He chuckled a bit as his lips curved upwardly. "Marry me, baby." I was still staring at him. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya o isasagot. Wala akong kaide-ideya na mangyayari 'to ngayong araw. I mean, iba ang inaasahan ko rito. I thought... mawawala na naman kami. But this... nahanap niya na ba talaga ako? Bumagsak ang tingin ko sa wrist ko kung saan nando'n ang bracelet na binigay niya sa'kin. Six years na itong nandito. Kahit na anong mangyari, hindi ko pa siya nasubukang tanggalin mula nang sinuot ko 'to. Ito kasi 'yong simula namin... Actually, 'yong hair clip na binigay ko sa kanya, lagi niya ring dala kahit na saan kami o siya magpunta. Nakaipit iyon sa gilid ng buhok niya. Mabuti na lang nga at kulay black iyon kaya hindi naman siya girly tingnan. Para siyan

