CHAPTER 4

1218 Words
"Hi Kenny Madrigal right?" Tanong nang mga lalaki kong classmate tatlo sila, namukaan ko sila kaya kumaway din ako pabalik. "Ah opo." magalang na sagot ko dito "Hindi mo na kailangan mag po. By the way ako pala si Arthur, siya Gab at siya naman si felix." Pag papakilala niya sa sarili niya pati sa mga kasama niya. "Hello po Nice meeting you." Sabi ko naman "Sa Pe pala natin kailangan daw mag group nang 6 para sa swimming challenge, sinabihan kami nang teacher natin kanina. Sali ka nalang samin kulang pa kasi kami nang dalawang ka groupo." sabi ni arthur sakin "Okay lang ba? Meron din kasi akong kaibigan si Kyle pwede din ba siyang isali?" tanong ko sa tatlo Ngumiti naman sila at sumang ayon. "Yun naman pala eh, kompleto na pala group natin, sige bukas nalang kailangan daw naka swimming trunks daw." sabi pa ni Felix "Sige, thank you." sabi ko sa kanila Hindi ko napansin na 5 palang kami sa groupo, sabi kasi nila 6 members, pero sabi din nila na complete na daw ang group, so sino ang pang huli? nag tataka kong tanong saking sarili habang nag lalakad pa uwi na. Natapos na akong mag jogging at napag desisyunang umuwi na at kumain na para sa dinner. Dumaan muna ako sa cafeteria at kumain, hindi ko nakita si kyle asan kaya ang bakla. Matapos kung kumain ay bumalik na ako sa dorm. Agad akong nag shower at nag handa na para sa pagtulog. Naalala ko na kailangan ko palang sabihan si kyle para sa activity namin bukas. Lumabas ako nang kwarto ko at pinuntahan si kyle. Pag dating ko sa harap nang kwarto niya ay kumatok ako na agad namang pinagbuksan ng bakla. "Oh bes, anong drama mo?" nag tatakang tanong nito "Swimming daw bukas ang activity natin sa Pe, tsaka nga pala may group na tayo, may lumapit sakin kanina na mga kaklasi natin. Kailangan daw swimming trunks sa boys." saad ko dito "Kaloka swimming agad? Award naman ang swimming trunks, pwede bang swimsuit nalang? 1 piece or two piece?" eksahiradang suhisyon nito "Ano ka ba naman bes, alam mo namang ganun talaga ang suot." sabi ko naman "Ah basta wititit ako go go sa trunks, dapat emsuit bukas, pasok ka kaya muna bakla, kaloka ka ha, nangangalay na paa ko sa katatayo." sabi pa nito Agad akong pumasok sa kwarto niya, malinis at organisado lahat nang mga gamit. "Okay beshy, meron na tayong emsuit bukas, meron ako ditong dalawang 1 piece na swimsuit. O kung gusto mo meron din akong 2 piece. Ano na baks?" Tanong nito sakin "Trunks nalang sakin baks,hindi kasi ako sanay na nag susuot nang mga ganyan." sagot ko dito "Wes ekis yang desisyon mo, dapat emsuit! Go na ang emsuit bukas, ako na bahala sa teacher natin." sabi nito na wagas maka ngiti at sabay humalakhak. Nag usap pa kami ni bakla hanggang sa di namin namalayan na 10 na pala nang gabi, kaya napag disisyunan kong bumalik na sa aking kwarto. Pag dating ko sa aking kwarto ay agad akong nag handa para saking pag tulog, dahil maaga pa kami bukas. Humiga na ako sa malambit na kama at dahan dahang pumikit ang aking mga mata hanggang lamunin ako nang antok. Kinabukasan ay agad akong nag handa nang mga gagamitin namin sa swimming namin, kailangan kong mag sando sapagkat ang dibdib ko ay kailangan kong matago, pero babakat talaga ang n*****s ko pag nabasa ako. Bahala na nga sabi ko sa aking isip. Dinaanan ko muna si kyle, na may dala dalang paper bag. Tinanong ko naman ang bakla kung anong dala niya. "Ano yang dala mo baks?" takang tanong ko sa kanya "Hala si bakla, napag usapan palang natin kagabe ang outfit natin diba." sabi naman nito "Seryoso ka ba talaga dun?" saad ko naman dito "Truelyyyy. Laban na to, ano pang gamit nang nga hormones ko kung hindi ko lang naman e rarampa." sabi naman nito na nag lakad na parang miss universe Ngumiti nalang ako dito at patukoy kaming nag lakad para pumunta sa meeting place namin sa swimming pool para sa pe namin. Nang dumating kami doon ay nandun na ang iba naming mga kaklasi pati narin ang mga lalaki naming ka groupmates. "Uy buti nandito na kayo, isa nalang ang aantayin natin." saad ni Felix "Sino ba yung last nating group mate?" takang tanong ni kyle "Ayan na oh, sa likod niyo nag lalakad pa punta dito." sabi naman ni Gab Agad kaming napa tingin sa likod , at kinagulat ko kung sino ang tinutukoy nilang kagroup namin, walang iba kundi si Janjan. Naka titig ako dito habang nag lalakad papunta samin, kumakabog ang dibdib dahil sa kaba at tuwa dahil kasama ko siya sa isang grupo. "Oh pare, buti dumating kana complete na tayo, si ma'am nalang ang aantayin natin." Pag bungad dito ni arthur at nag apiran ang mga lalaki naming ka grupo. Hindi nag tagal dumating na si ma'am at nag bigay nang mga instructions sa activity namin. "Today is a practical exam, a diagnostic test kung marunong kayong lumangoy o hindi. Our topic for the first quarter will be all about swimming. Nakuha niyo?" sabi ni ma'am "Yes Ma'am." sagot ng lahat "Okay now, pwede na kayong mag bihis. I told some of your classmates to announce to your section, to form groups. Meron naba kayong mga group?" "Yes ma'am." Sagot ng lahat "Very good. Now isa isang group ang kailangang lumangoy para ipakita ang skills niyo in swimming, Dont worry I will monitor you. Yung hindi marunong lumangoy mag sabi na agad, today you will be practicibg swimming by the help of your group mates. Did you get me?" "Yes, Ma'am." Sabi namin Pinag bihis na kami ni ma'am , pero si kyle naman ay lumapit kay ma'am ay may sinabi dito na hindi ko marinig dahil sa layo nila, ngumiti naman si mam at si bakla naman ay abot langit ang ngiti ng lumapit sakin. "Pak perfect na ang emsuit natin baks. Okay na kay ma'am. Tara na at mag bihis, nag hihintay na ang karagatan para sa mga serinang prensisa." Sabi nito at humalakhak na parang baliw. Hinila ako nito sa Cr at agad naman kming nag bihis, kitang kita ang kurba ng aking katawan sa 1 piece na pinasuot sakin ng bakla, maging si kyle din ay kita ang kurba ng katawan, nag mistula kaming mga babae sa suot namin. Ngiting ngiti si bakla, sa salamin dahil sa suot niya. "Pak diba baks perfect fit satin. Buti nalang talaga at anjan ang Hrt nakaka babae." masayang sabi nito "Nakaka hiya naman baks." Sabi ko dito. "Wititit laban lang, ang ganda ng katawan mo tapos i kakahiya mo?  Wess very wrong yan." Sabi pa nito Hindi nag tagal ay lumabas nadin kami sa cr at bumalik sa pool area, andun na ang mga kaklasi namin at nag sisimula na ang ibang mag perform ng activity. Natigil ang lahat ng dumatin kami ni kyle. Lahat nang mga mata nila ay matamang naka masid samin ni kyle. Lalong lalo na ang mga lalaki na nakatitig samin. Lumapit na kami sa mg ka grupo namin na hindi parin umiimik at mataman lang na nakatingin sakin. "Ahm hello?" awkward na pag bati ko dito at ngumiti
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD