"Okay class, you are going to have a project at by partner ito kaya I will call your names together with your partner." sabi ni ma'am
Nakikinig lang ako dito at nag babaka sakali na si Janjan ang kapartner ko, palagi akong nag nanakaw ng sulyap kay janjan, ang gwapo na talaga niya. Pero malaki na pinag bago niya, hindi na niya ako pinapansin di tulad ng dati na halos araw araw kaming mag kasama.
"Madrigal and Montallana. " sabi ni ma'am halos mapasigaw ako sa tuwa ng maging ka partner ko si janjan. Pero hindi ko ginawa dahil na kakahiya at baka ano pa ang sabihin nila sakin.
"This will be a research about s*x Education, the advantage and disadvantage of including this in the curriculum." Sabi pa ni ma'am bago kami pinatabi sa bawat partner at lumabas.
"Ah janjan, saan pala natin gagawin yung research natin? " tanong ko dito ngunit hindi ako maka titig dahil baka matunaw ako ng kanyang mga mata at mahahalatang namumula ako
"Sa kwarto ko nalang. Next week nalang simulan. Tutal 2 weeks naman binigay satin ni ma'am." sabi nito
"Ah sige." sabi ko dito na naka yuko
Nagulat ako ng bigla niyang tinaas ang mukha ko paharap sa kanya, kaya ngayon ay kitang kita ko ang napaka gwapo niyang mukha kaya pinamulahan ako.
"Bakit hindi ka makatitig sakin ha?" naka ngisi nitong saad
"Ah ehhh wa- wa - la naman." nauutal kung sagot
"Sigurado ka ba?" naka ngisi parin nitong saad
Napatango nalang ako ng bigla niyang ilapit ang mukha niya sakin tenga, ramdam ko ang hangin na binubuga niya.
"Baka naman may gusto ka sakin Kenken." sabi nito sa nang aakit na boses.
Kaya mas lalo akong pinamulahan. Hindi na ako naka sagot at napayuko nalang dahil sa hiyang nararamdaman ko.
"I knew it.
Punta ka mamaya sa kwarto." sabi niya
"Bakit?" Takang tanong ko
"Linisin mo kwarto ko. Para naman sumaya ako. Diba kenken?" naka ngiti nitong saad
Hindi ko alam basta pumayag akong mag linis ng kwarto niya, gustong gusto ko talaga na mag kasama kami ni janjan.
Matapos ang klasi namin ay deretso kaming pumunta sa kwarto niya.
"Dalhin mo bag ko." sabi nito sakin na hindi man lang ako tinatapunan ng tingin
Inabot ko at ako ang nag dala ng bag niya. Hindi man lang ako nag reklamo basta ang alam ko lang gusto ko siyang maging masaya para mapansin niya ko.
Nag dumating kami sa kwarto niya, ay makalat ito at maraming damit na naka kalat sa shig pati mga underwear. Agad naman akong nag linis para matapos agad trabaho ko.
"Magsimula kana, maliligo lang ako." sabi ni Janjan
Agad kong inayos ang mga nag kalat na gamit pati ang mga damit na kailangan ng labhan pati mga underwear. Ang awkward lang habang nag lilinis ako parang ayaw kong hawakan pero no choice kaya pinulot ko nalang.
Malapit na akong matapos ng lumabas na si Janjan sa banyo na naka tapis lang.
Nag madali naman akong tumalikod dahil naiilang akong makita siyang walang damit, pero bakit parang gusto ko siyang akapin na walang damit. Hindi ko na alam ang naiisip ko.
Natapos na ako sa pag lilinis ng bumalik si Janjan na naka bihis na, at biglang may kumatok sa pinto.
Agad namang u***g binuksan ni Janjan, at nabigla ako ng makita kong isang babae at agad na hinalikan siya sa labi. Nasaktan ako sa nakita ko kaya napa yuko nalang ako.
"Sige na, pwede kanang umalis." sabi ni Janjan sakin
Agad naman akong lumabas ng kwarto niya at iniwan silang dalawa
Nasaktan ako sa ginawa niya ni isang salamat man lang ay hindi niya nagawang sabihin, isabay mo pa ang nakita ko at ang kasama niyang babae, nasasaktan ako at nag seselos kahit wala naman akong karapatan.
Agad akong nag tungo sa kwarto ko, hindi ko nalang pinansin ang nakita ko at hinayaan nalang si janjan. Ewan ko ba bat sa dinami dami ng lalaki ay sa kanya pa ako nahulog.
Tutal maaga pa naman kaya napag desisyunan kong mag jogging. Gusto ko palaging nag eexercise para kahit papano ay healthy ako. Ayoko kasing nag kakasakit ako, sabi sakin ni tatay na wag pabayaan ang sarili ko dahil nga sa dati na akong sakitin. Kaya ito ako ngayon at inaalagaan ang pangangatawan ko.
Pag dating ko sa kwarto ay agad akong nag palit ng damit. Ginamit ko naman ang jersey shorts ko na maikli na dati kong ginagamit sa volleyball, at isang puting jersey shirt, inayos ko narin ang buhok ko na humahaba na at lampas tenga ko na.
Para na akong babae, habang tinitingnan ko ang sarili ko sa salamin. Hindi ko naman talaga binibigyan ng pansin ang itsura ko , hinahayaan ko lang.
Matapos akong mag bihis ay lumabas na ako ng dorm at mag simula ng mag jog sa field, meron paring mga students na nag lalaro ng ibang ibang games, merong nag prapractice ng cheerdance , meron ring mga athlete na nag jojog din.
Habang nag jojog ako, ay may sumabay sakin na mga basketball player, nagulat pa nga ako kung bakit sumabay sila sakin, hindi na ako nag reklamo at sumabay lang naman sila. Total wala din naman silamg ginawang masama o kung ano. Hindi ko nalang sila pinansin at ipagpatuloy nalang ang paeexercise nang sa ganun maging healthy padin ako palagi.
"Hi." sabi ng isang lalaki
"Hello po." sagot ko dito
"New student ka ba?" tanong nito sakin habang nag jojog
"Ah opo, transferee po ako."
"Ah kaya naman pala, parang ngayon ka palang namin nakikita." sabi pa nito
"Miss ang ganda mo po. " sabi naman ng isa pa nilang kasama
"Ah kuya hindi po ako miss." nahihiya kong tugon dito
Nakita ko ang mga reaksiyon nila at hindi makapag salita hanggang sa meron pang sumingit.
"Seryoso ka?" hindi maka paniwalang tanong ng isa
"Opo."
Anong year kana ba? tanong pa nito
"3rd year na po." sagot ko naman
"Ah ganun ba, pero mukha ka talagang babae pati boses mo pam babae." dagdag pa nito
"ahm salamat po." tugon ko nalang
Nag patuloy na kami sa pag jojog, hanggang sa mag paalam na ako sa kanila dahil nakaramdam na ako ng pagod. Dahan dahan akong nag lalakad at nag pupunas ng pawis ko ng may lumapit sakin na groupo ng mga lalaki. Na ipinag taka ko. Sa malayuan kung titingnan sila ay hindi mo makikilala. Bakit kaya papunta dila sakin? Bakit kaya sa dereksiyon ko?
Sa una hindi ko sila nakilala, pero ng makita ko kung sino sino sila sa malapitan ay nakilala ko din sila. Kumakaway ang mga ito sakin at kumaway naman ako pabalik, hanggang sa lumapit na sila sakin.