"Hindi ka pa tapos?" Nakahalukipkip niyang tanong habang nakasandal sa gilid ng pinto. Inabot ko ang ballpen sa mesa at saka binato sa gawi niya, "Hindi pa ako tapos! Nakikita mo naman, 'di ba? Alis d'yan. Nagbibihis pa ako, e." Hinawakan ko nang mahigpit ang towalyang nakabalabal sa katawan ko at saka siya tinaliman ng tingin. Tinaas niya ang kamay at ngumuso, "What's wrong with that? Asawa naman kita." "Oh, just shut up, Quentil." "Gusto mo tulungan kita magbihis para mas mapadali?" I let out a deep sigh, "Quentil." I seriously said. Mukha namang nakuha siya ng tingin at seryosong salita ko kaya tumango ito. "Fine, fine. Aalis na," Nakahinga ako nang maluwag nang isara nito ang pinto. Tinanggal ko ang balabal na nasa katawan ko at sinuot ang underwear ko. Tinitigan ko ang

