Chapter 5

2053 Words
Tatlong araw ang lumipas mula nang magbirthday si Quentil at marami nang nag-iba sa club namin– pero wala pa ring ibang sumasali. Nabago physically dahil talagang ang tiyaga ni Ma'am Cavah sa pag-aayos at pagdadala ng bagong decorations. Dalawang araw mula ngayon, magsisimula ang pagpili ng mga estudyante sa mga club na sasalihan nila. Bawat isang estudyante, mayro'ng maximum na dalawang club ang pwedeng salihan. Ang alam ko, kasali rin si Quentil sa swimming club. Hindi ko rin inaasahan na swimmer siya kasi kadalasan ng lalaki, nasa basketball o volleyball. Bihira lang ang nasa swimmer. Hindi ko pa nabibisita ang club niya pero para nasa sampu lang din yata ang member ng club nila. "Class dismissed." Nag-unahan na sila sa paglabas at naiwan muna ako saglit dito sa classroom para tapusin ang lecture na sinusulat ko. Nanghiram lang ako ng notes sa president namin para makopya 'to. Hindi kasi ako nakapasok ng isang subject kahapon dahil pinatawag ng president ng student council ang lahat ng president ng bawat club. "Finally..." I whispered to myself as I wrote the last letter. Sinara ko ang notebook ko at tinago sa bag. Balak ko sanang isauli kay Micah– 'yong president namin, 'yong notebook niya pero halos wala ng tao rito. Medyo malaki ang classroom namin dahil marami rin kami. Tinago ko na lang sa bag ko 'yong notebook niya dahil hindi ko na rin siya mamataan. Baka nauna nang umuwi o may inasikaso para sa classroom namin. Sinakbit ko ang bag ko at nagsimulang lumakad palabas. Kumunot agad ang noo ko nang makita si Quentil na nag-aabang sa gilid ng pintuan. "Hoy," Usual niyang tawag sa'kin. Sa una, nakakainis pero habang tumatagal, nasasanay na rin ako. "What, lowly insect?" Same for him. Lagi siyang nakikipag-away sa'kin no'ng tinatawag ko siya ng gano'n pero mukhang nasanay na rin siya. Good for him. "Ang tagal mo." Tinalikuran niya ako at nauna sa'king maglakad. Pinamulsa niya ang kamay niya sa pants niya. "Huh?" Bahagya akong tumakbo para makahabol sa kanya. "Wala tayong club ngayon, tanga." Napahinto siya sa paglalakad at tumingin sa'kin. "What?" Nagtatakang tanong ko. He looked away as he heavily sighed. "Nevermind. Una na ako." "E? Bakit mo pa ako hinintay?" Sumunod lang ako sa kanya despite sa sinabi niya. "Stop following me. Umuwi ka na," He said with an authority. "Why? Ikaw 'yong naghintay sa'kin d'yan, e." Pinagsalikop ko ang dalawang kamay ko sa likuran ko at nangiti. "Nakalimutan mo siguro na walang club, 'no?" I teased him. "Shut up, hag. Marami pa akong gagawin, umuwi ka na." Tumigil ako sa paglalakad kaya napahinto rin siya. "What now?" Ang gulo niya. Sabi niya umuwi na ako pero no'ng huminto ako, huminto rin siya. But anyway... nakakatuwa lang. Ginawa niyang keychain 'yong hair clip ko. Nasa bag niya 'yon nakakabit. Hindi ba nakakababa ng p*********i 'yon? Pwede namang itago na lang niya sa kung saan. Though, I was really glad na siya 'yong napili kong pagbigyan. I knew na pahahalagahan niya 'yon. He wasn't very nice but I could see that he had a good heart. Good heart with some foul words. "W-Wala... uuwi na ako." Inangat ko ang tingin ko sa kanya. Tumaas ang kilay nito hanggang sa tumango na lang. "Okay." "Bye..." Tumalikod ako at nagsimulang maglakad palayo sa kanya. I wonder kung hindi pa siya uuwi katulad ko? I bet pupunta pa siya sa isa niyang club. Kailangan din yata nilang maghakot ng members dahil apat ang ga-graduate sa kanila ngayon. Kasama na siya. "Hoy." Napatigil ako sa sinabi niya. Nakakailang hakbang pa lang ako kaya rinig ko pa kahit ang bulong o paghinga niya. "Uuwi na ako." Ulit ko sa sinabi ko at kumaway. "I-Ingat." Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Medyo bumilis din ang pagtibok ng puso ko at automatic na nagcurve pataas ang labi ko. I thoughtlessly smiled. Dahil sa sinabi niya? Mula nang namatay si Dara, ngayon ko na lang ulit narinig 'yong salita na 'yon na para sa'kin talaga. Nilingon ko siya pero wala na siya ro'n sa pwesto niya. Umalis na siya... hindi niya man lang hinintay ang sagot ko. Sabagay, hindi naman siya nagtatanong. Kinabukasan, balik na ulit kami sa club kaya medyo mas maaga akong pumasok. Magsisimula na kami sa pag-i-invite ng mga bagong members para sa Friday, hindi lang kaming dalawa ni Quentil ang magwe-welcome sa mga gusto pang sumali. "Morning..." Bungad ko pagbukas ng pinto. As usual, nakaupo siya ro'n sa swivel chair na dinala rito ni ma'am at nakataas ang paa sa mesa. "May na-invite ka?" Tanong ko nang maibaba ang gamit ko. "Wala," he quickly replied. "Seryoso? Marami kang friends, 'di ba?" Umasim ang mukha nito at inilingan ako. "Your words are creeping me out." Niyakap niya pa ang sarili niya. "You're just exaggerating, birdbrain." I rolled my eyes as I relaxed my back on the sofa. "Anyway, ikaw lang ang pag-asa ng club natin kaya as much as possible, dapat na makahanap ka ng bagong members o estudyante na willing sumali sa'tin... o kahit sapilitan, pwede na 'yon." Hinilot ko ang sintido ko at bumuntong-hininga. Wala akong choice kaya kailangan naming gawin ang lahat para magkaro'n ng ibang members 'tong club. "Why do we need to search for other members? Kaya naman nating dalawa 'yong mga task ng clubs na 'to. At saka, sapat lang 'yong dalawang para sa mga festivals." He said as if it was a pain– sa lahat ng sinabi niya, dito lang ako sumang-ayon. "Well, president's words are absolute. Wala akong magagawa ro'n," "Tsk." Sumama pa yata ang mood niya sa sinabi ko. "Then, let's have a contest!" Halos atakihin ako sa puso ko sa biglang sigaw na 'yon at pagbukas ng pinto. Niluwal no'n si Ma'am Cavah na ang daming dala na namang paper bags. "Contest?" Takang tanong ni Quentil at nanatili pa ring nakataas ang paa. "Yes, contest. Para sipagin kayo sa paghahanap ng bagong members natin." Nilapag niya sa sahig ang paper bags at lumapit sa'min. "What contest?" He asked. Interesado ba siya? Hindi naman ako against sa mga contest. Actually, I, myself, really loved to join in a contest. Basta academics ang content. "So, contest for searching a new member po?" I politely asked. "Correct!" Masigla nitong sagot. "And the reward?" Mukhang ito ang pinakaabangan niya. "The loser will grant the wish of the winner!" "Woah!" Si Quentil. "What?" I unbelievably asked. "Kahit anong wish?" Natutuwang ani Quentil. "Yes. Kahit ano," Ma'am replied. "You heard the teacher, Riane." Napalunok ako sa tingin niya sa'kin. "Yeah. Prepare for your lose." Matapang kong sabi at pinagkrus ang braso ko. "Oh..." Was he mocking me? The hell with him! I'd do everything just to make sure that I'd be the winner. "I'm leaving." Umawang ang labi ko nang tumayo na siya at nagsimulang maglakad palabas. "Where are you going?" Tanong ko. "Secret." Kumaway pa ito bago mawala sa paningin ko. Seseryosohin niya 'tong contest namin? For real?! "What are you waiting for, Riane? Hindi ka ba natatakot na maunahan ka ni Quentil?" Napabuntong-hininga ako at tumango. "Alis na po ako..." "Okay! Goodluck for the both of you!" Napahilamos na lang ako sa mukha ko pagbalik sa classroom. Hindi ko alam kung saan ako pupunta kaya rito muna ako dumiretso. I'm fully sure na matatalo ako sa contest na 'to. Magdadasal na lang siguro ako na hindi mahirap tuparin ang wish ni Quentil. He is dumb but when it comes to that... I just don't want to talk about it. Dumating ang uwian namin na wala akong nahanap na member. Hindi rin pumasok si Quentil no'ng nag-afternoon session na. Dalawang teachers lang din naman ang pumasok sa'min no'n. Vacant ang tatlong subject namin. "What a tiring life..." I whispered to myself. Dumaan muna ako rito sa locker ko para itabi ang ilang libro ko. Napatigil ako sa paglalakad nang mamataan ko ang isang babae sa tabi ng locker ko. Nakajersey ito ng volleyball team. Si Daphne. Nagpatuloy ako sa paglalakad at binuksan ang locker ko. "How are you?" Rinig kong tanong niya. Tinapos ko muna ang paglalagay ng mga libro sa locker at saka nilock bago tumingin sa kanya. "I'm fine." I dully said. Hindi ko in-expect na makikita ko siya rito kaya wala akong masyadong masabi. "I see." Tumalikod ito sa'kin at nauna nang maglakad palabas. "Wait..." Humabol ako sa kanya. I wanted to ask her to be a member of our club... but how? Saan ko kukuhanin ang lakas ng loob na kailangan ko? "Why?" Her smug face was really pissing me off. "N-Nevermind..." I didn't want to see her smug face for one year so I won't ask her. "Okay." Napaismid na lang ako nang makaalis na siya. Wala ako sa mood na pumunta sa club. Wala rin si Quentil pagdating ko kaya ako muna ang umupo roon sa swivel chair niya at nagtaas ng paa. Pinagdikit ko na lang ang binti ko dahil nakapalda ako. Ang sarap pala sa pakiramdam ng ganitong pwesto– no wonder at gustong-gustong ni Quentil dito. Nag-away pa kami no'ng nakaraan dahil sa upuan na 'to. Isang araw rin niya akong hindi pinansin at dinadaan-daanan lang. Dahil lang 'yon sa natapunan ko ng lemon juice ang upuan na 'to. Papikit pa lang ang mata ko ay biglang bumukas ang pinto kaya naibaba ko agad ang paa ko. "Riane!" Malakas niyang sigaw. This birdbrain is really getting on my nerves. "What?!" I annoyingly asked. Ang laki ng ngisi niya sa labi at proud na naglakad palapit sa'kin. "Prepare to grant my wish." Tumaas ang kilay ko. "May nahanap kang bagong member?" "Ha! Anong akala mo sa'kin?" He arrogantly said as he widened his smirk. "Acril!" Sigaw niya ulit. Acril? Bumukas ulit 'yong pinto at niluwal ang isang lalaki. "I told you I won't join this crappy club." Tamad na sabi no'ng lalaking kakapasok pa lang. Halos malaglag ang panga ko sa salubong niya. Nalilito kong tiningnan si Quentil pero pinanlisikan lang ako ng mata nito. "Join this for me! Ha? Ha?" Napaface palm na lang ako. I knew it. Wala talagang may gustong sumali sa club namin at pinilit niya lang ang isang 'to. Mukhang seryoso talaga siya sa wish na sinasabi ni ma'am. "What? Are you a gay or what?" "Tsk! Nakasalalay 'yong love life ko rito kaya pumayag ka na!" Love life? Love life ni Quentil? Hindi siya pinansin no'ng lalaki at tumingin dito sa gawi ko. Kumunot ang noo niya at unti-unting naglakad palapit sa'kin. "M-Member ka rin ba nitong club na 'to?" Tipid akong tumango. "I'm the president..." Tumayo ako at nilahad ang kamay ko. "Riane. Nice to meet you." He looked nice in spite of his attitude a minute ago. Ang peaceful ng mukha niya at halatang friendly. "A-Acril... nice to meet you, too." Hahawakan niya pa lang ang kamay ko ay pumagitna na ang kamay ni Quentil sa kamay namin. "Akala ko ba ayaw mong sumali, ha? Bakit ka nakikipag-usap kay Riane?" Sinamaan siya ng tingin ni Acril. "I changed my mind a second ago. I'll join this club for her." My mouth formed letter o as I heard his words. Halos maiyak ako sa tuwa dahil sa sinabi niya. Finally! Nagkaro'n din kami ng member na hindi pilit! "Tsk. Whatever. Don't flirt with her, okay?" Mas lalong umawang ang labi ko sa sinabi ni Quentil. "What? You like her?" Napalunok ako. Bakit dito napunta ang usapan?! "T-Tanga! Hindi!" Umiwas ng tingin si Quentil hanggang sa tumalikod na. What's with him? Sobra kung makadeny, ah. "Then, she's mine." Acril declared. What? Huh? What the hell?! Humarap sa'min si Quentil. Nasa akin ang tingin niya at parang sinusuri kung anong magiging sagot ko. "Y-You two–" Quentil cut me off. "Okay," Naiwan ang bibig ko na nakabukas sa ere. Naisara ko na lang 'yon nang sumara din ang pinto. Lumabas na siya. Naiwan kami rito ni Acril. Napaupo na lang ako sa swivel chair at pumangalumbaba. What did he mean by okay? Wala siyang pakialam, parang gano'n? Well, the feeling is mutual. "Acril... was it?" Tumingin ito sa'kin at tipid na ngumiti. "Yeah," "Thank you for joining the club... and welcome. You can think of this as your second home," I said. Nawala ang ngiti nito at tumalikod sa'kin. "Una na muna ako..." Hindi na ako nakapagsalita dahil mabilis na siyang umalis. Napakurap-kurap na lang ako at napailing. Mukhang dalawang weirdo na ang makakasama ko for this whole school year. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD