"Riane, cr muna ako." Rinig kong sabi ni kuya at ang pagtunog ng upuan niya. Hindi ko na nakuhang tumango o iangat ang tingin ko dahil sa sunod-sunod na pagtulo ng luha ko. Inabot ko ang panyo ko sa mesa at pasimpleng pinunasan ang ilalim at gilid ng mata ko. Pinindot ko muna ang pause ng video at saka huminga nang malalim. Nang ilibot ko ang paningin ko sa paligid, hindi ko na namataan si kuya. Mukhang pumunta na siya sa cr at hindi na nahintay ang sagot ko. Kinuha ko ang tasa ng cappuccino na pina-order ko kay kuya at sumimsim. The coffee of this café was really something... pati na ang cheesecake nila. Maaga ko nga lang 'yon na naubos kaysa rito. Binaling ko ulit ang tingin sa cellphone at tinuloy ang panonood. Anime series 'to na ni-recommend sa'kin ni kuya. Maganda raw

