Ilang minuto kaming natahimik. Walang nagtatangka na magsalita. Tanging paghinga lang namin at mga background noise lang ang ingay na pumapasok sa tainga ko. Gusto kong linawin sa kanya ang lahat... gusto kong itanong kung bakit parang ako 'yong sinisisi niya rito... pero ayaw bumuka ng bibig ko para magsalita. Ako ba talaga 'yong mali rito? Two years... two years bago ko nalagpasan ang pangyayari na 'yon tapos pagdating ko rito, sasabihin niya 'to? Na mahal na mahal ako ni Quentil pero iniwan ko siya? Bakit... parang ako 'yong pinapalabas na mali? Hindi, 'di ba? Wala silang sinabi sa'kin na kahit ano. Ilang beses akong naghintay ng explanation... naging understanding ako... pero may limit din ako. Hindi naman habambuhay maiintindihan ko 'yon ng walang paliwanag. Kung alam ko n

