HABANG si Eira ay malalim na nag-iisip habang nakaupo sa ginawa niyang upuang kahoy. Nasa harap niyang ang mga maiingay niyang alagang hayop ngunit ni kaunti ay hindi iyon nakaabala sa iniisip ni Eira. Nalaman niya mula sa ibon niyang Tigwati na malaking suliranin ang kinakaharap ngayon ng Silvana. Napasakamay na ni Argon ang pirea. Hindi niya iyon inaasahan. Ang totoo ay labis ang kaniyang pagsisisi kung bakit iniwan niya sina Jus at Zea at iasa lamang ang lahat kina Aura at Maia. Maasahan naman ang dalawang iyon ngunit kung patuloy lamang sana niyang binantayan sina Jus ay hindi mangyayari iyon. Nagpadala siya sa bugso ng kaniyang damdamin at hindi naging maingat. Mariing napapikit si Eira at sunod-sunod ang ginawang paghinga upang pakalmahin ng sarili. Siya ang may kasalanan ng laha

