"Quentil, sabay ba tayong umuwi ngayon?" Tanong ko nang makalapit sa cubicle niya. Hininaan ko lang ang boses ko para walang ibang makarinig kundi siya. Busy ito sa ginagawa niya kaya ilang segundo rin ang lumipas bago siya tuluyang tumingin sa'kin. Tipid itong ngumiti at pinilig ang ulo. "Ano ulit 'yon?" Wala sa sarili niyang sabi at diretso ang titig sa mata ko. "Uhm, sabay ba tayong umuwi ngayon?" I asked again, a little louder this time para sure na maririnig niya. "Uh, about d'yan..." Umiwas siya ng tingin at kumamot sa ulo. I secretly sighed. No good, huh? Tumango ako at pinanatili ang ngiti sa labi ko para hindi siya mag-alala o magdalawang-isip. "Okay lang 'yon." Tumingin siya sa'kin at kumunot ang noo. "S-Sigurado ka?" Tila nahihiya niyang sabi. I nodded again. "Sure

