"...dismissed." Napabuntong-hininga na lang ako nang sabihin ni ma'am ang huling salita niya para ngayon.
Finally, magkakaro'n na rin ako ng chance na makapaghanap ng bagong members ng club namin ni Dara.
Hindi muna ako kakain ng lunch ngayon para ro'n. Wala akong nagawa kaninang umaga kahit na maaga akong pumasok. Una, dumalaw ako sa libingan ni Dara. Pangalawa, nawala ko ang folder. Simula ng kamalasan.
Muntikan pa akong malate sa unang subject namin dahil sa lalaki na tumabig sa'kin. Hinabol ko siya pero bago pa ako makalapit, bigla nang nagbell.
"And Miss Laxina..." Napalunok ako nang magsalita pa si ma'am.
Hindi pa pala 'yon ang huli niyang salita? I'd been tricked.
Pero mukhang wala na 'tong kinalaman sa ibang kaklase ko dahil naglalabasan na sila. Ako at iyong ibang cleaners na lang ang nandito.
May nagawa ba akong mali kanina? I didn't cause a single problem as far as I remembered.
"Y-Yes, ma'am?" Though, I still needed to be tough for now.
"Student council. As soon as possible," maikli nitong sabi at dire-diretsong ng lumabas.
Hindi man lang ako nagkaro'n ng pagkakataon na magtanong kahit isa.
Pero nalinaw na ang isang bagay. Wala akong nagawang mali. Pinapatawag ako sa student council para sa club na naman.
This would be a pain in the ass.
Ni hindi ko alam kung saan magsisimulang maghanap ng member. I just wanted to disappear for now– on a second thought, I didn't want to be tough.
Inayos ko na ang gamit ko at nilagay sa bag. Mabuti na lang talaga at hindi ako naka-assign na cleaners para ngayon kaya may ilang minuto pa ako bago magbukas ang gate.
This was bothering me, though. I didn't have any friends to begin with... hindi rin ako close sa mga classmates ko kaya... paano ako makakasurvive?
"Tsk. Tayo." Napaawang na lang ang labi ko nang may yumugyog sa upuan ko. "What are you staring for? Nagmamadali ako. Tayo na,"
Nanliit ang mata ko at umismid.
This lowlife birdbrain guy is getting on my nerves... little by little...
Imbis na sumagot ay tumayo na ako at nilagpasan siya.
Pang-apat na nangyari sa'kin ngayong araw, hindi ko inaasahan na kaklase ko 'yong isip ibon na lalaking tumulak sa'kin.
Well, I could easily do my revenge in here so it was fine.
Sa ngayon, papalagpasin ko muna siya dahil wala akong time para makipagdebate. I was certain that it would take some time bago ko siya mapabagsak. I needed to gather thoughts before that.
Ang unang hamon na kailangan kong harapin bago siya... ay ang student council.
"Good afternoon, President." I smiled a little.
Nanatili lang ang seryosong tingin niya sa'kin at bahagyang bumuntong-hininga bago ako ngitian.
Honestly... Is he disappointed to see me or what?
"Yeah." Tinuro nito ang katapat niyang upuan kaya umupo ako ro'n. "How's your club?"
Tumaas ang kilay ko pero naibaba ko rin naman agad.
He nailed it right away... that was fast.
"I'm still searching for new members," walang pupuntahan kung magpapaligoy-ligoy pa ako.
Kailangan ko na rin siyang diretsuhin kahit na hindi naman gano'n kaganda ang sasabihin ko.
I'd be blunt to the fullest.
"How long will it take?" It sounded like just give up and study harder or was it just my imagination?
"I... don't know," I honestly answered.
"I see." Another sigh escaped his lips.
Pangatlong beses na akong napatawag dito sa student council dahil sa magkakaparehong dahilan. 'Yong club namin.
Last year, apat pa kaming member. Gumraduate 'yong dalawa at nagtransfer naman ng ibang school 'yong isa kaya ako na lang ang natira.
Akala ko magiging madali lang ang paghahanap ng members pero... nagkamali ako. I miscalculated. For the first time.
"I'll give you another two days to search for a member. One person will do... just for the mean time, though. If wala ka pa ring mahanap pagkatapos ng dalawang araw na 'yon... I'm sorry but I'll–"
I cut him off. I didn't want to hear it. "Okay. I understand." Tumayo na ako at ngumiti. "Excuse me." Aniko bago tumalikod at lumabas.
I was glad that the president gave a consideration for the club. Though, I guess it was just because he saw me not as a student but a daughter of Laxina. Business, huh?
Well, anyway, nadagdagan ulit ang lifespan ng club namin kaya kailangan ko na talagang maging totoong masipag.
I still have two days left. Those were my last chance and hope. Tiyak na hindi ako makakatulog nito kada gabi kung mawala ang club sa'kin.
"Right, Dara?"
She entrusted me the club so I needed to work hard. 10 minutes left bago magbukas ang gate at maglabasan ang mga estudyante.
Sa loob ng sampung minuto, kailangang makahanap ako ng isang tao na sasali sa club namin.
Pero teka... may nakakalimutan ako.
Napahinto rin ako sa paglalakad at napakagat na lang nang madiin sa labi ko.
The hell with it.
Nawawala pa nga pala 'yong folder! Nando'n ang application para sa membership ng club at mga ginawa kong fliers at pang-persuade ng members.
Paano ako ngayon magsisimula?
I was doomed. I was helpless. So, this was really the end. Mamimiss kong matulog kada gabi. Kahit papaano, nag-enjoy naman ako sa 18 years kong buhay... being tough wasn't the answer.
Babalik na lang siguro ako sa student council para sabihin na ipasara ng tuluyan ang club namin.
Tama... iyon nga ang dapat kong gawin ngayon.
Pumihit ako paharap sa daan patungong student council pero nawala 'yong daan. Napahawak din ako sa noo ko dahil sa sakit ng pagkakabangga ko.
This seemed cliché... parang nangyari na sa'kin sa kung saan...
Umatras ako ng ilang hakbang at hinimas ang ulo ko.
Right... kanina lang ding umaga ay nabunggo ako sa utak ibon na 'yon.
"E-Eight attempt..." What now?
Medyo sumasakit na ang ulo ko sa mga kamalasang nangyayari sa'kin ngayon. Nai-stress na ako sa club tapos sumasabay pa 'to.
President's sign was right. I needed to give up as soon as I could.
"Wait." Kumunot ang noo ko hanggang sa unti-unti akong maliwanawan.
Siya ulit!
Siya na naman?!
"You! Birdbrain!" Nanliit ang mata ko at pinakawalan ang malalim na buntong-hiningang kanina ko pa pinipigilan.
"Tsk! Ikaw ulit?!" Anong ako ulit?!
"You're always in my way! Begone, insect!" Madiin kong sigaw at sinamaan siya ng tingin.
Nilagpasan ko na siya pero hinawakan niya ang braso ko at pilit akong binalik sa kinatatayuan ko.
"What?! Got a problem with me, birdbrain?" I grinned.
After ng lahat ng nangyari sa'kin ngayong araw, lumuwag din ang pakiramdam ko dahil nakabawi ako sa kanya. Siya ang nagsimula kaya sa kanya rin dapat magtatapos.
"Who are you calling birdbrain and insect, hag?!" Tumaas ang kilay nito at sumama rin ang tingin sa'kin.
Halos kumulo ang dugo ko sa huling salitang pinakawalan niya.
Hag? Hag?! Did he just call me hag?!
How dare he! Mukha ba akong masamang matandang babae?! Hindi ba siya tinuturuan ng magulang niya na magsalita nang maayos? Such a low class person!
"Huh?! Wanna see me in court, dumbass?" Though, I wasn't one to talk... but still, he had such bad mouth.
Wala pa sa'king nagsasabi ng gano'ng bagay... walang kumakausap sa'kin ng gano'n.
It overwhelmed me.
"Oh..." Ngumisi rin ito at binitawan ako. "No, thanks. You're not my type, anyway."
What... the... hell...
Did he just reject me or what? For real?
Tiningnan ko ang braso ko na hinawakan niya. Medyo namumula pero hindi naman masakit. Kaya niya ba binitawan? No... coincidence lang.
He wasn't nice to begin with. Tinulak niya ako kanina. Hindi ko nga alam kung aware ba siya sa ginawa niya sa'kin.
"U-Uh..."
Sinundan ko siya ng tingin.
I wanted to apologize.
Hindi ko alam pero pakiramdam ko may mali rin ako sa nangyari sa'min. It was rude to call others as birdbrain and insect. I felt sorry for him.
"What?" May pagkainis pa rin ang boses niya. Hindi pa ba siya nakakamove on sa nangyari?
Isa pa, ano ba 'yong attempt-attempt na sinasabi niya? Narinig ko rin 'yon kaninang umaga pero hindi ko pinansin dahil akala ko ay kung ano lang. Pero sinabi niya ulit ngayon.
"Uh, so–" I trailed off.
Kumunot ang noo ko sa bagay na pinupulot niya ngayon. Nakayuko ito kaya hindi ko makita ang nakasulat pero pamilyar... na folder ang hawak niya.
"You..." Tumingin ito sa'kin at kinunot ang noo niya.
"What now?"
Iyon 'yong folder para sa club namin!
Hindi ako pwedeng magkamali. Kabisado ko ang bawat sulok at cover no'n.
Ibig sabihin... siya ang kumuha? Ang salarin?!
"Hey, insect."
On second thought, I didn't feel sorry for him.
Lahat ng panlulumo na pinagdaanan ko ngayong araw... siya lang ang dahilan. Siya 'yong nagnakaw ng folder na susi para sa mga bagong members ng club!
"Did you just call me insect?" Tumaas ang kilay nito.
Hindi ko pinansin ang sinabi niya at tinuro ang folder sa kamay niya. "Give me that folder. Take off your filthy hands on that." I seriously said.
"Huh?!" Tiningnan niya ang folder at saka tumingin ulit sa'kin. "What if I won't?"
"Wanna fight, birdbrain?" Maangas na tanong ko.
It had been years mula nang nanghamon ako ng lalaki sa isang laban.
He grinned. "Bring it on, hag."
Pumwesto ako at akmang sisipain pa lang siya nang may pumagitna sa'min at kinuha ang folder sa kamay niya.
"Wait, what?"
"Ha... huh?"
Pareho kaming lito na napatigil sa gagawin namin.
Isang kasingtangkad na babae ko ang pumagitna sa'min.
Teacher siya rito base sa suot niyang uniform pero hindi pa siya gano'n katanda. Tingin ko ay nasa mid-20 lang ang edad niya.
"Calm down, calm down." Mahinahon nitong sabi sa'ming dalawa at parehong tinapik ang ulo namin.
What... was that?
"Tsk! Ngayon pa talaga!" Sumama ang tingin nito sa'kin. "May araw ka rin sa'kin." Napangiwi na lang ako at umiling sa ere.
Is he really a guy? Siya lang ang nakita kong lalaki na sineryoso ang isang laban sa babae. What a kind of guy! A delinquent one, I guess?
But well, it was fine na aalis na siya at babalik na sa'kin ang folder. Iyon nga lang at nasayang ang ten minutes ko sa kanya. Hindi ako nagkaro'n ng pagkakataon na makapaghanap ng ibang members pero darating din naman ako ro'n.
"Wait, wait." Hinawakan no'ng teacher sa harap ko ang braso niya bago pa siya makaalis.
Maybe, he wasn't really leaving.
"Uh, ma'am, pwede ko na po bang makuha 'yong folder?" Mukhang dadalhin pa kami sa guidance pero wala akong balak na sumama.
Gusto ko nang makauwi at makapag-isip ng bagong technique sa paghahanap ng bagong members.
Una, kailangan kong baguhin ang ugali ko para madaling makapaghanap ng kaibigan.
"No," she seriously replied.
W-What did she just say?
"M-Ma'am?"
"No," ulit nito at mas madiin ngayon kaysa nauna.
"What... why?!"
"Buti nga." Kumulo agad ang dugo ko nang marinig kong bumulong ang utak ibon, "What?" Inosente nitong tanong nang mahalata na nakatingin ako sa kanya.
"Nothing." A sigh escaped my lips as I calmed myself down. "Paano ko po makukuha ulit ang folder, ma'am?" I politely asked.
I needed to lower my pride. For now, at least.
"Hindi mo naman kailangang kuhanin," Nakangiting sabi nito.
"P-Po? Bakit po?"
"I am the new adviser of Art Review Magazine Club whether you like it or not, got it?" New adviser? Siya?
Nagningning agad ang mata ko at halos mapayakap kay ma'am.
May bago ng adviser? Si President ba ang nag-assign sa kanya? No... hindi pwede 'yon. Against na nga siya sa club na 'to dahil walang estudyante na gustong maging member.
For sure, nag-volunter ang teacher na 'to para siya ang maging adviser ng club namin.
But why?
Anyway, mapapadali na ang paghahanap ng members ngayon dahil kasama ko na si ma'am. Makakatulog na ulit ako sa gabi. Buti naman.
"But for now..." Tumingin ito sa'ming dalawa kaya napalunok ako. Umasim din ang mukha ng utak ibon kaya palihim akong napangisi.
Ha! The table turned against him! Such a loser.
"Sa detention room muna kayo. Mag-i-stay pa kayo ng another one hour dito sa school para pag-isipan 'yong mga salitang sinabi niyo sa isa't-isa. Malinaw ba?"
Detention room? Kasama 'tong utak ibon?
"Asar. Ngayon pa talaga," rinig kong himutok niya.
What's with his annoying face? Akala niya yata ay siya lang ang may ayaw nito!
"For tomorrow, agahan niyo ang pasok at dumiretso kayo sa club room natin, okay? Now, follow me." Tumalikod na ito sa'min.
Anong ibig niyang sabihin sa kayo?
"What? Kasama ako?" Inis na tanong ng lalaki sa tabi ko.
Humarap ulit sa'min si ma'am at tinuro kaming dalawa.
"Yes. Kayo ang unang dalawang member ng club natin for this school year,"
Wait... what... why?!