So far, I'd been enjoying this vacation. Sobrang ganda ng bawat view at ang sasarap pa mg pagkain! Isama mo na 'yong cheesecake nila na available kada araw kaya super sulit ang stay namin dito kahit na wala naman akong ginastos– hindi rin sinabi sa'kin ni Quentil kung sa paanong paraan niya napanalunan 'yong dalawang ticket na 'yon na para dito sa resort. Panghuling araw na namin ngayon dito at mamayang gabi ang uwi namin. Kasalukuyan pang natutulog si Quentil kaya nakakapag-f*******: pa ako nang malaya at walang asungot. Lagi kasi siyang nakasilip sa'kin kapag may ginagawa ako sa cellphone ko at biglaang ngingiti. Paranoid siya na baka raw may lalaki ako o ibang magustuhan sa f*******:. Grabe lang, 'di ba? Hindi na kami high school! Asawa ko na nga siya, e. 'Tsaka hindi ba pwedeng

