Isang linggo ang lumipas mula no'ng nakipagkita ako kina Khrollo at Ril para makipag-usap about sa kasal namin ni Quentil. Ibig sabihin din no'n ay isang linggo na ang nakalipas mula nang bisitahin ako ni Quentil bilang wife niya. Pati na ang sinabi niya no'n... he was serious about this marriage. Sobrang nakakagulat. Hindi ako nakatulog nang maayos dahil do'n. I just couldn't understand why he said that. May ulterior motive ba siya? Gusto niya bang makita ang reaction ko na umaasa ulit sa kanya? It was really bothering me as hell. Mabuti na lang at naging busy sa big project kaya kahit papaano ay nawala sa isip ko. Though, paminsan-minsan, kapag humihinto akong magtrabaho at biglaan na lang na susulpot sa utak ko. Isama mo na ang mga sweet gestures niya sa'kin. Lalo na rito s

