"Thank you! Ingat kayo sa daan, okay!" Paalala sa kanila ni Quentil. "Sure ba kayong uuwi na kayo? Mayro'n pa namang bakanteng room dito. Baka kasi kung mapaa–" "Don't worry, don't worry! Okay lang kami. 'Tsaka hindi naman kami lasing para alalahanin mo, okay?" Pigil sa'kin ni Daphne at kumindat. Napatango lang ako at sinundan na lang sila ng tingin hanggang sa makaalis. Naiwan kami rito ni Quentil na nakatayo sa labas. Nilingon ko siya at nagtagpo ang mata namin. Kanina pa ba siya nakatingin sa gawi ko? My mouth parted and I looked away. Hindi ko matagalan ang mga titig niya. Masyado 'yong... too much para sa'kin. "Hoy," rinig kong tawag nito sa'kin. "Uh, yes?" I awkwardly responded as I looked at him again. Though, iniwas ko rin ulit agad. Just what's wrong with me and I cou

