"You definitely suck at it..." Natatawa kong sabi habang pabalik kami sa classroom.
Umismid ito at mas binilisan ang paglalakad kaya mas lumaki ang distansya sa pagitan namin. Nagkibit-balikat na lang ako at hinayaan na siyang umuna sa'kin.
Ang dali niya yatang nainis sa'kin ngayon. Well, I couldn't blame him. After ko nga namang makita 'yong gano'ng work niya, sino bang hindi mahihiya, 'di ba? Pride din ng tao 'yon. But I still couldn't believe that that was his work. I mean, he looked pretty good at that thing– not the writing part but the drawing.
Pareho kami ng strand na pinasukan. STEM 'yon. Kailangan namin ng kaunting skills sa pagdo-drawing para sa mga plates. Though, bihira naman kaming magfree hand kaya hindi sa'kin masyadong komplikado. Isa pa, forte ko ang bagay na 'yon.
Pinagmasdan ko siya sa paglalakad niya at bahagyang tumakbo para makahabol sa kanya.
"Hey..." Tumingin ito sa'kin at kinunot ang noo niya.
"What now?" Nakapamulsa ang dalawang kamay niya sa pants niya at tinuon na ulit ang tingin sa daan.
"Why do you join the club?" I wanted to ask. Mukhang hindi niya hilig ang mga gano'ng club at base sa pag-o-observe ko sa kanya, athletic siya na person kaya tingin ko, nasa isa siya sa mga sports club.
"That teacher forced me to join, remember?" He annoyingly said. Halatang may sama siya ng loob. Do'n pa lang sa pagbanggit niya ng that teacher.
"You have your freedom to choose even if someone was forcing you, you know?" Huminto siya sa paglalakad kaya napahinto rin ako.
Parang lumalim bigla ang pag-iisip niya. Hindi ko alam pero kinilabutan ako sa way ng pagtingin niya sa'kin. Ang sama na ang seryoso.
Classmate kami simula no'ng June pero kahapon ko lang siya napansin no'ng tinulak niya ako. I wasn't the type of person who usually gave an observation around her.
Pero 'yong tingin niya... alam ko 'yon. Nakita ko na 'yon. Hindi ko lang maalala kung saan.
"What do you care?" Mas humina ang boses niya.
Nagalit ba siya sa sinabi ko? Maling move ba 'yon? Gusto ko lang naman malaman 'yong thoughts niya.
"U-Uh... n-nothing..." This would be fine.
Hindi na ako pwedeng magsalita pa ng kung ano. Baka mas matrigger lang ang galit niya sa'kin. Though, I didn't know why he was angry.
Wala siyang sinabi sa'kin. Tinapunan niya lang ako nang malamig na tingin at nauna na sa paglalakad. Iniwan niya na ako ritong nakatulala habang iniisip pa rin kung anong nakatrigger sa galit niya.
I gave up.
Huminga ako nang malalim at pinalo ang dalawang pisngi ko.
Wala ring papatunguhan 'tong iniisip ko kaya mabuting kalimutan ko na lang. Kahit na maisip ko kung bakit siya nagalit sa'kin, wala rin naman akong magagawa.
We weren't friends. I didn't intend to help someone who wasn't my friend.
But... he saved the club by joining.
I still wondered why he joined... but he couldn't spill it. It would remain as his secret. Or maybe he was just saying the truth about forcing him.
Buong klase na lumipas, tulala lang ako at malalim ang iniisip. May time na napalabas pa ako sa isang klase dahil hindi ako nakasagot sa recitation.
I felt ashamed of myself. That was first time in my history.
Hindi tuloy ako nakakain ng lunch dahil sa sobrang panlulumo.
Mahalaga sa'kin ang bawat grade. Kahit na isang point lang, gagawin ko ang lahat para makuha 'yon o mas better kung ako lang ang makakakuha.
Kaya 'yong kanina... parang natapakan ang buong pride ko.
Hindi naman ako masyadong napahiya dahil parang wala lang 'yon sa mga kaklase ko. Pero napahiya ako sa teacher ko. Lahat sila malaki ang expectation sa'kin. Bukod sa anak ako ng Laxina... hindi talaga ako nagfe-fail na sagutin ang bawat tanong nila.
Pauwi na dapat ako sa bahay namin ngayon no'ng maalala ko na kailangan ko pa pala dumaan sa club dahil maglilinis pa kami. Ilang buwan din na bakante 'yon kaya puro alikabok. Mga dalawang oras din siguro bago kami matapos. Wala naman si mom at dad ngayon kaya ayos lang na malate.
"Wala si ma'am..." Salubong niya sa'kin pagpasok ko sa club. Sinara ko ang pinto at tipid na tumango. "Tayo na raw muna 'yong bahala sa club." He said even though I didn't ask.
"Okay." Walang ganang sagot ko at pinatong ang bag ko sa mesa.
Dumiretso muna ako sa cr para kumuha ng tubig na pandilig sa halaman ni Dara.
"You look upset," he commented.
He was talkative today. Nakalimutan niya na ba 'yong nangyari kanina at nawala na ang galit niya? Siguro dahil napalabas ako kanina kaya tingin niya ay quits na kami.
Pretty good for him, huh? Nakasang-ayon ang tadhana sa kanya. I felt sorry for myself.
"Really?" I said, not interested.
Dumiretso ako sa cabinet na pinaglalagyan ng cleaning materials.
"Hoy." Napatigil ako sa ginagawa ko at nilingon siya. What was with him? Hindi ba siya matahimik? Kanina niya pa ako ginugulo mula nang magsimula akong maglinis.
I just didn't want to talk to him.
Nagsimula lahat ng kamalasan sa'kin mula no'ng tinulak niya ako. May curse ba ang kamay niya kaya gano'n? I was still grateful for him. He saved the club after all. But... I just couldn't talk to him for now.
May paparating kaming exam for tomorrow. Kapag may gumulo na naman sa'kin, hindi ko na alam ang mangyayari.
"You're avoiding me, aren't you?" Pumangalumbaba ito sa mesa at diretso lang ang tingin sa'kin.
Halos kalahati na ng club room ang nalilinis ko pero wala pa rin siyang nagagalaw kahit na isang alikabok.
"What are you saying? Just shut up and help me to clean." Mahinang aniko at nagpatuloy sa pagwalis.
I really needed his help para matapos na 'to at makauwi na ako.
Narinig ko ang pagtunog ng upuan niya kaya napatingin ulit ako sa kanya. Tumayo ito at pinamulsa ang dalawang kamay niya.
Akala ko, tutulungan niya na ako pero dumiretso siya sa pintuan.
"Where are you going?" I asked.
Uuwi na ba siya at iiwan ako rito? What a gentleman he was!
"Lalabas lang ako. 'Wag ka munang uuwi hangga't wala ako, okay?" Pinihit niya ang doorknob at lumabas ng pinto.
Naiwan ako ritong nakaawang ang bibig at hindi maintindihan ang sinabi niya. I mean, narinig ko nang maayos pero bakit hindi ako pwedeng umuwi hangga't wala siya?
Nandito pa 'yong bag niya kaya tiyak na hindi pa siya umuwi. Pero paano kung sinadya niyang iwanan ang bag niya rito? Hindi ko alam kung anong iniisip niya. Prank ba 'yon o ano?
Kalahating oras ang lumipas at natapos ako sa paglilinis. May maliit na sofa kami rito kaya naupo muna ako ro'n at pinikit ang mata ko.
Ala sais na at wala pa rin siya.
May part na gusto ko ng umuwi dahil nagugutom na ako. Hindi ako nakapaglunch kanina at hindi rin ako nagbe-breakfast kaya nanghihina na ako ngayon. I needed to eat.
Pero may part din naman na ayaw ko munang umuwi at maghintay na lang kay Quentil hanggang dumating siya.
He entrusted me his bag. So, I have to stay. Dito lang ako hangga't hindi siya dumarating.
Pero nahihilo na rin ako dahil sa gutom.
The hell... I wanted to eat.
"Hoy. Hoy, Riane." May naramdaman akong tumatapik sa pisngi ko kaya nagising ang diwa ko.
Nakatulog ba ako? Hindi ko namalayan. Nasaan nga ba ulit ako?
"K-Kuya?" Kinusot ko ang mata ko.
Kumunot ang noo ko nang makita si Quentil sa harap ko na lukot ang mukha.
"H-Huh? Bakit ka nandito? At bakit gan'yan ang mukha mo?" Inunat ko ang braso ko at humikab.
"Don't call me kuya again. It's giving me chills... damn you." I furrowed my forehead as I frowned.
What did he mean?
"Anyway, sorry for the wait." Pinitik niya ang noo ko nang mahalata na parang wala pa rin akong naiintindihan. "We're still in the club. Naglilinis ka, remember?"
My mouth formed letter o as I remembered.
"Where did you go? I'm starving!" Tumayo ako at kinuha ang bag ko sa mesa. "Uuwi na ako. Kailangan ko pang mag-aral," Tama, may exam pa kami bukas na dapat kong paghandaan.
"Wait, wait." Hinawakan niya ang braso ko at hinila pabalik sa upuan.
"What? Nagmamadali ako!" Pasimple kong tiningnan ang wristwatch ko. "The hell! 7pm na pala?!" I historically yelled. "I need to go home!"
"Shut up for a minute, Riane." Seryoso nitong sabi at pilit akong inupo sa upuan. Sinunod ko naman siya at tumahimik muna.
Naglapag siya ng mga eating utensils sa mesa at isa-isa 'yong nilagyan ng pagkain.
"What are these?" I confusedly asked.
"These are food. You ignorant or dumb?" Sinamaan ko siya ng tingin pero hindi na sumagot dahil nagniningning na ang mga mata ko sa dami ng nakahain na pagkain.
"Birthday mo?" Natutuwa kong tanong.
"Yeah," tipid niyang sagot.
Kinurap ko ang mata ko.
"Hindi nga?" That was supposed to be a joke.
He threw a glare at me. "Magtatanong ka tapos hindi ka maniniwala? You are really dumb."
Ngumuso ako. "Malay ko ba na totoo 'yong sinasabi mo."
"Let's pray." Tumango lang ako.
Nang matapos kami sa pagdadasal, tahimik lang siyang nagsimulang kumain. Sinabayan ko lang siya at hindi na rin nagsalita.
I wanted to greet him but I didn't know how I would start.
Natapos kaming kumain at tinulungan ko siya sa pagliligpit. Nang matapos na kami, sabay kaming lumabas at saka nilock ang club.
Wala pa si manong kaya kailangan ko munang maghintay ng ilang minuto. Kakatawag ko lang din kasi.
"Wala pa 'yong sundo mo?" Tumango ako. "Then, I'll stay with you for a while." Gulat ko siyang tiningnan.
"U-Uh, I'm fine. Pwede ka nang mauna." Tipid akong ngumiti.
Ang bait niya yata ngayon? Dahil ba birthday niya o sa kinain namin? Nakalimutan niya na nga talaga siguro 'yong nangyari kaninang umaga.
Hindi naman niya pinansin ang sinabi ko at pinagkrus lang ang braso.
"Wala ka pa ring sundo?" Tanong ko sa gitna ng katahimikan namin.
"I can go home on my own." Mapait lang akong napangiti.
Seriously, pinapatamaan niya ba ako sa line na 'yon?!
Pero sabagay, lalaki kasi siya.
"Sorry pala para ro'n sa kanina," Mahina kong sabi.
Halos manlambot ang tuhod ko. Inipon ko ang lahat ng lakas ng loob ko para sa line na 'yon kaya halos wala ng natira para sa'kin.
"Okay," He shortly replied.
What is with his answer?
Gusto niya ba akong maguilty kahit hindi ko alam kung saan ako nagkamali?
"Uh, Quentil..." The hell with this!
Masyado na ba akong madaldal? Baka naiinis na siya sa'kin o ano? Hindi ko lang talaga matagalan 'tong katahimikan namin!
I was born with an awkward personality and it sucked.
"What?" Ang ikli niyang sumagot kumpara kanina.
Galit ba siya kasi nakikain ako sa handa niya tapos wala akong regalo?
"H-Happy birthday..." I said with all my might.
"Thanks," that was really short.
"Uh, ano..." Tumingin siya sa'kin at kinunot ang noo niya. Tinanggal ko ang clip na nasa buhok ko at binigay sa kanya. "Here."
"Huh?" Nagtataka niyang tanong.
"Wala kasi akong gift... in the first place, hindi ko alam na birthday mo ngayon pero gusto ko pa ring bigyan ka ng gift kasi in-invite mo ako sa birthday mo..."
"Why your clip?" Kinuha niya 'yon sa kamay ko. "I'm not a gay."
Tumango ako at ngumiti. Pinagmasdan ko sa huling beses ang clip at iniwas na ang tingin ko.
"That clip is important to me," I said.
"Why?"
"It was a gift from my first best friend..." And last, I guess.
Ngayon pa lang na naiisip ko si Dara, parang gusto ko na ulit bawiin 'yong clip. Pero hindi na pwede. Binigay ko na 'yon kay Quentil.
"Why give it to me?" He asked again.
"Because it's your birthday. And you also helped me by joining my club even though you suck at it." Bahagya akong natawa at narinig ko naman ang pag-ismid niya.
"It's fine kahit walang gift." Nilahad niya sa'kin ang clip.
Pinagmasdan kong mabuti ang clip sa kamay niya. Gusto kong kuhanin ulit pero... sa kanya na 'yon. I have this feeling na binigay sa'kin 'yon ni Dara para ibigay ko rin sa iba.
I just didn't know kung bakit ko sa kanya naisip na ibigay.
"Keep it for me," I finally said.
"Even though it's important to you?" I nodded. "Why me? We're not friends."
"Then..." I looked at him as I widened my smile. "That's the start of our friendship, okay?" I said as I pointed out the clip.