bc

OFK University Series #1: Janiel: The Reader

book_age16+
2
FOLLOW
1K
READ
others
love-triangle
student
bxg
witty
female lead
others
football
school
athlete
like
intro-logo
Blurb

OFK University Series #1 | Ongoing

She was not the prologue not even the epilogue. She was the reader of the love story of Aeron and Layle.

This is not the story of love but the story about love.

-

Started Writing: January 2022

Finished:

chap-preview
Free preview
Prologue
PROLOGUE: Axiena JANIEL "Janiel! Tara na!" sigaw ng nanay ko na nasa baba. "Eto na po!" Sigaw ko pabalik sa kanya. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Pupunta kami ngayon sa maynila, dun na kami maninirahan sa pagta-trabuhan ng nanay ko. Nang makitang maayos na ang damit ko ay tumingin ako sa paligid ng aking kwarto. Siguradong ma mi-miss ko ang aking kwarto, dahil duon na kami titira sa maynila. Kinuha ko na ang bag ko at bumaba na, naabutan ko naman si nanay na kumakain. Alas kwatro palang ng madaling araw kaya madilim pa at kaylangan din namin kumain para hindi magutom dahil matagal ang byahe papunta sa maynila. Inilapag ko muna ang bag ko sa sofa at pumunta na sa hapag para kumain. Hatdog at itlog ang ulam namin. Hindi kami mayaman kaya kaylangan magtrabaho ni nanay para may makain at makapag-aral ako. Kakagraduate ko lang sa highschool at sa next na pasukan ay college na ako kaya malaki-laki ang gastusin namin. Kahit pa na nakakuha ako ng scholarship sa OFK University ay marami pa ring mga gastusin. Dalawa lang kami ni nanay simula nung iniwan kami ng tatay ko para sa ibang babae. And that's also the reason why I don't believe in love anymore. Noong bata pa ako ay halos araw-araw nagdadala ng ibat-ibang babae ang tatay ko, habang si nanay ay nasa ibang bansa. I had a rough childhood. Kung ang ibang bata ay naglalaro at walang iniisip ako naman noong bata ako ay hindi ko naranasan maglaro sa labas dahil ikinulong ako ng tatay ko sa bahay. Hanggang tingin na lamang ako sa mga bata na naglalaro sa labas. Simula elementary hanggang grade 8 ko ay home school ako. Natigil lang anb lahat ng yun nung umuwi na si nanay dito sa Pilipinas. "Janiel kumain ka na, kanina ka pa nakatunganga diyan" nabalik ako sa reyalidad nang magsalita ang nanay ko. "Iniisip mo pa rin ba ang tatay mo?" Nagulat ako sa naging tanong niya. "Lagi kong naiisip ma kung bakit niya tayo iniwan. Kasal kayo ma.. pero bakit siya nagdadala halos araw-araw ng babae sa bahay dati?" Mahinang tanong ko kay nanay. "Dahil hindi na ako mahal ng tatay mo, janiel. Oh siya! Kumain ka na para makaalis na tayo, mahirap na baka puro puno na ang bus na maaabutan natin" Ngumiti lang ako ng tipid at kumain na. Nang matapos na ako kumain ay hinugasan ko na ang mga plato na ginamit namin. Nang matapos na ay inaayos ko ang sarili ko at kinuha ang bag at umalis na kami ni nanay. Mabuti nalang at may nahanap kaming bus na papunta sa maynila. Umupo ako sa may tabi ng bintana. Matutulog muna ako dahil matagal pa naman ang byahe. "Anak gising na. Malapit na tayo" dahan-dahan kong binuksan ang aking mga mata. Malapit na pala kami. Agad kong inayos ang buhok ko na nagulo dahil sa pag tulog ko. Hindi nag tagal at nag stop na ang bus at bumaba na kami ni mama. Nasa maynila na kami. Lord, sana ay maayos at maganda ang magiging buhay namin dito sa maynila. "Tara na, janiel" agad akong sumunod kay mama nang maglakad siya papunta sa isang magarang sasakyan. Nabanggit sa akin ni mama kanina na may susundo sa amin. Yun daw ang magiging amo ni mama, amo ko na rin dahil tutulungan ko si mama sa kanyang mga gawain. Ang panget naman kung duon ako titira tapos hindi ko tinutulungan si mama. May lumabas na lalaki sa magarang sasakyan at hinarap si mama. "Are you Roan Benegian?" tanong nung lalaki kay mama. Ang sabi ni mama ay driver daw ng amo niya ang susundo sa amin pero bakit ang gwapo? Hay janiel! Tandaan mo, aral muna bago landi! Graduate bago landi, okay? Noted self! "Ako nga po yun" sagot naman ni mama sa lalaki. "I'm Justine Indencio, you can call me Jey for short. Eldest son of Avana Indencio" sabi nung lalaki at nakipag kamay kay mama. Ekis na letter J eh. Siguradong mapanakit to. Stupid janiel! J ka rin naman. "And you're?" Nabalik ako sa reyalidad ng kalabitin ako ni mama. Pag tingin ko ay nakita kong nakatingin sa akin yung lalaki. Si jey. "Oh! I'm Janiel Axiena Benegian, you can call me janiel, el, or xie basta wag lang axiena" pagpakilala ko. Kumunot ang noo ko nang tumawa siya. Mukha ba akong clown? "Why don't you want to be called axiena?" Aba! Close na ba kami para mag tanong siya ng ganito? "Secret ko na yun, sir" sabi ko at nginitian siya ng matamis. Tumawa naman ulit siya. Nagiging happy pill na ako nento ah. Pagkatapos niyang tumawa ay pinapasok na niya kami sa sasakyan. Buti naman at pinapasok niya kami. Akala ko kasi balak niya lang tumawa ng mag damag. But, to be honest. Ang gwapo niya pag tumatawa. Ako kasi pag tumatawa mukhang tanga. Nakikita yung double chin ko. "Iho.. bakit ikaw ang sumundo sa amin? Sabi ni ma'am avana ay driver niyo raw ang susundo sa amin" nabasag ang katahimikan ng magsalita si mama. "Uhm.. day off po kasi ng driver namin ngayong araw kaya ako na lang ang inutusan ni mama. It's okay naman po sakin kasi wala naman po kaming class today" Malamang na walang pasok ngayon kasi sabado. "Oh? Bakit may pasok na agad kayo? Bakasyon pa lang ah.." bigla kong nasampal ang bibig ko ng magsalita ako. Dapat sa utak ko lang yun! Traydor kang bibig ka. "Why are you interested, axiena?" Nakangising saad niya. "Interested agad? Pwede bang nagtanong lang kasi curious?" Kapal ng face mo jey! "Okay! Sabi mo eh. To answer your question, noong monday lang nagsimula ang pasok namin" Tumango na lang ako at hindi na nagsalita pa. Baka pag nagtanong ulit ako eh mag assume na gusto ko siya. Duh! May motto ako. Graduate muna bago landi. Hanggang crush lang muna ako. "Saan ka ba nagaaral, iho? Bakit ang aga ng pasukan niyo?" sabi ni mama. "Sa OFK University po ako nagaaral, at I'm third year college na po kaya maaga ang samin" Bigla akong nasamid sa sarili kong laway. "Janiel, anak. Okay ka lang?" Nagaalalang tanong ni mama. "Okay lang po ako ma" sagot ko. "Anak diba sa OFK University ka rin magaaral? Sabi mo sa akin iyon noong isang araw na scholar ka duon" Tumango naman ako sa sinabi ni mama. "So.. schoolmate pala tayo?" Nakangising sabat nung jey. Bakit ba palagi siyang nakangisi!? "Yes. First year college" "Would you mind if I ask kung paano ka naging scholar?" Taka kong tiningnan si jey. "Kasi magaganda ang grades ko? At nakapasa ako sa exam" sagot ko. "Do you know, xie na nine pa lang ang nagiging scholar ng OFK University? Pang sampo ka na" Nagulat ako sa sinabi niyang yun. "At bakit naman nine pa lang ang nagiging scholar?" "Dahil mahirap ang exam pag gusto mong mag scholar at isa pa required na lahat dapat ng grades mo noong senior high school ka ay line of 9" To be honest, hindi ako nahirapan sa exam, at lahat naman ng grades ko ay line of 9 simula elementary. I studied hard. Para naman maging proud ang tatay ko sa akin. Para tumigil na siya sa pang ba-babae niya. Pero wala eh. Hindi man lang siya naging proud sa mga grades ko. Naalala ko noong pinakita ko sa kanya ang card ko dati. Lahat ng grades ko ay line of 9. 99 is my highest at 92 naman ang lowest ko. Akala ko magiging proud na siya sa akin dahil ang tataas ng grades ko pero ang sinabi niya '99 lang pinakamataas mo? Bakit hindi 100!? Napaka bobo mo naman janiel! Sayang lang ang pera na ginagastos ko para makapagaral ka, at ano to? 92 lowest mo? Ang baba!?' Kaya simula noon hindi ko na pinakita sa kanya ang grades ko. Noong grade seven ako ay ang highest ko ay 100 at ang lowest ko naman ay 94. Laging math ang pinakamababa ko. Hindi ko naman hate ang math pero parang ganun na nga. Umiling ako at humikab. Bakit ko pa ba naaalala ang mga yun? Tama na janiel. It's all in the past. "Antok ka ba, xie? Pwede kang matulog muna, tutal malayo pa naman tayo" Tumango ako sa kanya at sinandal ang ulo ko sa balikat ni mama at natulog na. Naramdaman kong may yumuyugyog sa balikat ko kaya nagising ako. Pagdilat ko ay nakita ko si jey. "Andito na tayo, xie. Nauna na ang mama mo kaya tara na! Nadala na rin pala ni aeron yung bag mo" Sino si aeron? Tumango ako sa kanya at inayos ang buhok ko. Hindi nag tagal at lumabas na ako sa sasakyan at sumunod na kay jey. Tiningnan ko ang paligid ng bahay nila. Nasa labas pa kami pero sobrang ganda na. Pangako, bibigyan ko si mama ng gantong bahay! Hindi ko man naranasan to pero pangako ko na mararanasan to ng mga anak ko. Nang makapasok na kami sa bahay nila ay umawang ang bibig ko. Ang ganda! Nakita ko si mama na may kinakausap na babaeng maganda sa may sala. Siya siguro si ma'am avana. Hindi halata na may anak na siya dahil sobrang ganda niya. Ako pa nga ang mas mukhang may anak. "Eto ba yung sinabi mo sa akin na anak mo? Napakagandang bata!" puri sa akin ni ma'am avana. Ngumiti ako ng matamis. "Thank you po ma'am! Kayo rin po ang ganda niyo" Gustong gusto ko talaga na kino-compliment ako. Lalo na pag magandang babae ang nagsabi na maganda ako. Promise I'm straight! Straight as a circle. "Jey ihatid mo si janiel sa magiging kwarto niya," sabi ni ma'am avana sa kanyang anak. Naguguluhan akong tumingin kay mama. Bakit may kwarto ako? Dapat kasama ko si mama sa maids room ah! "Ahh.. janiel hindi ba nasabi sayo ng mama mo?" Taka akong tumingin kay ma'am avana. "Na ano po iyon?" Tanong ko. "May sarili kang kwarto dito at kaibigan ko ang t—" Naputol ang sasabihin ni ma'am avana ng magsalita si mama. "Wag ka ng makulit pa janiel at sumama ka na lang kay justine" sabi sa akin ni mama. Kahit naguguluhan ay sumunod ako kay jey. Umakyat kami sa second floor ng bahay nila. Tumigil kami sa pinto na may nakalagay na 'Axiena' "Bakit nakalagay ang second name ko diyan?" Tanong ko kay jey. "Ah.. kasi sabi ni mama lagyan ko raw. Hindi ko rin alam kung bakit niya pinalagyan, okay!?" Sagot niya sa akin. "Saan pala yung gamit ko?" "Andyan na sa kwarto mo. Nilagay ni aeron" "Sino si aeron?" "My younger brother" Nang sabihin niya yun ay umalis na siya. Dahan-dahan kong binuksan ang door knob at pumasok. Umawang ang bibig ko ng makita ang loob. G-Ganto ang design nung kwarto ko sa bahay ni papa dati! I really really like winx club noong bata ako. Si musa ang pinaka-favorite ko. Ang mga pader ay may nakapaint na winx club at si musa. Yung kama ko naman ay blue and white. Nakita ko ang bag ko na nakalagay sa kama. Pumunta ako roon at umupo. Hindi pa rin ako makapaniwala na may sarili akong kwarto at ang design ay gayang gaya sa dati kong kwarto sa bahay ni papa. "Sino ka!?" Tili kong saad ng may nakitang lalaki na nakaupo sa may sofa. "Bakit ka andito?" Dagdag kong tanong. "Kanina pa ako nandito. Hindi mo lang ako napansin nung pumasok ka because you're so shocked." Dahan-dahan siyang lumapit sa akin. "Who are you? Ang alam ko lang ay anak ka ng bago naming kasambahay. Pero bakit may sarili kang kwarto and why my mom is so excited to meet you?" Tumigil siya at tinitigan ako. "Hindi ko rin alam! At gulat na gulat ako dahil bakit ganito ang design ng kwarto? Paano niyo, I mean paano nalaman ng mama mo na favorite ko ang winx club?" Napalunok ako sa titig niya. Bakit ka naman ganyan makatitig!? "At sino ka ba kasi!?" "Me? I'm Aeron Riven Indencio" ———————————————————— 20.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
1.9M
bc

MAGDALENA (SPG)

read
31.6K
bc

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND

read
1.9M
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.4K
bc

His Obsession

read
105.0K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

The Ruthless Billionaire. Hanz Andrew Dux

read
78.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook