Hindi ako nakapasok sa trabaho dahil sa kakasunod kina Dorothy at Quentil. Actually, ala singko na ngayon at magkasama pa rin sila. Wala akong clue kahit ni isa sa kung anong nangyayari at bakit sila magkasama pero... may tiwala ako kay Quentil. Hindi ko hahayaang mabali ulit 'yon ng ganito kadali tulad ng dati. Ngayon, iba na ako. Kahit na nasa harap ko na 'yong proof... kahit na may ilan na akong naririnig na mula mismo sa bibig nilang dalawa... I would endure all of this for him. Hindi na ako mang-aakusa basta-basta dahil iba na ako. 'Yong trust issues... tinapon ko na 'yon. Bumabalik siya, oo. Pero sinusukan kong tuluyan nang alisin sa buhay ko. But you know, this sucks... Nitong mga nakaraang araw, kulang na kulang siya sa sweetness sa'kin tapos makikita kong sobrang sweet niya

