Chapter 6

2031 Words
"Wow!" Namamangha kong sabi habang pinagmamasdan ang dinrawing ni Acril sa isang bond paper. "Ang galing mo, ah?" Ngumisi ito at tiningnan si Quentil. Napatawa na lang ako nang mahina. Sumama naman ang tingin sa'min nito at inismidan lang kami. "Ano palang strand mo? Bakit hindi kita masyadong napapansin?" Interesado kong tanong at tinulungan siya sa pag-aayos ng mga art materials. "ICT." Tipid nitong sagot at naglakad papuntang cabinet para itago ang malinis naming gamit. "Kasama ko rin si Quentil sa swim club." "Wow! Swimmer ka rin?" Ang talented niya! Nakakatuwa lang na may ganito kaming member. Tiyak na mananalo na kami sa sa susunod na battle of the clubs nito. Maghintay lang ang mga ibang club at mararanasan nila ang total defeat na lagi nilang pinaparanas sa club namin. "Dumbs are always asking the obvious, aren't they, Riane?" Ngumiwi lang ako sa sinabi ni Quentil at hindi siya pinansin. Pinagpatuloy lang namin ni Acril ang pag-uusap namin hanggang sa matapos ang lunch at pumasok ulit sa classroom. Sabay kaming naglalakad ni Quentil sa hallway ngayon dahil iisa lang naman ang pupuntahan namin. Nauna na sa'min si Acril dahil sa kabilang building pa ang room niya. "What do you think of Acril?" Tanong niya nang medyo malapit na kami sa classroom. "He's talented," I honestly said. "You like him?" Kumunot ang noo ko sa tanong niya at bumaling sa kanya. "What do you think?" Balik tanong ko. Nagkibit-balikat siya at nauna sa'kin sa paglalakad pero tumigil din nang nasa harap na kami ng pinto ng room. "About my wish..." Napahinto rin ako sa sinabi niya. "Ano 'yon?" I was silently wishing na decent ang hihilingin niya sa'kin. Knowing him, baka bawian niya ako sa lahat ng masasakit na salitang sinabi ko sa kanya. Hindi ko naman pwedeng bawiin 'yong deal na ginawa namin dahil absolute 'yon. I couldn't lose my pride by breaking that promise. Parte at witness pa naman no'n si ma'am. "Meet me later at the cafeteria," "Alright..." Nauna siya sa'king pumasok at ilang segundo pa bago ako sumunod sa kanya. Bukas na ang pagpili ng bawat estudyante ng sasalihan nilang club pero wala pa ring bakas na may bagong sasali sa'min. Personally, ayokong mastuck sa dalawang 'yon. Pareho silang weirdo at may sariling mundo na hindi ko alam kung paano nila pinaikot pero ayokong masama ro'n. Kahit isang member pa... 'yon na lang ang kailangan ko para mamaintain ang balance. No'ng matapos na ang lahat ng klase namin, nagpaiwan muna ulit ako sa classroom para manghiram ng mga notes at magpaturo ng ilang plate na kailangang gawin. As usual, sa president ako lumapit dahil hindi naman ako gano'n kaclose sa ibang kaklase ko para magpaturo. Si Quentil, pansin ko na marami siyang kaibigan. Tuwing uwian, laging ang daming lumalapit sa kanya. Babae o lalaki. Sikat siya sa parehong gender. Siguro, dahil gwapo siya? At sa social status din. Nalaman kong Serrato si Quentil– family friend namin. Hindi pamilyar ang mukha niya sa'kin kasi hindi ako madalas lumabas kapag may bisita sa bahay. Nasanay akong ako lang mismo ang nasa mundo ko. I had got... nothing. "Cheesecake and lemon juice po." I politely said. "Seventy-five pesos." Kinuha ko ang wallet ko at pinatong ang isang daan saka umalis na agad. Naghanap ako ng medyo tagong place para sa'min para hindi ma-interrupt ang pag-uusap namin. Sakto lang din naman dito ang lamig at hindi rin masyadong madilim o maliwanag. Balak ko sana siyang i-text pero naalala kong wala 'yong number niya sa'kin. Kaunti lang ang distansya ng pwesto na 'to sa pintuan ng cafeteria kaya mamamataan ko rin naman siguro agad siya kapag pumasok na siya. I'd just wait for him. "Riane?" Minulat ko ang mata ko at inangat ang tingin. Napabuntong-hininga na lang ako nang makita si Acril. Mag-iisang oras na akong naghihintay rito kay Quentil pero wala pa rin siya. "Hi..." Umupo ito sa harap ko at pinatong ang binili niya sa counter. "Want some?" Umiling ako at tipid na ngumiti. "Kakakain ko lang din..." "Ba't nandito ka pa? Kanina pa 'yong uwian niyo, 'di ba?" Nalilitong tanong niya. "May hinihintay lang." Hindi naman siya nagtanong about do'n at tumango lang. So far, mukhang magkakasundo kami ni Acril dahil siya 'yong type ng tao na hindi masyadong nangangalkal ng information. Tahimik lang siya at tatanguan kung anong sasabihin mo. Pero halatang interesado siya sa bawat salitang lumalabas sa bibig mo. He is my type, actually. "Ikaw, ba't nandito ka pa?" I shot back. "Galing sa club namin. Practice para sa darating na preliminary." Napatango ako at sumimsim sa lemon juice na kakabili ko lang ulit. Mula nang dumating ako rito, nakatatlong lemon juice na rin ako. "Anong grade ka nagstart sa pagsali sa swim club?" I asked. "Grade 7 pa lang, nasa club na ako. Wala akong interes no'ng una kaso pinilit ako." Bahagya akong natawa. In a sense, pilit din ang pagkakasali niya sa club namin. I felt sorry for him. "Sinong pumilit sa'yo?" I curiously asked. "Si Quentil." Ngumiwi pa ito kasabay ng pagbanggit niya sa pangalan. "I thought so!" Natatawa kong sabi. "Paano mo nakilala si Quentil? Magkaklase kayo?" Tumango siya. "Magkaklase kami sa swimming lessons. Nagrace kami no'n tapos naunahan ko siya despite sa pagiging member niya ng swimming team." Sumandal ito sa kinauupuan niya. "Dalawang buwan niya rin akong pinilit na sumali sa club nila at ayain sa rematch." "Nagrematch kayo?" He nodded. "Sinong nanalo?" I excitedly asked. "Who do you think?" Pambitin na tanong niya. "Of course, ikaw!" Napangiti siya at tinaas ang kamay niya saka kami naghigh five. "How do you know?" "Well, instict, I guess." He burst out laughing as he shook his head. "Why?" I slightly tilted my head. "Nothing..." Naiilang na anito. Lumipas ang isang oras pa naming pagkekwentuhan at wala pa ring bakas na pagdating ni Quentil dito. Mabuti na lang at hindi pa umuuwi si Acril. Though, alam ko ring kaya lang hindi pa siya umuuwi ay para samahan ako rito. Maybe, he felt pity for me. "Quentil's not coming." Napatingin ako sa kanya sa sinabi niya. Nakapikit ang mata nito at nakakrus ang dalawang braso. "U-Uh..." I didn't know what I would reply. In the first place, how did he know that I was waiting for Quentil? Is he a mind reader o he just guessed it? "It's already 7pm." Aniya ulit at umayos sa pagkakaupo. "You're waiting for him, aren't you?" Nag-iba ang tono ng boses niya at nagising seryoso. Hindi katulad ng kanina na ang hinahon. "Well, yeah. May sasabihin kasi siya sa'kin." Bumuntong-hininga ito. "I'll walk you home. Wala si Quentil. Tinawagan siya ng ate niya kanina na umuwi na." Umawang ang labi ko at napayuko. I see... Urgent siguro kaya hindi niya na ako nagawang sabihan o ipaalam sa'kin. "I'm fine. Ite-text ko na lang si manong na sunduin ako rito," He raised his eyebrow. "You sure?" "Yup," I quickly replied. "Text mo ako kapag nakauwi ka na..." Kumuha siya ng ballpen at papel. May sinulat siya ro'n saka ibibigay sa'kin. "That's my number." Medyo bumilis ang pagtibok ng puso ko habang tinatanggap ang kapirasong papel na 'yon. Ito ang unang pagkakataon na may nagbigay sa'kin ng number nila. Hindi ko natry kay Dara 'yon dahil hindi raw siyang mahilig makipagtext. "O-Okay..." Tinapik niya ang ulo ko at tipid na ngumiti. "Sorry, kailangan ko ng umuwi." Mabilis akong umiling. "It's fine! I'll text you, promise." Humalakhak ito at tumalikod na sa'kin. "I'll wait," Iyon ang huli kong narinig na sinabi niya bago siya nawala sa paningin ko. Ilang minuto pa akong nanatili rito sa loob ng cafeteria bago naisipang lumabas. Dunaan din muna ako sa locker ko para kuhanin ang libro na nilagay ko ro'n no'ng nakaraan. Magre-review na kasi ako sa upcoming tests namin. Nilo-lock ko na ulit ang locker ko no'ng may marinig akong mga ingay. May ibang tao pa rin pala sa ganitong oras? Bukod sa mga college, I mean. Para lang kasi sa senior high ang mga locker na 'to. Hindi ko na lang pinansin at naglakad na ulit palabas pero napahinto na lang ako kasabay ng pag-awang ng labi ko at pagkunot ng noo ko nang makita si Quentil... na kasama si Daphne. They knew each other? Teka... akala ko ba umuwi na si Quentil dahil tinawagan siya ng ate niya? Bakit nandito pa siya sa school? "Riane?" Napamaang ako nang tawagin ni Daphne ang pangalan ko. Napatingin din sa'kin si Quentil at bahagyang lumaki ang mata nang makita ako. For sure, naalala niya 'yong usapan namin na magkita sa cafeteria. I waited for him for two hours. Ginabi ako ng uwi dahil sa kanya tapos nandito lang siya. "U-Uh... yeah. Excuse me." Tuloy-tuloy na akong lumabas ng locker room at dumiretso sa parking lot na mabigat ang dibdib. This is strange... Ito 'yong pakiramdam ko no'ng unang nagalit sa'kin si Dara at hindi niya ako pinansin. Bakit ko 'to nararamdaman ngayon? Ang hindi ko maintindihan... ay si Acril. Did he lie to me? Bakit niya sinabi 'yon kahit na narito naman talaga si Quentil? Pero... I was still thankful to him. Kung hindi niya sinabi 'yon, tiyak na hindi pa ako makakauwi. Pagdating ko sa bahay, hindi na ako kumain ng dinner at natulog na agad. Wala ring tao sa bahay kaya walang pumilit sa'kin. Sinadya kong magpalate ng pasok para hindi na dumiretso sa club ngayong umaga. Wala akong balak na makita ang mukha no'ng dalawa. Gusto kong umpisahan ang magandang araw na 'to ng payapa at hindi nagtatanim ng sama ng loob sa kahit kanino. "Hi." Walang ganang bati ko pagpasok sa club nang dumating ang lunch. To be honest, ayoko pang magpunta rito pero kailangan mayro'ng magwelcome sa bagong sasali sa'min. "Riane!" Tumaas ang kilay ko sa sabay nilang pagtayo at pagtawag sa pangalan ko. "What?" Inis na tanong ko at dumiretso sa cr para kumuha ng tubig na pandalig sa halaman. "Hindi mo 'ko tinext kagabi." Nilingon ko si Acril sa sinabi niya. Ngayon ko lang din naalala. Masyado akong nalutang sa iniisip ko kagabi kaya nakalimutan ko na rin 'yon. "S-Sorry! Babawi na lang ako sa susunod..." I felt bad. Nagpromise pa rin naman ako sa kanya. Umiwas ito ng tingin at nagkibit-balikat. "It's fine, though." Napayuko ako at tipid na tumango. Nakonsensya ba siya sa pagsisinungaling sa'kin? It didn't make sense. Why did he do that? What was his purpose? "Akala ko, nasa swim club kayo ngayon." I commented as I sat on the sofa. "Marami pa naman sila ro'n. Ikaw, mag-isa lang dito..." Napatakip ako sa bibig ko dahil sa sinabi ni Acril. "Uh... bakit? Did I just say a wrong word?" Mabilis akong umiling. "You're really kind!" Naiiyak kong sabi. Humalakhak ito at umiling. "Not that kind." Natahimik kaming dalawa pagkatapos no'n at nabaling ang tingin ko kay Quentil. Hindi niya nasabi ang wish niya sa'kin kahapon kaya ngayon ko lang tatanungin. "Riane..." He called me. "What, lowly insect?" Parang nagliwanag agad ang mukha nito. "Hindi ka galit?" Natutuwa niyang tanong. "Galit? Saan?" He was pertaining to what happened last night. I didn't hold a grudge against that. After all... I felt nothing... He wasn't even my friend. Though, I told him that the clip was the start of our friendship. Ayoko sa kanya. Hindi siya pwedeng maging kaibigan ko– after ng hindi niya pagsipot sa'kin. Maiintindihan ko naman sana kung may pasabi lang siya pero wala rin. I disliked him for that. "Kahapon–" I cut him off. "It's fine." "Y-You sure?" I nodded. "I don't care in the first place." I coldly said. "I... see..." "So, what was your wish?" Umiling siya. "Nevermind that..." He replied. "It's fine, really. Sabihin mo na para magawa ko habang maaga..." Tahimik lang si Acril sa isang sulok at nakikinig sa pinag-uusapan namin. "Riane." Kumunot ang noo ko sa pagtawag ulit sa'kin ni Quentil. "What now, birdbrain?" "Sorry." Lumapit siya sa'kin at biglaan akong niyakap. "H-Hey... what do you think you're doing?" "Sorry..." What is he thinking? "Uh, fine. Just let me go." Bumitaw rin naman siya pagkakayakap sa'kin at saka ngumiti nang malapad. "We're really fine?" Tipid akong tumango. Why... couldn't I blame him? Why couldn't I fully hate him? "About my wish..." Tumaas ang kilay ko. "I want Daphne to join our club. Invite her for me..." 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD