BUGSO NG DAMDAMIN

2563 Words

MARAHANG lumapit si Zea sa kinauupuan ni Eira. Nasa hardin na ang diwata hindi pa man sumisikat ang araw. Manipis ang suot nitong damit na tila hindi alintana ang ginaw ng umaga. Ibinalot ni Zea ang makapal na kumot sa kaniyang katawan at umupo sa tabi ni Eira. Bahagya pang nagulat ang diwata nang makita siya. “Ang aga mong nagising,” puna nito. “Yeah,” sagot ni Zea. “Hindi na po ako makatulog uli and I saw you here kaya bumaba na po ako. Are you not cold? I can share you my blanket,” alok ni Zea ngunit tinanggihan ni Eira. Sandaling pumagitan sa kanila ang katahimikan. “Ano ang iniisip mo, Eira?” Bumuntong-hininga si Eira at sinulyapan siya. “Marami. Iniisip ko kung papaano napunta kay Argon ang pirea. Alam mo, hindi madaling ipasa ang pirea, Zea.” “Ang ibig mo bang sabihin… si A

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD