"After nitong project, baka sa parehong bahay na rin tayo tumira," mahinang sabi nito at umupo sa upuan sa harap ko. I glanced at him for a second, "Really?" Inilayo ko rin agad ang tingin ko at bumaling sa ginagawa ko. "Yeah. Just a hunch, though." Kibit-balikat niyang sabi at ngumiti ng tipid. "Then, I wish that you're wrong," diretso kong wika at ngumiwi, "Anyway, bakit nandito ka na naman? Akala ko ba ang usapan natin ay bukas pa?" "I couldn't help it. Namiss kitang kulitin," My eyes got smaller. What is he really plotting? Nalilito na ako sa kanya. For real. Magkapareho ang sinasabi niya sa kinikilos niya pero hindi iyon tugma sa nakaraan. Ang bilis magbago. Wala namang specific na nangyari sa'min kundi 'yong kasal– which is wala ring natulong na maganda. "At saka tapos n

