"Sure ka talaga rito?" Naniniguradong tanong ko habang pinagmamasdan ang repleksyon ng sarili ko sa salamin. "Y-Yeah... ayaw mo ba?" Mahina niyang tanong at tumayo mula sa kama saka lumapit sa'kin para yakapin ako mula sa likod. "Hindi naman sa gano'n. Lagi ka kasing busy kaya naisip ko na baka may kailangan kang gawin at makakaabala lang ako..." Pagsasabi ko ng totoo at saka siya sinulyapan sa salamin. Nasa malayo ang titig nito at ang init din ng palad niya na nasa baywang ko. Croptop na t-shirt ang suot ko kaya nahahawakan niya iyon. "Sorry... babawi talaga ako ngayon." Nagkaro'n ng maliit na ngiti ang labi niya. Dahil do'n, bumalik lang ang pagkamarupok ko at hindi na namang mapigilang ngumiti. Iba talaga kapag in love, e, 'no? Ilang beses ko nang sinabi sa sarili ko na mag

