Chapter 3

2206 Words
"What?" Masungit nitong tanong at sinamaan ako ng tingin. Why is he like that? I mean, mula nang napunta kami rito, wala naman akong ginagawa o sinasabi na masama sa kanya... ni hindi pa nga yata ako gumagalaw o nagsasalita, pero parang ang init-init ng ulo niya sa'kin. Not that I wanted him to be nice at me... we were at the same boat to begin with. Ayoko sa kanya at ayaw niya naman sa'kin. There isn't wrong with that. Maybe, I am just over thinking again. Hindi ko na siya sinagot at umiwas na lang ng tingin. Wala akong balak na sayangin sa kanya ang laway o kahit isang segundo ko sa pagpansin sa kanya. Wala namang magandang mangyayari. Tiyak na mag-aaway lang kami o magsasabihan ng foul words. Hindi sound proof 'tong room kung nasaan kami. Katabi nito ang guidance kaya tiyak na bawat salita namin, naririnig no'ng counselor. 20 minutes pa lang ang nakakalipas nang dumating kami rito pero parang 20 years na 'yon. I couldn't afford to stay longer... kaya tatahimik na lang ako hanggang sa matapos. "Hoy." Inangat ko ang tingin ko sa kanya. Nanatili akong nakayakap sa tuhod ko at bahagya ko siyang tinaasan ng kilay. What is his deal? Gusto niya pa ba kaming magtagal dito? Alam kong may mahalaga rin siyang gagawin katulad ko kaya dapat lang na makipagcooperate siya sa katahimikang ginagawa ko. "What?" Mahina kong sagot. "You're too quiet," I didn't know if what response I should say. Gusto niya bang magdaldalan kami? Well, iyon ang purpose ng detention. Para magkaayos 'yong dalawang nag-away at hindi na ulit umulit sa gulo. But... I highly doubt na 'yon ang gusto niya. Bumuntong-hininga ako. "It's not my nature to talk to strangers." "We're classmates," he quickly answered. He got a point. But still, we weren't close to talk to each other. "Riane... was it?" Umawang ang labi ko sa sinabi niya. He knew my name? Hindi ako gano'n kakilala sa school namin at hindi rin ako loner pero bihira talagang may makatanda sa pangalan ko. Hindi kasi ako madalas makipag-usap sa iba kahit na kailangan kong masanay makipagsocialize sa ibang tao. "Y-Yeah." I looked away. It was a shame that I didn't know his name. Wala akong balak malaman pero ngayong nalaman ko na alam niya ang pangalan ko... gusto ko ring malaman kung sino siya. "I'm Quentil." I looked at him. "U-Uh... yeah. H-Hi, Quentil." Mahina kong sabi at yumuko ulit. The heck... did I do the right way to talk to a boy? This was the first time. Marami akong nakakausap na lalaki pero laging iisa ang purpose– business. I was sick of it. Gusto kong magkaro'n ng kaibigan... do'n ko nakilala si Dara. Unfortunately, iniwan niya rin agad ako. So, is it possible na si Quentil na ang susunod kong kaibigan? After all, member na rin siya ng club. Ipapakilala ko siya kay Dara mamaya pagkatapos ng detention. Hindi man maganda 'yong una naming meet... at least, sa maayos pa rin kami nagtapos. "E... you're too stiff." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Bumalik ang tingin ko sa kanya. Humiga ito sa sahig at ngumiwi. "You're completely the opposite of my type. What a dull girl," he sounded disappointed. What was the meaning of this? Was that a compliment or what? No... that wasn't a compliment. He just insulted me. Kinuyom ko ang kamao ko at sinamaan siya ng tingin. "Lowlife insect," I whipered, looking directy at him. I knew it. Hindi ko siya magiging kaibigan kahit na ilang beses baliktarin ang mundo. He got me a minute ago... the hell with him. I'd surely make him pay for what he said. Makakabawi rin ako sa kanya sa mga susunod na araw. Kalimutan na ang pagpapakilala sa kanya kay Dara! Hinding-hindi ko siya papapasukin sa club namin! Dull girl, huh... what's wrong with this birdbrain? He is really getting on my nerves. Natapos ang detention namin at wala ako sa mood na umuwi sa bahay. Wala ang parents ko tulad ng nakasanayan. Si kuya ang sumalubong sa'kin at nagbilin ng mga kailangan kong gawin. Dumiretso ako sa kwarto ko no'ng gabi na at pabagsak na humiga sa kama. "Nothing beats a soft bed..." I mumbled to myself. Isang araw lang ang lumipas pero pakiramdam ko, kalahati ng lifespan ko ang nabawas sa'kin sa sobrang stress at frustration. Kinabukasan, inagahan ko ang gising dahil maaga akong papasok. Mas maaga pa sa sinabing oras ni Ma'am Cavah– 'yong bagong adviser ng club namin. Tinaya ko ang isang oras ko pa dapat na tulog para lang masiguradong hindi tatapak si Quentil sa club namin. Hindi ko hahayaan kahit anong mangyari. Bangag akong nakarating sa school. Bukas pa ang mga ilaw dahil medyo madilim pa. May parating din na bagyo kaya malamig ang panahon. "Thank you, manong." Aniko pagbaba ng kotse. Sinuot ko ang jacket ko at sinakbit ang bag sa balikat ko. Huminga ako nang malalim bago magpatuloy sa paglalakad. Mag-aala sais pa lang... sakto sa pinlano kong oras. Kinuha ko ang susi ng club room pagkadating ko sa harapan. Bukas pa ang ilaw sa labas pero hindi ko na pinatay. Tutal ay dadaan naman ang guard dito mamaya. Kumunot ang noo ko nang ipasok ko ang susi sa doorknob. Nakabukas na? Ang alam ko ay naisara ko kahapon 'tong club. Pumunta ba rito si ma'am kahapon at nakalimutang i-lock? Well, wala namang mahalagang gamit dito na pwedeng manakaw kaya wala ring problema. Pinihit ko ang doorknob at pumasok sa club room. Agad na umawang ang labi ko at nanliit ang mata ko nang makitang nakaupo si Quentil sa loob at nakataas pa ang paa sa mesa. "H-Hey! What are you doing here?!" Binaba ko agad ang bag ko sa isang monoblock at nilapitan siya. Nakapikit ito at mukhang antok na antok pa no'ng malapitan ko siya. Minulat niya ang mata niya at tinaas ang isang kilay. "I'm part of this club, right?" Humikab siya at pumikit ulit. What? What the hell? "I'm the one who has the right to decide if you're a member or not. And you're not definitely a member so get lost!" Umagang-umaga, tumataas ang blood pressure ko dahil sa kanya. "What on Earth are you saying? Two hours pa lang ang natutulog ko kaya kung pwede, tumahimik ka muna. Okay?" He said as if he was the boss. "What?! I don't care kahit hindi ka pa matulog ng isang taon! Alis dito! We're not accepting a lowlife insect like you!" Bumukas ang isang mata nito. "What do you mean by we? Ikaw lang ang member dito kung wala ako, 'di ba?" Parang may tumusok sa puso ko na kung ano sa sinabi niya. He perfectly nailed it. Damn him. "Uh... e... wala ka na ro'n! Umalis ka na rito!" After ng sinabi niya sa'kin kahapon, hindi ko matatanggap na lagi ko siyang makikita rito sa club. "I'm not leaving," "You are!" Minulat niya ulit ang dalawang mata niya at saka huminga nang malalim. Binaba niya na ang paa niya mula sa mesa at umayos ng upo. "Shut up, will you?" Seryoso na ang tingin niya sa'kin ngayon. Damn it. What is wrong with him?! Tinukod ko ang dalawang kamay ko sa mesa na pinagpapatungan niya ng paa kanina. Sumeryoso rin ang tingin ko. "Alis," I seriously said.  "I won't," he replied. "Why?!" I frustratedly asked. "I'm the president of this club." Ngumisi ito. Lumipas ang ilang minuto na hindi ako nakagalaw at nakapagsalita. Hindi maprocess ng utak ko ang sinabi niya. Ilang saglit pa at unti-unti na lang na nanlaki ang mga mata ko nang marealize ang sinabi niya. "What?! How?!" Halos masuntok ko na ang mesa na pinagtutukuran ng kamay ko. "You won't believe me?" Tumayo siya at lumapit sa cabinet. May kinuha itong isang piraso ng bond paper at binigay sa'kin. "That's the proof." He... he outsmarted me. The hell with him. Napaupo na lang ako sa sahig at handa ng lukutin ang papel pero hinablot niya 'yon sa kamay ko. "Now that you know, you can already shut your mouth... or else, I'll kick you out of this club." Bumalik ito sa pagkakaupo niya kanina at tinaas ulit ang paa sa mesa. I couldn't believe it. I should be the president of this club. With or without members... I should be fine. "You're crying or what?" Rinig kong aniya. "Shut up, lowlife insect." Tumayo ako at sinamaan siya ng tingin. "Oh... it's bad to insult your president, you know?" Huminga ako nang malalim para pigilan ang sarili ko. I just want to murder him. "I'm leaving." Tumalikod ako at kinuha ang bag ko na naiwan sa sahig. What a bad day... "You stay." Rinig kong sabi niya pero nagpatuloy ako sa paglabas. Stay with his face. Mabulok sana siya mag-isa ro'n sa loob ng club room. Though, I doubt that. I made an investigation about him yesterday. He was pretty famous for a lowlife insect. Marami rin siyang kaibigan na pwedeng i-invite bilang part ng club. He could make the club more lively than I could. Bumuntong-hininga ako at humigpit ang hawak sa strap ng bag ko. Pero hindi ako pwedeng umalis sa club kahit na anong mangyari. She entrusted me the club... hindi ko alam ang pwedeng mangyari kung si Quentil lang ang matitira roon. I'd swallow my pride for this. Isa pa, nando'n 'yong isang bagay iniwan sa'kin ni Dara. Naglakad ako pabalik sa club at huminga muna nang malalim bago ulit pumasok. Diretso ang tingin sa'kin ni Quentil at para bang inaasahan niya na ang pagbalik ko. I was ashamed of myself. In the first place, sana hindi muna ako umalis para hindi nakakahiya na bumalik ako. "Morning," bati niya. I stared at him for a minute. "Yeah," I shortly replied. Dumiretso ako sa maliit na paso na may nakatanim na bulaklak. Isa ito sa iniwan sa'kin ni Dara kaya dapat ko 'tong ingatan. Kumuha ako ng tubig sa cr at diniligan ang halaman. I couldn't afford to lose this club. Titiisin ko na lang na makasama si Quentil sa isang taon... mabilis lang naman lumipas ang araw. "Here." Napamaang ako nang makita kong nasa harap ko na siya. Inabot niya sa'kin ang isang papel. Kumunot ang noo ko nang makita na application 'yon para sa president ng mga clubs. "W-What is this?" I confusedly asked. "Papel. Ano pa bang tingin mo?" Sumama ang tingin ko sa kanya. "You're lame." "Wha... what the hell?" Parang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. Nailing na lang ako at tiningan ulit ang papel. Blangko pa at walang sulat. "Para sa'n 'to?" "Sagutan mo na," he commanded. I raised my eyebrow, "I'll answer this for you? What am I? Your secretary?" I bitterly asked. Pinitik nito ang noo ko. "It's for you, idiot." "E... e?" "Anong e? Sagutan mo na 'yan," "Pero 'di ba, ikaw 'yong president?" He grinned. "Yeah. So, I'm ordering you to be the president." Ang gulo niya. Pero masaya ako. Ngumiti lang ako at kinuha ang ballpen saka mabilis na sinagutan ang application. "Good morning!" Sabay kaming napatingin ni Quentil sa pinto nang bumukas ito. Si Ma'am Cavah. "Ang aga niyo, nakakatuwa!" Masigla nitong sabi sa'min at bahagya pang pumalakpak nang maipatong sa mesa ang mga dala niyang gamit. "Morning, ma'am." Bati ni Quentil. Nanatili pa ring nakapatong ang paa niya sa mesa kahit na nakikita niya na si ma'am. That is a lowlife insect for you. "Good morning po," I greeted, too. "9am ang start ng class niyo, right?" Sabay kaming tumango, "Alright. We still have 2 hours left before magstart." I wonder kung anong unang task namin? But I was glad na nasolve ko na ang paghanap ng unang member. Hindi na mawawala sa'kin ang club. Medyo malas nga lang na si Quentil pa talaga ang unang member na kasama ko rito. Wala pang kasiguraduhan kung kailan ako makakahanap ng sunod na member. At saka, for mean time lang din ang sabi ni President. I still needed to search for other members. Mukhang madadalian naman ako dahil maraming kaibigan si Quentil na pwedeng i-invite. "So, you two are officially members of this club, Art Review Magazine. I'm hoping na nag-e-excel kayo both arts and journalism or kahit isang lang do'n sa dalawa kong nabanggit." Kumuha ito ng bond papers sa bag na dala niya at binigyan kami ng tigdalawang piraso, "For starters, write a short paragraph about any political issues. Then, for the second bond paper, draw what you want to draw," Binigyan kami ni ma'am ng isang oras para gawin 'yon. Hindi naman ako nahirapan dahil forte ko talaga ang dalawang 'to. Mahilig ako magsulat ng novel at dati rin akong editorial cartooner. "Can I see it?" Tumango lang ako. Akin ang unang tiningnan ni ma'am. "Wow! You're pretty good at these two, huh?" "Patingin nga!" Aroganteng ani Quentil at hinablot kay ma'am ang papel. Nanliit na lang ang mata ko. Wala talagang galang. Dapat na madetention siya ng isang taon, e. "Pwede na." He bitterly said as he was staring at my work. Pwede na? What was that? A compliment or disappointment? "Hmm... Quentil." Tawag ni ma'am sa kanya. Pumunta ako sa likod ni ma'am para makita ang gawa ni Quentil. Halos sumabog ang mata ko sa nakita ko. Hindi ko na rin napigilan ang makalas na pagtawa ko. The hell... he completely sucked at it. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD