"Riane, come on. Doon na tayo sa kwarto ko... please..." Kahit na anong pakiusap niya ang marinig ko, hindi ko hinahayaan ang sarili ko na lumingon at magpadala sa pagpapaawa niya. Pinikit ko na lang ang mata ko at pinilit ang sarili ko na makatulog kahit na wala akong nararamdamang antok ngayon ni katiting. Nakakainis lang kasi na ganito siya. J mean, so far, naiintindihan ko naman. Hindi porket mag-asawa kami ay sa'kin mapupunta ang lahat ng time niya. May mga ibang bagay pa rin siyang kailangang gawin. Para sa sarili niya, pamilya, sa kaibigan, o sa trabaho. Naiintindihan ko 'yong lahat. As much as possible, hindi ako nagrereklamo kahit na wala na siyang natitirang oras para sa'kin dahil sa pagod. Imbis na mag-uusap kami para sa future namin, ipapahinga niya na lang 'yon. And tha

