" Dagdag kong tanong.
"E-Eto ate," sagot niya at inabot sa akin ang baril.
"No, ikaw ang gumamit, marunong ka ba?"
"Ah.. medyo"
"Good"
"Where's your phone?" Tanong ko sa kanya.
"Here" sagot niya at inabot.
"Anong pangalan ng kuya mo dito?"
"Sinong kuya"
"Kahit sino.. ah s**t!"
Mas mabilis kong pinaandar ang sasakyan ng bungguin kami nang sasakyan na sumusunod sa amin.
Hindi ko alam kung bakit walang ibang sasakyan ang nasa kalsada. Kaming tatlo lang.
"Pangalan lang naman nila ang nakalagay diyan a-ate"
Tiningnan ko ang cellphone niya at nang may nakita ako na mag 'kuya' agad ko iyong tinawagan.
Wala pang isa minuto ay sinagot niya agad.
"Yes my little sis?" Bungad niya, sa boses palang ay alam ko ng si aeron ito.
"This is janiel, hinahabol kami nang kung sino mang mga putangina to. I track mo ang cellphone ni Aze dahil hindi ko na alam kung nasaan kami, walang ibang sasakyan kung hindi kami lang at yung mga humahabol sa amin, puro gubat"
"What!? Nasan ang driver ni Aze?"
"Hindi ko alam, pero tinawagan siya ni Aze kanina at sabing papunta na raw pero mahigit ten minutes na wala pa rin siya, baka patay na," sagot ko.
"The f**k!?" Nilayo ko ang cellphone sa tenga ko nung sumigaw siya.
"Pwede ba! Gawin mo na ang sinabi ko!" Irita kong saad.
"Okay okay," sabi niya at binaba na ang tawag.
Inabot ko kay aze ang cellphone niya at lumingon sa dalawang sasakyan na hanggang ngayon ay hinahabol pa rin kami.
Bigla akong kinabahan nang mabilis na umandar sila at pinagitnaan kami.
Shit naman.
Bigla ako napapreno nang pumunta sa harapan ng sasakyan ang isang kotse na sumusunod sa amin.
Agad kong tinignan si Aze kung ayos lang ba siya.
Nakita ko siyang umiiyak na. Agad ko siya niyakap.
"Aze kahit anong mangyare wag na wag kang baba, okay? Don't make any noise too"
Tumango naman siya.
Alam kong tilted ang sasakyan ni aze.
Naging alerto ako nang bumukas ang pintuan nang dalawang sasakyan. Bumaba ang tatlong malalaking lalake na may hawak na baril at sumunod sa kanila ang isang lalake.
Bigla akong napabitaw sa yakap kay aze nang makita ko ang mukha nang lalake.
"Papa..."
————————————————————
20