NANG SUMUNOD na araw ay nagtungo uli si Eira sa tahanan ni Jus hindi para makipagkita sa binata kung hindi ang bantayan pa rin ang mga ito. Nais niyang masigurong ligtas ang mga ito kahit na nadudurog ang puso niya sa tuwing nakikita ang binata na galit sa kaniya. Huminga nang malalim si Eira na tinungo ang kwadra kung saan naroon sina Jus at Ameera kasama si Zea. Pinapanood ng mga ito mula sa labas ng bakod ang mga nanginginaing kabayo. Tahimik lamang siyang nagmamasid sa kanilang tatlo. Nalingunan siya ni Jus ngunit tiningnan lamang siya nito sandali at ibinalik ang pansin sa nagsasalitang si Ameera. Labis na kirot sa kaniyang dibdib ang hatid ng kilos na iyon ng binata. Dati ay agad itong lumalapit sa kaniya kapag nakikita siya. Ngayon ay tila balewala na siya rito. Naninibugho siya

