"Ano sa tingin mo ang relasyon ng kuya mo sa kuya ni Mip?" ang tanong sa akin ni Gavin. Nag-aantay kami sa kotse na nakamasid sa labas. Si kuya ay naglalakad patungo sa harapan ng bahay nina Mip kung saan nakatayo si kuya Miyo. "Magkaibigan," sagot ko kay Gavin. Pagkagaling namin sa cafeteria dito na kami tumuloy. Nagulat pa nga ako na ang nagpabili kay kuya ng cake ay ang kuya ng aking kaibigan. "Parang hindi naman," sabi ni Gavin. Pinagmasdan ko ng maigi ang dalawa sa harapan ng bahay. Marahas na binigay ni kuya ang cake na nakasilid sa papel na supot sa dibdib ni kuya Miyo. Tumatawang tinanggap naman ng huli ang dala ni kuya. Pagkuwa'y umalis narin si kuya habang naiwan si kuya Miyo na malapad ang ngiti. Umayos kami ng upo ni Gavin pagkabalik at pagkasakay ni kuya ng sasakyan. Ibang

