He was obviously ignoring all my questions these past few days. Akala niya siguro, normal at natural pa ang pag-acting niya pero halatang-halata ko na iyon. Para siyang sumusubok na magtago sa'kin ng isang pating sa loob ng bahay na 'to. Kada mag-uusap kami at babalakin ko na magtanong... once na nasense niyang papunta ako sa isang question... iibahin niya agad ang topic namin o kaya ay sasabihin na inaantok siya at matulog na kami. May araw man o wala, gano'n ang palusot niya. Sino ba namang tanga ang hindi makakahalata no'n? Hindi rin tanga si Quentil. For sure, alam niya nang alam ko na may something sa kanya. That's the reason why he was trying hard. Very hard, huh? For what reason... I wonder. "Quentil... gumising ka na. Hindi ka ba papasok ngayon?" Tinapik-tapik ko ang pisngi

